Nakauwi na ako ng bahay ng mga 6am ng umaga. Inagahan ko talaga para di ko na makasabay pa ang parents ni Kris sa pagkain dahil sobrang nahihiya ako sa nangyari kagabi. Kainis talaga! Buti nalang at si Kris na ang bahalang magpalusot kung bakit maaga akong umuwi.
"Oh Vic, ayos ka lang ba baby?" Tanong ni mommy habang kumakain kami sa dining table ng breakfast. Siguro at napansin niya ang pamumula ng aking pisngi dahil sa pangyayari kagabing iniisip ko. Nahihiya na talaga ako sa mommy niya.
"O-okay lang ako. Don't mind me my." Sabi ko sabay subo ulit ng pagkain. Sana lang hindi nagsumbong ang mommy ni Kris dahil pniguradong lagot na lagot ako.
"Maayos naman ba ang tulog mo sa mga De Lima? San ka natulog?" Tanong ni daddy habamg nakatuon ang kanyang mata sa dyaryong binabasa.
"O-okay lang naman po." Sagot ko naman sakanya.
"Saan ka natulog?" Tanong ulit ni daddy.
"Sa kwarto po ni Kris." Kibit balikat kong sagot.
"Ano!!!" Sabay ni mommy at daddy'ng sigaw.
"Oh no..no.. Dad mom, sa kwarto niya ako natulog at siya sa kabilang kwarto." Pagpapaliwanag ko sakanila. Na misinterpret ata nila yung sinabi ko.
"Ohh. Buti naman kung ganon. Yung gown mo nasa room mo na. Hope you like it baby." Sabi naman ni mommy habang nakangiti.
Jsprom na pala namin mamaya. Ay sobrang excited ako dahil dito. Ano kayang magiging itsura ni Kris? Malamang sa malamang poging pogi padin. Ano pa nga ba?
Nagpahinga muna ako sa kwarto ko dahil di ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa pag iisip ng mga nangyari samin ni Kris. Muntik na kunti nalang. Uhhhhg! My gosh! Di talaga siya mawash out sa isip ko. Kakainis talaga.
4pm ng ginising ako ni mommy dahil dumating nadaw yung magmamake up sakin.
Tinignan ko muna yung gown na binili ni mommy dahil di ko ito nagawang pansinin kanina dahil antok na antok na talaga ako. Ang ganda niya kulay Royal blue na hapit sa katawan ko at sa baba naman ay parang buntot ng sirena. Basta yun na. Sa likod nito'y expose hanggang sa bewang ko. Sana lang at pag umupo ako ay di makikita yung panty ko. Si mommy talaga oh.
Habang minemake up'an ako ni Kara isang baklang make up artist ni mommy ay pinag uusapan nila si Violet kaya ayaw ko man makinig ay di ko na napigilan ang sarili ko.
"Nasa abroad pa siya ngayon. Sayang din ang batang yun. Ang ganda ng career niya pero nagkasakit siya." Maarteng sabi ni Kira.
"Pero ang alam ko'y stable naman ang kalagayan niya. Sabi ni Mr. Estrada ay bumubuti ang pakiramdam niya." Si mommy.
"Di ko lam eh." Sabay tingin sa mukha ko. "Yan, sobrang ganda na ni Victoria oh. Gusto mo magartista?" Nagningning ang kanyang mga mata habang sinasabi yun.
Gusto? Syempre kaso ayaw ko ng mahirapan ako sa schedule ko sa pag aaral at sa pag aartista baka mahaggard ako ng sobra sobra. Tyaka feeling ko di naman ako pang artista eh.
"Naku! Tyaka na pag grumaduate na yan ng college no." Sabat naman ni mommy sakanya.
"Ay grabe ka! Oo na nga. Sana lang at buhay pa ng beauty ko that time. I'll wait for you baby girl." Sabay ngiti sakin. Tumango nalang ako sakanya at ngumiti.
Pumatak na ang alas syete ng gabi, hinihintay ko si Kris dahil sinabi niya na susunduin niya ko. 8pm magsisimula ang masquerade ball namin.
9pm ng wala pa siya. Asan na kaya siya? Susunduin pa kaya niya ako? 1hour na akong late sa party.
Kinuha ko nalang ang cellphone ko para itext ang mga kaibigan ko.
To: Lea, Marie
![](https://img.wattpad.com/cover/46191550-288-k634071.jpg)
BINABASA MO ANG
Win Him Back
General Fiction"Lahat gagawin ko. Mapatawad at balikan mo lang ako." -Victoria Margaux Calibre "Lahat gagawin ko. Maipamukha ko lang sayo kung ano ang sinayang mo." -Jared Kristian De Lima