Violet Aleah Estrada post a photo. 12mins. ago.
958likes 1kcomments (Famous eh. Kasi nga diba artista?)
Picture ni Kris at ni Violet naka holding hands. Bahay to nila Kris ah? Akala ko ako palang yung nadala niya sa bahay nila pero hindi mali ako. Heto nga't si Violet na halatang close na close sa pamilya ni Kris. Ito nanaman yung feeling na parang pinipiga yung puso ko. Sobrang sakit. Bakit ka ba ganyan Kris? Isang araw ipapakita mong mahal mo ko, sa susunod parang wala nalang. Gusto kong iiyak nalang tong nararamdaman ko hanggang sa mamanhid na ko. Hanggang sa maubos na yung luhang nasa mga mata ko. R.I.P for the nineth time heart.
Dinner with my Future husband's family.
Future husband? Wtf! Ano to? She's only kidding. Minsan ang sarap nading magpaka bitch. Anong kalokohan to? Sarap yatang mag mura ngayon ah.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sobrang pag iyak ko. Pinapanalangin kong panaginip lang ang lahat ng yun pero hindi. Ramdam na ramdam ko padin yung bigat sa dibdib ko,yung pamamaga ng mata ko.
Pumasok akong sobrang sama ng pakiramdam ko. I guess dahil sa alak. Sakit ng ulo ko, pero ang walang hiya kong puso mas masakit pa sa ulo ko.
Pagkapasok sa room ay pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko. Yung iba ay parang malungkot tapos bubulong sa mga katabi nila. What's happening?
"Vic! San ka galing kahapon? Bat absent ka?" Nag aalalang tanong ni Lea at tumabi sakin.
"Masama kasi yung pakiramdam ko." Walang gana kong sagot sakanya.
"Okay kana? Mukha kang matamlay." Sabi naman ni Marie na nakatayo sa gilid ko.
"Mukha ba kong Okay? Alam ko namang alam niyong di ako okay eh! Nasasaktan lang naman ako eh. Pano ako magiging okay?!" Di ko na napigilang hindi humagulgol. First time ko lang umiyak sa harap ng mga kaklase ko at halatang gulat na gulat sila.
Biglang namang pumasok si Kris na may dalang bouquet ng bulaklak. nagulat siya ng makita akong umiiyak. Agad siyang lumapit sakin para yakapin pero tinulak ko siya ng malakas.
"W-wag kang l-lalapit sakin!" Sigaw ko sakanya habang umiiyak.
"A-anong problema? B-bakit ka nagagalit. B-bakit ka umiiyak?" Nagtatakang tanong niya. Ay ang tanga mo! Di mo alam kung bakit ako umiiyak? Gago ka!
"Di mo alam! Di mo alam na nasasaktan na ako sa mga ginagawa mo!? Di ka aware? Anong klaseng boyfriend ka ha!"
"Calm down. Please." Hinawakan niya yung kamay ko pero hinawi ko din agad to.
"How the hell can I calm down? Kung yung boyfriend ko ayun busy sa ibang babae! Violet huh? Nahiya kapa! Isama mo nadin si Red, blue, yellow at pink!" Sigaw ko ulit sakanya.
"Please. Mag usap tayo ng tayong dalawa lang. Hayaan mo akong magpaliwanag." Malumanay na sabi niya.
"Manloloko!" Tangi kong nasigaw sakanya. Kinuha ko sakanya ang hawak niyang bulaklak at ihinampas ko sakanya. Galit na galit ako sakanya. Tumigil lang ako ng makitang dumudugo na ang kanyang kawilang pisngi dahil sa pag hampas ko sakanya.
Hinila lang niya ko palabas ng room. Di na ko nakapagprotesta dahil nawalan na ko ng lakas sa pagsigaw ko kanina.
Nakarating kami dito sa rooftop ng building namin. Isinandal niya ako sa pader at hinalikan ako ng marahas. Ibang iba sa halik niya dati. Feeling ko mamamaga ang labi ko sa halik niyang to. Itinulak ko siya ng malakas at sinampal. Bumakat ang kamay ko sa mukha niya. Pulang pula din ang kanyang pisngi dahil sa sampal ko.
"Hi-hindi kita niloloko Vic!" Hingal niyang sabi.
"Eh anong tawag mo sa ginagawa niyo ni Violet ha!"
"Walang ibang ibig sabihin yun Vic! Tinutulungan ko lang siya!" Pasigaw na sagot niya sakin.
"Oh talaga?" Sabay sarcastic kong tawa sakanya. "Future husband ka nga daw niya eh. Diba?" Nag mamaang-maangan kapa!
"Alam mo namang bata lang siya eh. Imature pa siya kaya kung anu-ano ang sinasabi. Bakit mo paba pinapansin yung mga ganong bagay ha! Ikaw lang yung mahal ko! Wala ng iba!"
"Bakit....bakit...ang sweet niyong dalawa! Bakit palagi kayong magkasama! Halos makalimutan mong may girlfriend ka!"
"Tinutulungan ko lang siya! At hindi totoong kinalimutan kita! Araw araw kitang iniisip kung alam mo lang!" Ginulo niya ang kanyang buhok, halatang nagpipigil siya ng galit. Ako dapat ang galit dito!
"Tinutulangan saan ha! Tang ina!" Di ko na napigilang di mag mura.
"Yang bibig mo Victoria!" Sigaw niya.
"Ano ha! Tinutulungan mo saan ha! Oh nagpapalusot ka lan-!" Di ko na naituloy ang sasabihin ko ng magsalita siya.
"May sakit siya Vic!" Sigaw niya. Nagulat ako sa sinabi niya kaya di agad ako nakapagsalita.
"May sakit siya." Pag uulit niya. "Naalala mo nung pinatawag ako sa office ng mommy niya? Pinakiusapan niya akong ako muna ang bahala kay Violet dito sa school. May leukemia siya. Kaya hindi din ako masyadong nakakapagtext sayo dahil kasama ako palagi sa mga check ups niya.Pagod na pagod ako tuwig uuwi ng bahay. Ayaw niya ng wala ako sa tabi niya. Kaya palagi akong nandun. Palagi ko siyang inaalalayan. Bilang isang kaibigan o kuya nag aalala lang ako sakanya."
May sakit si Violet? Kaya pala, ganon nalang niya kung alalayan si Violet. Pero alam niya kayang may gusto si Violet sakanya?
"Alam kong may gusto sakin si Violet. Alam ko yun. Naaawa lang ako sa kalagayan niya. Hindi naman ako gagawa ng alam kong makakasira sa relasyon natin eh. Kung hinayaan mo lang sana muna akong magpaliwanag sayo." Sabi niya na tila'y nabasa niya ang nasa isip ko.
Bigla naman akong naguilty sa sinabi niya. Bakit nga ba kasi di ko muna siya hinayaang mag explain. Ang akala ko ang sinaktan dito pero bakit parang ako yung nakasakit sakanya.
"H-hindi ko naman kasi alam eh." Napayuko nalang ako habang sinasabi ito sakanya.
"Oo. Kasi hindi mo muna ako hinayaang magsalita tungkol dito. Agad agad ka nalang nag iisip ng masama tungkol sakin" malamig niyang sabi. Halata sa boses niya ang pagkadismaya.
"D-di ko s-sinasadya. S-sorry." Naguguilty talaga ako. Nasaktan ko pa tuloy siya.
"Akala ko, ikaw yung taong makakaintindi sakin. Akala ko may tiwala ka sakin. Ang sakit lang isipin na yung taong mahal mo walang tiwala sayo." Naglakad siya papunta sa may pintuan ng rooftop. At tumingin ulit sakin
"Hindi pa pala sapat yung ipinapakita kong pag mamahal sayo. Ngayon ko lang din napagtantong walang silbi ang isang relasyon kung wala namang tiwala sa isa't isa." Sabi niya at umalis na. Nakita ko sa mga mata niya ang lungkot at pagkadismaya.
Sorry Kris. Sorry kung wala akong tiwala sayo. Sorry kung nabulag ako ng pagdududa ko at hindi ko nakita yung pagmamahal na ibinibigay mo.
BINABASA MO ANG
Win Him Back
General Fiction"Lahat gagawin ko. Mapatawad at balikan mo lang ako." -Victoria Margaux Calibre "Lahat gagawin ko. Maipamukha ko lang sayo kung ano ang sinayang mo." -Jared Kristian De Lima