"Bukas na pala yung prom no?" Sabi ni Marie habang nag aaral kami dito sa library. Malapit kasi ang Finals. Kailangan kong mag mag top.
"Oo nga eh. Di ako excited. Naka americana ako bukas. Grabe! Imbes na ang ganda ko bukas e magiging gwapo ako. Kung pwede lang sanang magkagusto sa sarili eh." Nakailang irap na si Lea habang sinasabi ito.
"Si Kris ba ang date mo?" Tanong ni Marie sakin. Di kasi ako umiimik eh.
"Hindi ko alam eh. Hindi padin niya ako pinapansin." Malungkot kong sabi.
Sinusubukan ko siyang kausapin pero talagang umiiwas siya. Di ko na sila nakikitang mag kasama ni Violet. Nag abroad pala to at dun magpapagaling. Huminto siya sa showbiz dahil dun.
"Eh ikaw Marie sinong kadate mo?" Tanong ko naman pabalik sakanya. Okay na kaya sila Vonn?
"Wala din eh." Sabi niya at nagkibit balikat lang siya. So hindi pa nga sila Okay. Bilib din talaga ako sa babaeng to. Kayang kaya niyang itagong nasasaktan siya. Samantalang ako hindi ko kaya feeling ko kasi pag kinimkim ko sasabog ako eh. Minsan papaturo ako sakanya.
"May isusuot na kayo bukas? I'm so inggit! Kayo makalapag gown kayo. Sayang talaga yung ganda ko bukas." May pahawak hawak pa sa dibdib ang baklang to.
"Hindi na siguro ako pupunta. Hindi din mamahalatang wala ako eh masquerade ball naman yun diba?" Sabi ko naman sakanila. Wala talaga kasing gana eh. Wala na naubos na yung pag asa kong yayayain ako ni Kris para bukas.
"Ayy. Kj mo te. Batukan kita jan eh." Sabi naman ni Lea.
"Wag naman to naman. Pag katapos na ball dun tayo sa dimensions matutulog kaya mag paalaam kana sainyo. Walang hihindi!" Sabi naman ni Marie.
"Sinong nagplano?" Nagtataka ko namang tanong sakanya.
"Silang lahat. Kaso wala si Kris eh." Nadismaya ulit ako sa sinabi niya. Ang galing niya talagang umiwas. Buti nakakaya niya.
"Try ko. Tara na nga sa room. May klase na pala tayo niyan."
Pumunta kami sa room. Nandun na si Kris nakaupo sa tabi ko. Tinignan niya lang ako ng isang malamig na tingin at yumuko na ulit sa kanyang arm chair. Kayang kaya mo pala akong tiisin Kris. Ako kasi hindi ko kaya eh.
"K-Kris." Tawag ko sakanya ng pagkaupo ko sa tabi.
"Bakit?" Isang malamig na boses ang binungad niya sakin.
"Please wag ka ng magalit sakin?" Ayaw ko naman nading pahabain to eh.
Di niya ako pinansin. Nakatingin lang siya sa black board ng walang emosyon ang kanyang mukha.
"Sorry na oh." Sabi ko sabay puppy eyes.
"Ayaw." Sagot naman niya agad.
"Please? Sorry na." Di ata tumatalab yung charm ko ngayon sakanya.
"Kiss mo muna ako." Sabi niya habang nakangiti pero nakatingin padin sa black board.
"A-andito mga classmates natin Kris." Grabe siya.
"Edi walang magbabati." Nakasimangot ulit ang kanyang mukha.
"To naman eh. Dali na. Bati na tayo." Hinilahila ko na ang kanyang polo. Kaasar to. Ang tayog ng pride.
"Pag walang kiss, walang magbabati."
Hinalikan ko nalang siya sa labi ng mabilis para matapos na ang arte ng isang to.
"Oh bat ka nakangiti? Bati na tayo?" Nakakairita yung ngiti niya ah. Parang nangaasar lang.
"Oo na nga sige na bati na tayo. Baka umiyak ka ulit Misis ko." Namula ang pisngi ko sa tinawag niya sakin. 'Misis ko'
BINABASA MO ANG
Win Him Back
General Fiction"Lahat gagawin ko. Mapatawad at balikan mo lang ako." -Victoria Margaux Calibre "Lahat gagawin ko. Maipamukha ko lang sayo kung ano ang sinayang mo." -Jared Kristian De Lima