From: Violet
I'm sorry Victoria. Can we meet tomorrow nalang? Mey emergency kasi. I'm sorry.
Nag reply ako.
Me:
No prob. Text mo lang ako.
Ano ba kasing pag uusapan namin? Sa tingin ko'y napakahalaga. Pero sigurado akong tungkol kay Kris to.
"Andoon pala siya sa bahay ng tita niya. Tinext na ako ng Tita niya nagpapahinga na." Sabi niya habang nakatingin sa kanyang cellphone. "Samahan na kita." Pag habol niya.
"Ahh. Di na din ako matutuloy. Pwede bang pahatid ako sa King?" Sabi ko sakanya.
Di siya nag salita. Nag drive siya patungo sa King tower.
Habang nasa byahe ay di ko mapigilan ang sarili kong titigan siya. Ang gwapo gwapo talaga. Andun padin yung cold city guy look niya na mas lalong dumagdag sa appeal niya.
"Gusto mong matunaw ako?" Tanong niya habang naka tingin padin sa kalsada.
"Huh?" Nagtaka ako sa sinabi niya.
"Nakatitig ka nanaman saakin eh." Sabi niya sabay ngisi.
Ganyan na ganyan siya noon sakin. Naaalala pa kaya niya noon? Bigla akong napangiti ng maalala ko yung batang kami, yung masayang kami. Sayang lang at iba na ngayon.
"S-sorry." Sabi ko nalang sakanya. Pulang pula na siguro ang pisngi ko.
Tumawa lang siya sakin at nagpatuloy sa pag dadrive.
Ng makarating kami sa Carpark ng King ay sabay nadin kaming pumasok sa elevator.
"Wala ka atang lakad ngayon?" Tanong ko sakanya.
"Tinatamad ako eh. Gusto ko ng magpahinga." Sagot niya.
"Di mo pupuntahan si Celine?" Tanong ko ulit.
"Bukas ko siya pupuntahan." Sabi niya.
Mukhang mapakahalaga talaga ni Celine para kay Kris. Sana ako din. Sana ako din ulit.
Ng makarating kami sa floor namin ay tahimik lang kaming nag lalakad hanggang sa makadating kami sa tapat ng unit niya.
"Sige pasok na ako." Sabi niya, nilingon niya lang ako saglit at sinara na ang pinto.
Oo, ganon nalang ako sakanya ngayon. Wala na yung dati. Wala na siyang pakialam sakin for short.
Ng makarating ako sa unit ko ay dumeretso ako sa banyo sa kwarto para makapaghalf bath. Nakakastress. Nakakastress mag isip.
Pagkatapos kong mag half bath ay ibinlower ko ang aking buhok. Habang nag boblower ako ng buhok ay biglang tumunog ang aking cellphone. Isang unknown caller. Kumunot ang noo ko sa unregistered number na tumatawag. Sinagot ko ito, baka naman kakilala at nagpalit ng number.
"Hello?" Sabi ko.
Tanging paghinga lang ang naririnig ko mula sa kabilang linya.
"Hello? Who's this?" Tanong ko ulit pero wala paring sumasagot. Tanging naririnig ko ay ingay ng music na nagmumula sa malaking speaker.
Pinatay ko ang call dahil di talaga siya nag sasalita. Tinignan ko ang number ng caller, siya din yung tumawag nung minsan yung di din nagsasalita.
BINABASA MO ANG
Win Him Back
General Fiction"Lahat gagawin ko. Mapatawad at balikan mo lang ako." -Victoria Margaux Calibre "Lahat gagawin ko. Maipamukha ko lang sayo kung ano ang sinayang mo." -Jared Kristian De Lima