#52 Kapit anak

695 17 0
                                    

Pagkamulat ko'y nakit ko silang lahat na nakapalibot saakin. Tila hinihintay nila akong magising.

"Are you okay Vic?" Tanong ni Marie.

"O-oo. Nahilo lang ako." Sabi ko. Isa isa ko silang pinasadahan ng tingin at ng tumigil ang mga mata ko kay Kris ay napalunok ako. Nakatitig lang siya sakin na animo'y ineexamine ang mukha ko.

"Go, mag swimming na kayo. I'm fine." Sabi ko naman. Bumangon ako at ramdam ko parin ang pagkahilo pero hindi ko ito pinahalata sa kanila. Baka masira ko ang outing na to.

"Are you sure?" Tanong naman ni Lea sakin.

"Yes. Dito nalang muna ako." Sabi ko. Nakarobe na ako ngayon. Siguro ay isinuot nila sakin kanina.

Gusto pa nila akong idala sa hospital pero sinabi kong okay na ako at wag na silang mag alala.

"Ako ng bahala sakanya." Malamig na sabi ni Kris.

Nagulat ako sa sinabi niya. No. Ayaw kong maiwan kaming dalawa dito. Baka hindi ko makaya. Bumilis agad ang tibok ng puso ko.

"O-okay lang ako K-kris." Sagot ko.

"No. I insist." Agad na sagot niya. "Sige na. Ako ng bahala dito. Mauna na kayo sa pool." Baling ni Kris sa mga kasama namin.

Tinapik ni Vonn ang balikat ni Kris at isa isa na silang umalis.

Umupo sa tabi ko si Kris. Tinitignan niya ako. Ako naman ay nakayuko lang. Kinakabahan ako, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang lapit niya sakin.

"I miss you." Bulong niya. Ayun lang sabi niya ngunit milyong milyong boltahe na ang nararamdaman ko sa aking katawan.

"Uhm...kamusta si Celine?" Tanong ko para maiba ang usapan.

"She's fine..6months pregnant. And it's a boy." Sabi niya.

Masaya ako para sa kanilang dalawa. Pero hindi ko maiwasang malungkot para sa sarili ko, para sa puso kong patay na.

"I-i'm so happy for you." Sabi ko at ngumiti sakanya.

"I'm happy too. But I will be more happier if you're the mother of my child. I'm not saying that that I'm not happy with Celine. But I can't teach my heart. I'm sorry, alam kong sinabi mong subukan ko siyang mahalin. I tried many times. Pero ikaw padin talaga." Suminghap siya.

"Alam nating pareho na hindi na pwede." Mahina kong sabi sakanya. Parang may humaplos sa puso ko ng sinabi niyang ako padin. Pero gaya ng sabi ko hindi na pwede.

Ang akala ko noon, kung mahal ka tapos mahal mo madali nalang ang lahat para sa inyo. Hindi pala. Kailangan at kailangan padin palang magsakripisyo para walang ibang masaktan na tao. Para wala ng madamay pa.

"I love you Vic." Sabi ulit niya.

Gusto kong sabihing mahal ko din siya, pero ayaw ko. Parang sinisindihan ko lang ulit yung apoy na napawala na. Hindi ako sumagot sakanya.

"Hayyy." Malakas na singhap niya.

"Ang hirap ng ganito." Tumayo siya at kagat labing napatingin sa taas.

"Nahihirapan din ako Kris. Nasasaktan din ako. Mahal kita pero anong magagawa ko? Magkakapamilya kana." Mahinahon kong sabi.

"Diba sinabi ko naman na magiging ama padin ako sa bata? Ipinaliwanag ko na kay Celine yun. Hindi paba sapat yun?" Tumingin siya sakin

"Hindi Kris. Unfair yun sakanila." Tanging sagot ko.

"Wala na ba talaga?" Tanong ulit niya.

"W-wala na" sagot ko. Pinunasan ko agad ang luhang gustong kumawala sa mata ko. Tumayo ako at mag lalakad na sana palayo sakanya ng hatakin ako ni Kris pabalik sakanya at niyakap.

"Mahal na mahal kita." Mahinang sabi niya.

Bago ko makasagot ay may bigla nalang may narinig kaming hikbi sa may maindoor.

"K-Kris." Si Celine. Nakahawak siya sa kanyang bibig at humihikbi.

"C-celine. Magpapaliwanag ako." Sabi ni Kris ng kumalas siya sa pagkakayakap sakin

Ako naman ay nagulat at hindi alam ang gagawin. Nakatingin lang ako sakanya at nakatingin sa tyan niyang malaki na.

"Siya ba! Siya ba yung Victoria'ng nakatattoo jan sa dibdib mo!?" Tinuro turo niya ako.

Napatingin ako kay Kris. Tattoo? May pangalan ako sa dibdib niya?

"Oo." Sagot ni Kris.

"Ang tagal nating nag sama! Ang tagal kong tiniis yang pagkalugmok mo ng dahil sa Ex mo! Ang tanga ko at di ko manlang nalamang yang babaeng yan ay yung Victoriang hindi mo makalimutan! Ang sabi mo sakin kapangalan lang!" Nanlilisik ang mga mata ni Celine.

"Matagal na kaming tapo---" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay agad na niya akong dinaluhan ng sampal.

"Isa ka din! All this time nagmukha akong tanga! Hindi mo sinabi! Ni hindi mo manlang sinabing ikaw pala yun!" Sigaw niya.

"Tama na! Celine!" Pagpigil ni Kris sakanya.

Nagulat nalang ako ng tinulak niya ako at napaupo sa sahig. Pagkatapos nun ay lumabas at tumakbo siya palayo.

Hindi na nagawang lingunin ako ni Kris. Hinabol niya Celine.

Ako naman ay nakaramdam ng matinding kirot sa bandang tyan ko. Pagkatingin ko sa mga binti ko'y may umaagos na dugo dito. Hindi ko alam ang gagawin kaya napasigaw ako.

Tumakbo lahat ng mga kaibigan ko kung nasaan man ako.

"Fuck" "Shit" si Sheldon at Sanford ng makita ang dugo sa binti ko.

"Omg! Buntis ka?!" Gulat na sabi ni Marie.

Agad akong binuhat ni Kristoff. "Vonn! Ihanda mo yung kotse!" Utos niya.


Nahihilo at inaantok ako. Tulak tulak ng mga nurse at dr. Ang hinihigaan ko. Pumasok kami sa isang kwarto. Narinig ko pang sabi ng nurse "Naku! Alanganin na to." Naiiyak ako. Naiiyak ako kasi nasa alanganing sitwasyon kami ng anak ko. Oo, anak ko. Magkakaanak ako. Hindi ako tanga, nararamdaman ko siya. Di ko lang maamin sa sarili ko dahil naiisip kong magiging kawawa siya dahil hindi niya makakasama ang Papa niya.

Kapit anak. Kapit ka sakin. Kapit lang. Kaya natin to.






Win Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon