Anong nangyari?" Nagtatakang tanong ni Kris ng lumabas siya.
Si Vonn naman ay sumakay sa kanyang kotse at pinaharurot ito ng sobrang bilis.
"Ewan jan kay Vonn." Sagot ko sakanya.
"Oh bat umiiyak ka Marie? Kinukutuban na ko sayo ah. May gusto ka kay Vonn no?" Tanong ni Kris kay Marie ng makitang umiiyak ito.
"Boyfriend lang naman niya si Vonn...Ay Ex na pala niya ngayon." Sabi ni Lea habang hinahaplos ang likod ni Marie. "Marie tahan na." Pahabol nito.
"Huh? Kelan pa?" Ayan curious nadin tong boyfriend ko.
"Wala. Basta. Tara ihatid nalang natin si Marie sakanila." Sabi ko nalang sakanya.
Hinatid namin si Marie at Lea sa bahay nila. Di padin tumitigil sa pag iyak si Marie. Talagang nasaktan siya sa nangyari.
"Tara sa bahay?" Sabi ni Kris ng nakangiti.
"Anong gagawin natin doon?"
"Ipapakilala kita kay Daddy at Mommy."
"H-huh? Nahihiya ako. Wag na." Sabi ko naman. Sht lang. Di ako prepared dito. Kinakabahan ako.
"Akong bahala sayo. They will like you for sure." At hinawakan niya ang kamay ko, para mabawasan ng konti ang pag aalala ko.
Ng makarating kami sa bahay nila ay wala pa ang mommy at daddy niya pauwi palang ata sila dahil nag hahanda palang yung mga cook at maids nila. Wow lang. Sobrang yaman lang talaga nila. Kami may mga katulong din kami pero di na sila nag uuniform peri dito sakanila ang bonnga talaga.
"Tara sa kwarto." Sabi niya sabay hila sakin. Nag init naman agad ang pisngi ko sa sinabi niya. Omg sa kwarto? Ng kami lang?
"K-Kris dito nalang ako." Sabi ko sakanya. Habang pulang pula padin ang pisngi ko.
"I know what you're thinking. Don't worry misis ko. Di natin gagayin yun." Then he smirk.
"Oyy. H-hindi ah." Sabi ko ulit sakanya. Pero totoo iniisip ko yun. Hihi.
Ng makarating kami sa kwarto niya ay namangha ako sa sobrang laki nito. May living room dito. May isang malaking chandelier sa itaas, ang laki ng kama niyang pinaghalong gray at white ang kulay. Iniisip ko tuloy kung masarap mahiga jan. Mas sarili din siyang walk in closet at sobrang lawak din nito. Wow! Ikaw ng RK Kris.
"I bought you dress. Sana magustuhan mo." Sabi niya sabay turo sa kama niyang may isang malaking paper bag.
"Para saan naman? Ng abala kapa." Sabi ko naman sakanya.
"Wear that later. Maliligo lang ako sa kabilang kwarto. Maligo ka nadin dito." Sabi niya.
"Okay." Sabi ko sakanya at lumabas na siya papunta sa kabilang kwarto.
Tinignan ko ang dress na binili niya para sakin. Kulay black ito at tantya ko'y hanggang sa taas ng tuhod ko ito kahaba. Ang ganda. Galing niyang pumuli. May kulay silver din ditong pumps na bumabagay sa dress na binili niya. Pinaghandaan ata niya talaga to.
Naligo ako sa banyo niyang super laki. May jacuzzi dito sa banyo niya na gusto ko sanang subukan pero baka magahol na ko sa oras. Mag aayos pa pala ako. Meron naman ako sa bag ng lipstick at blush on. Okay na siguro yun.
Pagkatapos kong maligo ay agad na akong nagbihis. Asan na kaya si Kris?
Nagmake up din ako ng konti at naglugay lang ako ng buhok. Then tapos na. Ang ganda ko. Hihi.
"May I come in misis ko?" Nasa pintuan si Kris at nakabihis nadin siya. Literal na napanganga ako dahil sa sobrang gwapo niya lalo na sa suot niyang black long sleeve, slacks at black shoes. Parang ang matured niyang tignan ngayon at mas bagay niya ito.
"Gwapo ko ba?" Sabi niya sabay kindat. Oh my God. Ang gwapo talaga niya.
"Oo. Lagi naman eh." Sabi ko sabay ngiti sakanya. "Okay lang ba ang ayos ko?" Tanong ko naman sakanya.
"Kahit anong ayos mo maganda ka padin." Sabi niya habang nakaupo sa kama niya.
"Bolero ka." Sabi ko ulit sakanya. Kinikilig nanaman ako. Lalo na pag sinasabi niyang ang ganda ko. Iiihhhh!
"It's true. You look so beautiful with that dres..Uhmm pero mas maganda ka ata pag wala yan." Sabi niya with his husky voice. Ang manyak nanaman niya.
"KRIS!" Ayan pulang pula na talaga ang mukha ko sakanya. Nakakainis to. Ang manyak.
"Hahaha..Nagbibiro lang to naman ang hot." Sabi sabay kagat ng pang ibaba niyang labi. Parang ibang hot yung naiisip ko ah. Ihh kainis talaga to nabeberde utak ko.
"Let's go. Anjan na sila." Sabi ni Kris na siyang nagpakaba sakin. Eto na. Eto na talaga. Makikilala ko na ang mommy at daddy niya.
Pagkababa namin ay dumertso na kami sa dining area nila at may nakita akong mga nasa 40's ang edad na kaupo na sa hapag at tingin ko'y mommy at daddy ni Kris. Matipuno ang kanyang daddy may pinagmanahan sa kagwapuhan ni Kris. Ang mommy niya naman ay maganda din at halata sa pustura niya ang pagiging sopistikada.
"Mom, Dad." Pagtawag niya sa mommy at daddy niya.
"Oh hijo. Anjan ka na pala...and uhmm sino yang dalagang kasama mo?" Sabi ni Mommy ni Kris at napalunok ako dahil nakatingin siya sakin.
"Good evening po. I'm Victoria po." Sabi ko sabay bow sakanilang dalawa.
"My Girlfriend Mom." Sabat naman ni Kris sakanila.
Umupo muna kami sa hapag bago nagpatuloy sa pag sasalita ang kanyang mommy.
"She's beautiful." Sabi ulit ng mommy ni Kris. Habang nakatingin padin sakin. "T-thank you po." Tangi ko nalang nasabi at ngumiti din sakanya.
"Manang mana ka talaga sakin. I know your mom and dad hija. Business partners kami ng mommy mo. At kaibigan ko ang daddy mo." Sabi naman ng daddy niya at tumawa.
"Relly po? Opo nabanggit na kayo minsan ni Mommy." Sabi ko sabay ngiti sakanya.
Ang bait naman pala ng parents niya. Akala ko sisigawan ako at pag hihiwalayin kaming dalawa. Haha! Sa kakapanood ko to ng Koreanovela eh.
Habang kumakain kami ay nag simula ulit magsalita ang kanyang mommy.
"Sana andito din ang kuya mo. Para makilala niya din itong si Victoria."
"Tinawagan ko kanina busy daw sa thesis." Kibit balikat naman na sabi ni Kris habang ngumunguya.
May kapatid pala siya? Bat di niya nakwento sakin to dati. Maybe siguro kasi di ko man natanong kaya hinayaan ko nalang.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ang mommy at daddy niya na magpapahinga na. Kaming dalawa naman ni Kris ay nandito sa pool side nila nakayakap siya sakin mula sa likuran ko. Gustong gusto ko talaga yung mga ganitong yakap.
Nararamdaman ko ang hininga siya sa leeg ko na siyang nagpapainit sakin lalo. Ang lamig mg simoy ng hangin dito at nakatube dress ako pero di ko na maramdaman yun lamig dahil sa init na nararamdaman ko ngayon. At isang bagay lang yung naiisip ko ngayon. Mali man pero di ko na kayang pigilan yung nararamdaman ko. Gusto ko siyang maramdaman ngayon.
BINABASA MO ANG
Win Him Back
General Fiction"Lahat gagawin ko. Mapatawad at balikan mo lang ako." -Victoria Margaux Calibre "Lahat gagawin ko. Maipamukha ko lang sayo kung ano ang sinayang mo." -Jared Kristian De Lima