"Kuya Top!" Sabay sabay nilang tawag at tumakbo ang mga to sakanya.
"Kamusta na kayo?" Sabi ni Kristoff sa kanila sabay high five.
Hindi ko inakalang magkakakilala pala sila.
"Tara, ipapakilala ka namin sa mga ibang andun." Sabi ni Vonn.
Naglakas sila papalapit samin. Ako naman ay nakatitig lang kay Kristoff.
"Victoria?" Nagulat din ata siya ng nakita ako "Kilala mo tong mga to? So kilala mo din ang kapatid ko?" Tanong niya.
"H-ha?" Sinong kapatid ang tinutukoy niya.
Hindi kaya?...Si Kris?
"Siya yung.. Uhmmmm Ex girlfriend ni Kris." Alinlangang sinabi ni Vonn.
Halata sa mga mukha nila ang pagtataka, siguro'y nagtataka sila kung bakit magkakilala kaminh dalawa.
"A-ano?! Ikaw yung Ex niya?" Nagulat siya sa nalaman.
Unti unti akong tumango.
"Oh! Fvck! Ikaw yung Ex na kinikwento niya noon. At si Kris din ba yung kinwento mo sakin nung ihinatid kita sa bahay niyo a long time ago?"
Tumango ulit ako.
"Wow! Nice! Just great." Sabi niya na parang di naniniwala sa lahat lahat ng nalaman.
"Matagal na kayong magkakilala?" Tanong ni Sheldon at Sanford.
"Oo. Matagal na. High school pa tayo noon." Sagot ko naman.
"Uhmm... Pwede ba kitang makausap kahit saglit lang?" Tanong sakin ni Kristoff.
"Uhmmm...Sure." Sagot ko.
Gumawi kami sa loob ng dimensions para makapag usap. Nagtungo kami sa terrace.
Huminga siya ng malalim bago nagsalita.
"I'm sorry Vic." Tanging sabi niya na nagpakunot ng noo ko. Ang pinagsasabi niya?
"Para saan?" Tanong ko.
"Para sa nangyari sainyo ng kapatid ko." Nakahawak siya sa railings ng terrace.
"Bakit? Bakit ka nag sosorry?" Nagtataka ako sa mga sinasabi niya. Bakit siya nag sosorry?
"Naalala mo paba yung mga sinabi ko sayo noong hinatid kita sa bahay niyo? I think I brain washed you that time. I did'nt know that your boyfriend that time is my brother and also, I'm the one who convinced him to go to Greece to forget his Ex na nalaman ikaw pala. I'm sorry. Damn!" Hinampas niya ang railings
"No...Don't blame it to your self. Kasalanan ko. Iniwan ko siya, nakipaghiwalay ako ng walang dahilan." Sabi ko.
"You know what? My brother loves you so much. I remember. JS prom niyo noon. Hindi siya nakapunta excited pa naman siya. Pero saktong yung araw na yun din pala yung engagement party nila ng Fiancée niya. He choose to go to his engagement party para ipaalam sa mga bisita na hindi siya papayag dahil may mahal siyang iba." Bahagya siyang tumawa. "Sabi pa nga niya sakin. Mas gugustuhin niyang magalit ka dahil di siya nakapunta sa prom na yun kesa maitali siya sa iba. Kasi pwede mo pa naman daw siyang patawarin at magiging okay ulit kayo. Alam mo naman pag sa business. Uso arranged marriage."
Naalala ko yung gabing yun. Kaya ba hindi niya sinabi sakin? Nagalit ako sakanya. Napakababaw ko. Bakit nga ba hindi ako nagtiwala sakanya?
Parang may paulit ulit na sumisibak sa puso ko. Unti unti kong naramdaman ang mga luha sa mga mata ko. Ang unfair ko. Kinaumagahan nun anong ginawa ko? Hiniwalayan ko siya ng di pinapakinggan ang eksplinasyon niya.
Hiniwalayan ko siya dahil lang sa mababaw na paraan. Dahil lang sa mga pagdududa ko sakanya.
Kaya siguro nag durusa ako ngayon eh. Dahil sa mga nagawa ko sakanya.
"Okay ka lang ba?" Lumapit siya sakin.
"O-okay lang ako. H-hindi ko lang mapigilan." Sabi ko.
"Magkakaanak na sila ni Celine." Sabi pa niya.
"Yea. I know." Pabulong kong sabi.
"I hope you'll be okay...uhmm...tama na nga. Ngiti ka naman. Palagi nalang talaga pag nakikita kita umiiyak ka." Tumawa siya para gumaan ang tensyon saming dalawa.
Ngumiti ako sakanya at pinusan ang mga luha sa pisngi ko. "Ikaw kasi eh." Tumawa ako kunwari.
"Teka. Naalala ko, kung kapatid ka ni Kris bakit magka iba kayo ng Apelyido?" Tanong ko.
"We're half brothers. That's why. Halika na nga. Baka sabihun nila inaaway kita..." Inakbayan niya ako. "Sayang type pa naman kita." Tumawa ulit siya.
"Ano?" Tanong ko.
"Wala. Tara na." At iginaya na niya ako kung saan nag siswimming na ang mga kaibigan ko.
"Tang ina pare, ang hot talaga ni Veronica. Yung Dj sa High Club?!" Sabi ni Chrissmon habang nakatutok sa kanyang Ipad at nanonood ng video.
"Sus! Sa tingin mo magugustuhan ka niyan? Binubully bully mo lang yan noong nasa elementary tayo. Manigas ka ngayob tsong." Sabi naman ng naka aviators na si Sanford sakanya.
Lumipad ang middle finger ni Chrissmon sakanya na siyang nagpatawa sa lahat.
Ang mga babae naman ay nasa pool na. Agad naging close ang mga to.
"Vic. Mag swim suit kana. Tara." Sabi ni Marie.
"Okay. Wait. Pupunta ako sa Cr." Sabi ko at kinuha na ang mga gamit ko sa upuan at nagtungo sa Cr.
Isinoot ko ang black swim suit ko. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Tumataba nga ako. Naalala ko tuloy yung sinabi kanina ni Isa. At kinakabahan ako doon.
Nag lakad ako patungo sa pool. At nakita kong nag iinuman na ang mga boys.
"Vic. Tumaba ka ata." Sabi ni Marie saakin.
"H-ha? Masarap kumain. Tama...yun...masarap kumain." Utal na sagot ko.
Lumusong ako sa tubig para samahan sila ng biglang.
"Kris!" Excited na sabi ni Vonn.
Napalingon ako sa kanya, ganon din siya sakin. Tila may kuryenteng dumaan sa likod ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Nanginginig ang mga paa kong naglalakad papunta sa pool ng bigla akong nahilo at nag dilim ang paligid ko. Huling narinig ko bago ako mawalan ng ulirat at mga sigaw ng mga babaeng nasa pool.
BINABASA MO ANG
Win Him Back
General Fiction"Lahat gagawin ko. Mapatawad at balikan mo lang ako." -Victoria Margaux Calibre "Lahat gagawin ko. Maipamukha ko lang sayo kung ano ang sinayang mo." -Jared Kristian De Lima