#18 Kristoff

436 44 0
                                    

1week ng nakakaraan magmula nung nangyari yun ay di na ako gaanong pinapansin ni Kris. Di ko alam kung bakit. Bigla nalang siyang naging malamig sakin ng di ko alam ang dahilan. Dahil ba doon kaya niya ko iniiwasan? Urghhh! Nakakafrustrate mag isip.

At kung naaalala ko yung nangyaring yun ay nahihiya ako sa sarili ko. Bakit hinayaan kong humantong sa ganon? Minsan talaga shushunga shunga ako eh.

"1week na lang pala Js prom na. Ang bilis ng panahon.4thyear na tayo sa june." Masayang sabi ni Marie habang nakaupo kami dito sa cafeteria,vacant namin. I wonder kung okay na sila ni Vonn.

"Oo nga eh. Di ako excited. Duhhh! Anong isusuot ko? Naka americana? No way!" Maarteng sabi naman ni Lea.

"Bakit? Gwapo ka naman ah." Natatawang sabi ni Marie.

"Hay naku Marienella Maha Docado! Maganda ako okay! Maganda ako!" Talagang dininan pa ang word na maganda ah.

Actually gwapo naman talaga si Lea. Pwede mo siyang ihanay sa grupo nila Kris. Di naman kasi siya nag aayos ng pambabae. Ayun lang mabubuking siya sa pananalita at kilos niya. Sayang siya. Siguro kung lalaki lang to, madami na siyang napaiyak na lalaki..



"Gwapo!" Pang aasar ulit ni Marie sakanya.


"Manahimik kana jan! Kaya wala kang love life eh. Bully ka kasi." Naku kung alam mo lang Lea. Isa sa pinakagwapo yang Boyfriend niyan.

"May boyfriend ako no!" Mabilis naman na sabi ni Marie. Naku. Patay kang bata ka. Huli ka balbon.


"May boyfriend? Sino aber?" Pinaningkitan niya si Marie.



"Wa-Wala! Naniwala na-naman agad tong baklang to." Utal naman niyang sabi. Para siyanh kinakabhan. Sige paka obvious kapa te.


Buti naman at nakalimutan agad to ni Lea. Nagtawanan nalang ulit ang dalawa. Ako naman nakatulala padin sa kawalan. Iniisip yung nangyari at si Kris.



"Hoy! Iniisip mo nanaman ni Kris no? Bat di mo kasi siya tanungin kung anong problema. Kausapin mo. Hindi yung para kang baliw jan nakatanga." Sabi ni Lea sabay irap. Di ko kasi sinabi sakanila kung ano yung nangyari nun samin ni Kris.

Bumalik na kami sa room ng matapos ang vacant namin. Nakaupo na si Kris sa tabing upuan ko. Nakayuko siya at may headset sa tenga.

Umupo ako sa tabi niya. Syempre doon talaga ako nakaupo. Di man lang niya ako tinatapunan ng tingin. Tsk!

Dumating ang teacher namin. Tumingin siya kay Kris at nagsalita.

"Mr.De Lima, Violet's mom is looking for you. Go to the faculty office now."

Kumunot ang kanyang noo na tila'y iniisip kung bakit siya pinapatawag. Saglit lang niya akong tinapunan ng tingin at tumayo na at lumabas sa classroom.

Parang nadismaya ako. Di ko alam kung bakit. Eto nanaman yung feeling na parang nilalagnat ka kahit hindi naman. Naiintindihan ko naman eh na close ang pamilya ni Kris sa pamilya ni Violet. Di ko lang talaga maiwasang di magselos sa kanilang dalawa.

Natapos na klase ng wala manlang akong natutunan ngayong araw na to. Nakatuon kasi ang isip ko kay Kris. Bakit kaya siya pinatawag ng Mommy ni Violet?


Nagpaalam na ko sa mga kaibigan kong uuwi na ko dahil masama ang pakiramdam ko. Sila kasi may gagawin pa ata.



Nag lalakad ako papunta sa shed ng school para maghintay ng taxi ng makita ko si Kris at Violet na naglalakad papunta sa Car park ng school. Buhat ni Kris ang mga gamit ni Violet sa kanang kamay niya at ang kaliwang kamay naman niya ay naka hawak sa likod na animo'y inaaalalayan niya ito. Pinagbuksan ni Kris si Violet at pumasok nadin agad siya sa driver's seat at pinatakbo na ang kanyang kotse.


Unti unting lumandas ang mga luha sa mga mata ko. Ito nanaman. Ito nanaman yung pakiramdam na to.Sobrang sakit. Sobrang sakit na makita yung taong mahal mo na may inaalagaang iba. Ni minsan hindi niya binuhat ang bag ko pag magkasabay kaming pumasok. Oo alam ko, para yun lang naman pero di ko padin mapigilan ang sarili ko. Parang ginugusot ang puso ko. Parang nanlalambot ang buong katawan ko. Kaya ba malamig na ang pakikitungo niya sakin? Kaya ba hindi na niya ako masyadong tinetext at kinakausap? Ibig sabihin ba noon ay ayaw na niya sakin? Iniisip ko palang ay nasasaktan na ko. Pano pag naging totoo pa? Kaya ko kaya?


"Hindi bagay sa maganda ang umiiyak." Sabi ng isang lalaking may baritonong boses. Tinignan ko ang kamay niya na nakalahad sakin at may hawak na panyo.

Kinuha ko naman agad to ng di siya tinitignan at siningahan ng pagkalakas lakas dahil barado na ang ilong ko sa kakaiyak.

"Salamat." At sa wakas ay tumingala na ko sakanya.

Napanganga naman ako sa sobrang kagwapuhan niya. Siguro ay halos kasing tangkad lang siya ni Kris. Tantya ko'y nasa 18 years old na to. Halata din naman sa suot niyang uniform pang college na.

"You're welcome." Sabi niya sabay kindat.


"Bakit ka umiiyak?" Tanong niya. Tsismoso ka kuya? Di din bagay sa mga gwapo ang tsismoso.

"Wala to." Sabi ko naman sakanya.

"Ano palang ginagawa mo dito sa tapat ng school namin..Uhmm kuya?" Awkward kong tanong sakanya para maiwasan ang tanong niya.


"Wala naman. Hinahanap ko yung kapatid ko. Pero I think umalis na. Wala na yung kotse niya eh." Sagot niya habang palinga linga sa may Car park ng school.


"Ah okay po kuya. Thank you po sa panyo. May sipon na eh. Kaya ibabalik ko nalang sayo pag nalabhan." Sabi ko ulit saknya.

Tumawa lang siya "Okay lang. Tyaka wag mo na kong tawaging kuya. Parang ang tanda ko masyado. Kris nalang." Sabi niya sabay kindat.

"K-Kris?" As in Kris?

"Yup. Short for Kristoff." Sagot naman niya habang nakangiti padin. Smiling face si kuya. Ayan tuloy napangiti din ako ng konti. Ang pangit namang tinignan kung nakasimangot ako habang yung kausap ko nakangit. "Oh ayan. Mas maganda pag nakangiti." Sabi ulit niya. "Oh siya alis na ko."

"Bye Victoria." At mabilis na naglakad papasok sa kanyang kotse at umalis.



Tyaka ko palang narealize na kilala niya ako. Bakit? Bakit niya ko kilala? Sino ba yung Kris....Kristoff na yun?

Win Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon