Final Chapter

1.4K 37 6
                                    

Time flies so fast. 4months na din pala kaming nakatira dito sa mansion ng mga de Lima. 4months ko na din siyang sinusubukang suyuin ngunit parang wala namang pagbabago.

Sometimes, iniisip kong sumuko na pero iniisip ko nalang na makakaya ko din to. Kaya ko to para sa mga anak ko, para sa masayang pamilya at para sa pagmamahal ko sakanya.

Hindi naman niya ako pinapahirapan. Pero hindi din namam siya sweet sakin, paranh casual lang. Ganon lang. Pag nagpeprepare ako ng pagkain niya kinakakain naman niya ito at nag thathankyou. Pero di padin maiwasan na minsan ipinapaalala niyang kasalan ko kung bakit nangyayari to. Kahit nasasaktan ako tinatanggap ko kasi totoo naman yun.

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock dito sa loob ng kwarto ko. Oras na para maghanda ng almusal para sa anak ko. Ganitong oras kasi ay nasa office na si Kris at pinapadalhan ko nalang ng pagkain Bumangon ako para tignan ang kambal sa kwarto nila.

Pagkapasok ko'y nagulat ako ng makitang wala ang aking kambal. Baka naman nasa baba na at kasama ng yaya nila. Bumaba ako para tignan sila.

"Manang asan ang mga bata?" Tanong ko. Kumunot ang noo niya. "Ha? Eh hindi pa po bumababa." Sagot niya. "Ha?! Eh tinignan ko sa kwarto nila. Wala sila." Nagpapanic na ako.

Nagpatulong akong hanapin sila sa buong mansyon at wala talagang bakas ng kambal ko. Halos maiyak na ako sa kakahap at kakasigaw ng pangalan nila ngunit wala paring lumilitaw.

"Ma'am may nag hahanap po sa inyo sa kabilang linya." Yaya handed me the wireless telephone. Kinakabahan ko itong kinuha.

"H-hello?" Sabi ko. "Nasa akin ang mga bata. Puntahan mo sila ngayon din dito sa Hotel Mabella at wag na wag kang tatawag ng kahit sino kahit police." Bigla niyang pinatay ang tawag. Nag madali akong lumabas at kinuha ang isang sasakyan. Lagot ako kay Kris.

Kinakabahan akong nag maneho. Tinatawagan ko si Kris ngunit out of coverage area ang cellphone niya. Umiiyak iyak na ako habang nag dadrive. Kung may mangyari mang masama sa mga anak ko ay hinding hindi ko papatawarin ang sarili ko.

Ng makarating ako sa hotel ay agad akong tumakbo papasok sa lobby. Nakita kong walang katao tao. Ang akala ko'y ang mga kidnapper ay sa warehouse dinadala ang mga dinudukot nila pero ito ay kakaiba. Iwinaksi ko ito sa isipin ko. At patakbo at palinga linga ako ng biglang may humawak sa kamay ko at piniringan ako.

"A-ano ba! Tulong!" Sigaw ko. "Walang makakarinig sayo dito." Sabi niya pero parang pamilyar ang boses niya ngunit iniiba niya ito. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng lalaking nagpiring sa mga mata ko.

Tinanggal ko ang blind fold at nakita ko ang aking sarili na nakupo sa harap ng salamin at may dalawang babae akong kasama sa loob.

"Pag daw umangal ka sa gagawin namin. Hindi mo daw makikita ang mga anak mo kaya please sumunod ka nalang." Sabi ng isa. "A-ano bang gagawin niyo? Nasaan ang mga anak ko?" Kaba kong tanong. Hindi na sila sumagot. Lumapit sila saakin at nag simula akong ayusan. Nagtaka ako kung bakit ako inaayusan ng dalawang to. "Nasan ba ang mga anak ko?" Tanong ko ulit. "Hindi kami pwedeng magsalita. Sorry. Utos samin na ayusan ka lang." Sabi naman ng isang habang nakangiti. Yung ngiting masaya.

Hinayaan ko nalang sila sa ginagawa nila para makita ko na ang aking mga anak. Ano na kayang nangyayari sakanila? Sana ay hindi sila sinasaktan kung sino man ang dumukot sakanila.

Ilang saglit pa ay natapos na ako. Pinatayo nila ako at sinimulang tanggalin ang mga damit ko. "Te-teka! Ano ba!" Pag pigil ko sakanila. "Bilin samin na bihisan ka." Simpleng sabi ng isa habang nakangiti padin. "May kamay ako kaya kong magbihis mag isa. Nasaan ang damit?!" Pag tataray ko sakanila.

Kinuha ng isang babae ang damit. Nagulat ako sa nakita ko. Isang eliganteng damit pangkasal na papangaraping isuot ng mga kababaihan. "Bakit ko isusuot yan?! Ano bang kalokohan to?!" Tanong ko pasigaw sakanila. "Okay. Bahala ka. Baka hindi mo na makita ang mga anak mo." Itatago na sana ng babae ang gown ngunit mabilis ko tong inagaw sakanya.

Win Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon