Pumunta kami sa dimensions ng mga kaibigan ko at nadatnan namin si Sheldon, Sanford, Chrissmon at Marky'ng nag iinuman na sa lugar kung san sila palaging umiinom. Kakasimula lang din ata nila.
"Bro! Tara shot na!" Sigaw ni Chrissmon kay Vonn.
"Sige lang. Hintayin ko muna si Marie magbibihis." Sagot naman niya.
Ako naman dahil sa pagkadismaya at pagka inis kaya Kris ay ako na ang kumuha ng para sana kay Vonn at walang pakundangang inimom ko ito. Sht! Ang tapang! Ano ba to.
"Oy Vic. Dahan dahan lang." Sabi ni Allen.
"Badtrip yan." Sabi ni Vonn sabay tawa.
What ever! Gusto kong maglasing. Gustong gusto ko talaga! Bwisit talaga yang Kris na yan. Nakakagalit nanaman siya!
"Pahingi pa." Sabi ko ulit sakanya.
"Baka malasing ka." Sabi ni Sanford.
"Bakit ba umiinom ang tao? Diba para malasing? Dali na!" Kinuha ko nalang ang brandy sa table nila at tinungga ito. Sobrang pait na halos maisuka ko lahat ng ininom ko. Sht.
Bumaba nadin si Marie at Lea. Nakabihis na sila ako hindi pa. Mamaya na. Papakalasing muna ako.
Naramdaman ko din agad ang epekto ng alak. Nahihilo na ako agad.
"Vic. Hinayhinay lang." Sabi ni Marie sakin. Si Lea naman ay nagsimula nading uminom kagaya ko.
"Hayaan mo lang siya Mahal." Ganyan talaga pag nasasaktan. Sabi ni Vonn sabay tawa. Sige mang asar kapa. Ikaw ng may mahal.
"Marie, binigwasan ko na yang boyfriend mo." Sabi ko kay Marie sabay irap kay Vonn.
"Brutal mo naman bespren." Humalakhak pa siya ng humakhak.
Ilang sandali lang ay lahat kami ay medyo may tama na. Sumasayaw kami sa bawat beat ng musikang pinapatugtog nila. Sige lang. Gusto ko ng ganito para naman mawala sa isip kong di ako sinipot ni Kris kanina.
Uminom pa kami ng uminom ng kung anu-anong alak ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa ito ng taong nang indian sakin kanina si Kris. Naka Black Vneck shirt siya. Mukhang bagong ligo.
"Victoria! Naglalasing kaba!" Sigaw agad niya ng dumapo sakin ang kanyang mga mata.
"Di ba obvious?" Sabi ko sakanya sabay irap.
"Tumigil kana. Magbihis kana."
"Ayaw ko nga. Sarap uminom." Iinumin ko pa sana ang nasa baso ko ng bigla niyang inagaw ito sakin.
"Ano bang problema mo!" Nagiinit ako ngayon dahil sa alak at sakanya. Naiinis ako sakanya.
"Mag usap nga tayo. Tara sa taas." Mahina pero madiin niyang sabi.
Walang pakialam ang mga nasa paligid dahil nag uusap sila at lasing na.
"Ayaw!" Sabi ko sakanya.
"Victoria! Isa!"
"Kahit magbilang ka hanggang isang milyon jan!"
"Ah. Ayaw mo talaga ah."
Binuhat niya ko na parang sako.
"Ahhhhhhhh! Kris ano ba!" Sabi ko sabay suntok sa likod niya.
"Uy bro. Ang wild mo naman." Sabi ni Sheldon at Sanford habang tumatawa at nag high five pa sila.
Umakyat siya sa hagdan at pumasok sa kwarto kung saan nakita ko sila ni Violet nun. Tsss! Memories.
"Ano ba!" Sabi ko sakanya ng maibaba niya ako.
BINABASA MO ANG
Win Him Back
General Fiction"Lahat gagawin ko. Mapatawad at balikan mo lang ako." -Victoria Margaux Calibre "Lahat gagawin ko. Maipamukha ko lang sayo kung ano ang sinayang mo." -Jared Kristian De Lima