#41 Giving Up

616 41 0
                                        

Umuwi ako dahil kailangan ko ding pumasok sa school ngayon. Gusto ko sanang sa kama nalang ako mag damag kaso kailangan kong pumasok.

Nagtaxi ako papunta sa school dahil tinatamad talaga akong gumamit ng kotse.

Pagkadating ko sa Lux ay naglakad na ako papunta sa Nursing building. Habang naglalakad ako ay nag vibrate ang phone na hawak ko kaya tinignan ko ito.

From:Unknown

Hi. Are you free today? Can we talk? -Violet

Nagtataka ako. Anong pag uusapan namin? Parang kinakabahan ako dito ah. Parang may hindi magandang sasabihin sakin. Okay, walang nananamay sa pag susubok. Pano ko malalaman yung sasabihin niya kung di ako makikipag usap. Natututo talaga ako sa mga hugot ni Vonn eh.

Me:

I have a class eh. Gang 5:30pm. Isa that Okay if we meet at 6pm?

Agad naman siyang nag reply.

Violet:

Sure. See you at the ice cream shop, yung malapit sa Lux?

Hindi ko na siya nireplyan dahil nakarating na ako sa class ko. Sakto ding dumating ang professor ko.


Pagkatapos ng first class ko ay Vacant kaya napagpasyahan kong pumunta muna playground katabi ng school dahil kahit saan party ng Lux ay may mga estudyanteng maiingay. Buti dito ay maraming puno at may mga sementong upuan at lamesa, pwede akong mag aral dito. Walang masyadong mga bata dahil school hours.

Habang nag susulat ako ay may nakita akong babaeng umiiyak sa isa pang sementong upuan malapit sakin.

Teka pamilyar siya ah. Siya yung pumunta kanina sa Unit ni Kris.

Dahil curious ako sakanya. Curious ako dahil bakit ganon makaasta si Kris ng nabanggit ang pangalan niya ay lumapit ako sakanya.

"Panyo oh." Sabi ko sabay lahad ng panyo ko sakanya.

Tumingala siya at nakita ako "Ikaw yung kasama ni Kris diba?" Mahinahon niyang sagot.

Kinuha niya ang panyo sakin at ipinunas sa kanyang mata ...

"Salamat dito." Tukoy niya sa panyo.

"Walang anuman." Ngumiti ako. "Oo. Ako yung kanina. Pwede ba akong umupo dito?" Tanong ko sakanya.

"Sure." Sabi niya at ngumiti din sakin pabalik pero halata sa mukha niyang malungkot siya.

Kailangan kong magtanong tungkol sa kanilang dalawa pero naunahan niya ako.

"I'm sorry to ask you this, pero fling ka ba ni Kris?" Tumingin siya sa mga mata ko

Fling? Ano nga ba ako ni Kris? Fling ba niya ako?

"Uhmm.." Hindi ako makasagot sa tanong.

"Oh..My sorry nevermind." Sabi niya.

"Eh ikaw?" Tanong ko pabalik sakanya.

"Ako? Di ko alam kung ano ko siya eh. Di ko alam kung saan ako lulugar sa kanya. Nung mag kasama kami sa Greece pinaramdam niya saking gusto niya ako at mahalaga ako pero pag tinatanong ko siya kung ano kami, di niya ko masagot." Tumawa siya ng bahagya pero may luhang pumatak sakanyang mata.

Win Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon