#1 Love letter

1.8K 63 13
                                    

"Nakatulala ka nanaman jan girl! Naalala nanaman ba si first love?" Natatawang sabi ni Leo isa sa mga kaibigan kong bading.


"Hi-hindi ah! Iniisip ko lang kung pumasa ba ako sa Quiz kanina. Hindi kasi ako nagreview." Deny ko. Sa totoo lang tama siya. Naaalala ko nanaman yung firstlove ko. Basta kasi napapatulala ako lagi nalang siyang pumapasok sa isip ko. Iniisip ko kung kamusta na ba siya, Ano na nangyayari sa buhay niya ngayon oh ano pa. May bago na kaya siya? Siguro ay meron na, sa sobrang gwapo ba naman niya.


"Reyna ka talaga ng palusot. Echusera ka!" Sabi naman ulit niya. "Pwede ba! LEO. Manahimik ka nga muna. Daldal mo eh" Sabi ko at ng naka emphasize ang pangalan niyang Leo. Ayaw na ayaw kasi niyang tinatawag siya sa tunay niyang pangalan. Panlalaki daw kasi.


"Yuck girl! LEA Okay! LEA!" Inis naman niyang sagot sakin. At ako naman ang tumatawa ngayon habang nakatawa. "Girl, Your expression is priceless." Sabi ko sakanya at umirap naman ito sakin.



1stday of class at 3rdyear College na ako at Nursing student. Bakit ako nagnursing? Kasi gusto ni Daddy. Kung anong gusto niya ay siyang masusunod. Political Science talaga ang gusto kong course. I don't know gusto ko lang matuto tungkol sa politics. And someday I want to be a politician someday. Pero malabo. Ayaw ni daddy na tahakin ko ang landas na tinatahak nila. Mahirap daw kasi ang buhay politika. Mayor siya dito amin. And nakikita ko din sakanya na minsan nahihirapan siya. Di maiiwasan ang mga issue pero mahal naman siya ng mga tao. Sa politika kasi hindi alam kung sinong mga kalaban mo. Hindi mo alam nasa tabi mo na at nakakausap mo. Kaya sa Politika di ka pwedeng magtiwala. Marami kang pagdadaanan kaya ayaw ni Daddy na pumasok din ako sa ganong mundo. But for it's exciting. Pero wala akong magagawa ang sinabi ni Daddy ay siyang masusunod.


"Victoria tara lunch na tayo? Tom jones na ako girl." Sabi ni Leo este Lea pagkatapos ng dalawang sabuject namin. 12pm na din. Kaya medyo nagugutom na din ako.


"O sige. Jan nalang tayo sa Mcdo. Mas malapit." Tumango siya at nagsimula na kaming maglakad papunta sa Mcdonald's malapit sa school namin. Ng nakarating kami ay nag hanap na ako ng mauupuan at siya naman ay umorder na.


May highschool students na nakaupo naman sa katabing table namin. Couple ata sila at umiiyak ang babae. "Kasi feeling ko, Hindi naman totoo yang nararamdaman mo eh." Sabi niya habang nakatakip ang dalawang kamay niya sakanyang mukha "Bakit ba kasi ayaw mong maniwala sakin?" Sabi naman nung lalaki habang hinahaplos ang likod ng babae.


Naalala ko tuloy yung samin ni Kris. Yung 1stBF ko/1stlove/truelove. Hindi ko napigilan ang sarili kong maalala ang nakaraan habang tinitignan ko silang dalawa.


4years ago......


"Vic. Si Kris oh nakatingin sayo. Uyyyyyyyy" Kantyaw ng mga kaklase ko dito sa classroom dahil wala pang teacher. Vacant kasi namin.


"Ihhhh! Wag nga kayo!" Sigaw ko sakanila. Pulang pula na ata tong pisngi ko. Nakakahiya. Alam kasi nilang lahat na crush ko si Kris eh kaya ganyan sila. Ewan ko ba. Proud akong crush ko siya. Pero nahihiya ako pag tinutukso nila ako sakanya.


Si Kris naman, wala siyang pakialam kahit na crush ko siya. deadma lang siya. Ewan ko ba. Such a cold boy. Ni minsan hindi pa ako pinansin niyan. Pag nagbibigay ako ng love letter, chocolates Pinapabasa at pinapakain niya lang sa mga kaibigan niya. Kaya di ako naniniwalang nakatingin siya sakin. Basta pag kinakantyawan siya ng mga kaibigan niya sakin. Lagi niya lang sinasabi na "I don't care" Ganyan talaga yan kahit sa lahat. Once in a blue moon lang siyang magsalita. Siguro dumadagdag din yan sa pagkagwapo niya. Kaya dapat maintain.




P.E namin ngayon kaya pumunta ako sa locker kasama ng mga kaibigan ko para magbihis na ng damit. Ng nakabihis na ako ay naisipan ko ulit magbigay ng love letter sakanya. Diba? Di ako sumusuko. Fighting! Sinusuksok ko kasi palagi yung letter ko sa locker niya. Kasi nga pag sa personal ko binigay eh baka mapahiya lang ako kasi nga hangin lang ako para sakanya.


Ng ilalagay ko na sana sa locker niya ang sulat ay nagulat ako ng may nagsalita sa likuran ko, isang malamig at tila galit na boses. "Are you that desperate?" Sabi ni Kris habang nakasandal sa dingding at nakapamulsa. Matagal ako bago nagsalita. "I-I'm just......" Di ko na nadugtungan ang sasabihin ko ng bigla ulit siyang nagsalita. "You are desperate. Please stop this shits." Akmang tatalikod na sana siya ng naglakas ako ng loob para tawagin siya. "K-kris." Nakatingin lang siya sakin at tila naghihintay ng susunod kong sasabihin. Inabot ko sakanya ang sulat ko. Palakasan na to ng loob. It's now or never. "Please? Just this once." Ilang sandali pay kinuha niya rin ang binigay kong sulat sakanya at tumalikod na at naglakad na papunta sa gym. Ang saya ko. YeHeyyy! Tinanggap niya totoo ba to? Oh naghahalucinate na ako.


Naglakad na ako papunta sa gym gamit ang napakalaking ngiti abot langit. hehe! Ng biglang natigilan ako ng may nakitang may mga punit punit na papel na nagkalat sa daan papuntang gym. Sinundan ko ang mga punit na papel na nagkalat at ng makita ko ay nagulat ako sa isang taong pinanggagalingan ng mga punit na papel. Kay Kris. Ni hindi manlang ata niya binuksan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na ako. Habang tumatakbo pabalik sa locker room at kinuha ang mga gamit ko at umuwi na. Last subject nadin naman sasabihin ko nalang sumama yung puso ko, este pakiramdam. Ganyan ba talaga kasama ang isang tulad niya? Ni basahin ang sulat ng humahanga sa kanya ay di pa niya magawa? Sabagay sa lahat naman ganyan siya at isa lang ako sa lahat na yun. Ngayon ko lang din napatunayan na ang isang tulad niya ay di dapat hinahangaan. Arogante siya at wala siyang pakialam kung meron man siyang masasaktan. Kaya ipinapangako ko sa sarili ko, na huling huli na yun. Ayaw ko na. Di niya deserve ang paghanga ko sakanya.






"Oh bakit namumugto yang mata mo?" Tanong ni Marie kabigan ko. Umiyak kasi ako magdamag pagkauwi ko kahapon sa bahay hanggang sa makatulog ako.


"Ah w-wala to. Puyat lang" Sabi ko at pilit na ngumiti sa kaibigan ko. Ayaw kong sabihin sakanya. Nahihiya ako sa nangyari kahapon.


Patuloy lang kami sa pag uusap ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Kris kasama ng mga kaibigan niya.



"Oh Vic! Si Kris oh." Kantyaw ulit ng mga kaklase ko sakin at di ko na napigilan ang sarili at tumayo ako't nagsalita. "So? Ano naman kung anjan na siya? Kung pwede lang sana wag niyo na akong inaasar sakanya kasi hindi na ako natutuwa. Hindi na siya yung crush ko. Meron na akong ibang crush. Kaya please lang. Wag na wag niyo ng banggitin pa sakin yung pangalan niya." Sabi ko sabay upo. Napanganga silang lahat sakin na tila'y my hindi kapanipaniwala sa mga sinabi ko. At ng tinignan ko Kris ay nakatitig na ito sa akin gamit ang galit niyang mga mata. Galit pa siya niyan? Dapat magpasalamat siya kasi titigilan na kami ng mga classmate namin sa kakakantyaw saming dalawa. Inirapan ko nalang siya at buti nalang aya dumating na ang teacher namin.




Win Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon