Present.....
"Hoy! Anong tinutunganga mo jan?" Sabi ni Lea sabay lapag ng mga pagkain namin. At tumingin sa tinitignan kong dalawang highschool student na couple sa kabilang mesa. "Aruu aruu! Flashback te?" Sabi naman niya sabay tawa.
"Bakit nanaman? Bawal tumingin sakanila? Dali na nga. Gutom na ko." Sabay irap sakanya.
"Pupunta kang Dimensions mamaya? 4th Anniversary ni Vonn at Marie ah. Party party!" Masayang sabi ni Lea habang nilalapa ang burger na hawak niya.
Buti pa ang dalawang yun. Ang tagal na, isiniwalat nadin nila ang relasyon nila ng nag college kami. Iniisip ko tuloy, kung di ko kaya hiniwalayan ni Kris noon? Kami pa kaya hanggang ngayon?
"Ewan. Mag aaral ako." Sagot ko naman sakanya.
"Te, friday ngayon." Poker face niyang sabi.
"Oo na sige na! Kulit!" Sagot ko naman para tumigil na siya sa kakadada.
Pagkatapos namin kumain ay pumasok na kami sa University'ng pinapasukan namin.
"Osya! Separate ways na tayo girl. Gorabells na ko sa Engineering building. Seeya!" Sabay beso sakin.
Sus! Nag Civil engineering lang siya kasi madaming pogi dun eh.
"Okay, punta nadin ako sa class ko." Sagot ko.
Dumeretso ako sa klase ko, productive naman para sakin tong araw na to para sakin. Pagkatapos ng klase namin ay lumabas ako ng room ng makita ko si Gavin yung nanliligaw sakin kahit di ko naman pinapayagan. Hay naku! Mangungulit nanaman.
"Hi Victoria. Hatid na kita?" Sabi niya sabay ngiti. Actually gwapo naman siya, kaso di ko alam wala akong panahon sa mga ganyan. Siguro wala pa yung magpapatibok ulit ng puso ko.
"Uhmmm...Di na Gavin. Magtataxi ako." Sagot ko naman sakanya.
"Palagi mo nalang akong tinatanggihan eh. Please?" Magmamakaawa niya.
"Oh sige. Ngayon lang to ha?" Pagdidiin ko sakanya.
"Talaga? Yesss!" Sabay suntok sa hangin. "Flowers and chocolate for you." Sabi niya sabay abot ng bulaklak at tsokolate.
"Diba sabi ko naman sayong, di ako nagpapaligaw? Nag abala ka pa. Akin na." Dahil maaawain ako tinanggap ko nalang din.
Sabay kaming pumunta ng Car park then he lend mo to his car.
"Saan ang bahay niyo?" Tanong niya ng nagsimula na siyang magmaneho palabas ng Car park.
"Jan lang sa King tower." Sagot ko sakanya.
Nung nag 3rdyear college ako, niregaluhan na ako ni Daddy ng isang condo dahil matataas ang grades ko at palagi akong President lister. Pero pag namimiss ko sila at namimiss ko yung luti ni Yaya umuuwi ako.
"Oh pano. Baba na ko." Sabi ko ng makarating na sa harap ng King tower.
"Wait!" Sabi niya sabay baba at pinagbuksan ako.
How gentleman, swerte ang babaeng magiging girlfriend niya. Wag lang ako.
"Thank you.. Uhmmmm pasok na ko ha? Drive well." Sabi ko sabay ngiti.
"Okay. Thank you din Vic." Sabi niya at pumasok na sakanyang sasakyan.
Kumaway pa siya ulit at umalis na.
Pagkadating ko 17thfloor kung saan ako nakatira ay nakita kong naglalagay ng gamit ang mga tauhan ng King tower sa tabi ng unit ko. May lilipat na siguro. May kapit bahay na ko.
BINABASA MO ANG
Win Him Back
General Fiction"Lahat gagawin ko. Mapatawad at balikan mo lang ako." -Victoria Margaux Calibre "Lahat gagawin ko. Maipamukha ko lang sayo kung ano ang sinayang mo." -Jared Kristian De Lima