#48 The One And Only

569 38 1
                                    

"Gaya ka padin ng dati Vic." Mahina niyang sabi habang hinahaplos ang buhok ko.

"You're still Kris' girl." Muli niyang sabi. "I really don't know. I'm sorry." Sabi pa ulit niya.

Halata ang lungkot sa boses niya na tila nakikiluksa sa din sa puso kong namatay na.

"I-I'm okay Charles. N-nothing to worry." Sabi ko and I fake laugh. I don't want them to see me I'm broken. Dahil alam ko pati sila ay maapektuhan.

Magkayakap lang kami ng ilang sandali ng may babaeng lumitaw mula sa harap namin. Nakahawak sa sa kanyang bibig at nakita kong dumadaloy ang mga luha sa kanyang pisngi.

"Ch-Charles." Nanginginig niyang sabi.

Nagulat si Charles at kinalas ang pag kakayakap sakin.

"Cha-Chandria?" Sabi niya.

Biglang tumakbo ang babae. Hindi ko alam kung ano ang nang yayari.

"Charles habulin mo." Sabi ko. Sa tingin ko ay kailangan nilang mag usap dalawa.

Tumango si Charles at agad hinabol ang babae. Bumalik ako sa table namin at nakitang masayang nag iinuman ang mga kaibigan ko, si Celine naman ay nakikitawa at umiinom ng juice. I want to go home. I'm done for this night.

"Guys. Uhmm...Uwi na ko. May kailangan pa kong gawin bukas eh." Sabi ko sa kanila.

"Oh sige Bes. Sinong mag hahatid sayo?" Tanong ni Vonn sakin.

"Girl. I'm drunk na. I can't drive. I'm sorry." Sabi naman ni Lea. Well halata namang lasing na siya.

"Ako na." Pag pipresenta ni Allen.

Ito talaga yung naasahan ko sa paghatid at sundo eh.

Nag paalam ako sa kanilang lahat. Nagbeso pa ako kay Celine na siyang nagpagulat sa lahat. Di nila alam na magkakilala kami.

Habang nasa byahe kami ni Allen ay nagsalita siya.

"Okay ka lang talaga? Oh silly. Tinatanong ko pa. Alam ko naman." Sabi niya sabay tawa.

"Halata ba?" Tanong ko. "Nahalata kaya nila?" Ulit ko.

"Dunno. Maybe not. I know the feeling Vic." Sabi niya habang nakatingin sa daan at nagdadrive.

"What do you mean you know the feeling?" Kunot noo kong tanong.

"Mahal mo siya pero di na pwede? I feel the same. I'm inlove with the wrong person,she's off limits. Hinding hindi talaga pwede. But I don't know what to do. I'm drowned with her." Bakas sa tono ng boses niya ang lungkot.

Ganito pala ang pinagdadaanan ng taong to. Di mahahalata kasi palagi naman siyang nakangiti eh.

"Sino? Ang akala ko may girlfriend ka." Tanong ko ulit.

"I don't know if she's my girlfriend. NGSB kaya ako ng dahil sakanya." Tumawa siya.

Wow! NGSB? Gwapo si Allen, mayaman, matalino pero walang Girlfriend? I can't believe this.

"Huh? Di ka pa nagkaka girlfriend? Sino ba yung babae na yun?" Tanong ko.

Tinignan niya lang ako at ngumiti, yung ngiting malungkot.

"Andito na tayo Vic." Tanging sabi niya.

Hindi ko na siya ulit tinanong kung sino yung girl at baka mairita lang siya sakin.

"Osya! Ingat ka." Sabi ko at bumaba na sa sasakyan niya.


Ng makarating ako sa floor kung nasaan ang unit ko ay nagulat ako ng may isang babaeng nakatayo sa pintuan ng kapit bahay ko. Ang mommy ni Kris.

Hindi padin kumukupas ang ganda niya. Nakasuot siya ng office attire. Halatang kagagaling lang sa trabaho.

Narinig siguro niya ang stiletto ko kaya napalingon sa saakin.

Halata sa mukha niya ang gulat. Siguro ang akala niya ay pupuntahan ko si Vic.

"V-Victoria?" Sabi niya habang nakatitig padin sakin ng malaki.

"G-Goodevening po...Uhmm tita." Nahihiya kong sabi.

"How are you? You look beautiful. You've grown." Sabi niya habang nakahawak na ngayon sa mga braso ko.

"Andito ka ba para kay Kris?" Tanong niya.

"Ah No tita..dito po ako nakatira." Sagot ko at ngumiti.

"K-Kay Kris?" Tanong ulit niya.

"No tita..we're neighbors." Sagot ko ulit sakanya. "And wala po siya ngayon jan. Nasa dimensions po siya. Kasama si Ce-Celine." Sabi ko ulit.

"Oh kilala mo pala siya." Suminghap siya. "You know what? I like that girl." Ngumiti siya. "But I like you for my son." Pag habol niya.

Nakatitig lang ako sa kanya. At di alam kung ano ang sasabihin. Parang may humaplos sa puso ko ng sinabi niya yun. Pero siguro alam niya ding hindi na kami pwede.

"Hayy. That punk. Okay hija. Mauna na ako. Nakalimutan niya atang pupunta ako ngayon." Sabi niya at tinapik ang balikat ko.

"Ingat po." Tanging sagot ko.

Hinintay ko siyang makapasok sa elevator bago ako pumasok sa unit ko.

Bukas na bukas aayusin ko na ang mga gamit ko para sa linggo ay makalipat na ulit ako sa bahay. Sigurado akong matutuwa si mommy at daddy dahil dito. Isusurprise ko sila.

Sawi man ako sa pag-ibig atleast may kompleto akong pamilya. Okay na yun sakin. Sapat na yun para sakin.

Pagkatapos kong maghalfbath ay nagpalit na ako ng aking pantulog.

Nag log in ako sa facebook at nagscroll lang sa newsfeed. Ito kasi ang pampaantok ko .

Ilang sandali pa ay may tumawag sa cellphone ko. Tinignan ko ang caller. Ito nanaman yung tumatawag ng di nag sasalita.

Dahil sa inis ko, sinagot ko ito.

"Pwede ba kung wala kang balak magpakilala, wag kang tumatawag tawag sa akin!" Pasigaw na sabi ko.

May narinig akong tumawa sa kabilang linya. Lalaki siya.

"I miss teasing you Vic." Sabi niya.

"Ri-Rivo?!" Hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga to.

"The one and only." Malamig niyang sabi at tumawa.

--------

Sino kaya siya? xD Abangan.

Win Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon