"Labas ka na jan Bro!" Sigaw ni Vonn habang tumatawa. May tama na din ata siya.
Unti unting bumukas ang pinto galing sa isang kwarto. Lumabas dito ang tinutukoy ni Vonn.
Nagulat ako sa nakita ko. Natulala ako sakanya habang naglalakad papunta sa gitna kung nasaan ni Vonn.
"Shit! He's so handsome!"
"Siya na ba yan? OMG!"
"Mas gwapo siya ngayon. Fuck!"
Sigaw ng mga kababaihan dito sa party.
"Ch-Charles?" Bulong ko sa sarili ko.
Nagbalik na siya. Ang saya ko. May kung ano sa puso kong nasihayan ng makita ko siya hindi ko maexplain. Ang alam ko unti unti nalang gumuhit ang ngiti sa mga labi ko.
Sobrang namiss ko siya. Palagi ko namang nakikita ang mga picture na pinopost niya sa FB pero iba sa personal.
Tumangkad siya, kagaya nila Vonn. Ang puti niya lumaki din ang pangangatawan niya. Ganon na ganon padin ang expression ng mukha niya. Yung tipong palaging masaya kahit di naman nakangiti. Makikita kasi sa mata niya yun.
"Hello guys!" Sabi niya sabay apir kay Vonn at sa iba pa nilang kaibigan. " Nice to see you all again. Kilala niyo pa ba ako?" Sabi niya sabay ngiti.
"Syempre!"
"Namiss ka namin Charles!"
"Whooohoooo! Double celebration! Tara shot pa!"
Sigaw nila at nagsimula na ulit silang sumayaw.
Ako naman nakatitig lang sakanya. Habang nakikipag apir at nakikipag beso siya mga taong andito.
"Kilala mo siya?" Mahinhing tanong ni Isabella sakin. Nakalimutan kong katabi ko nga pala siya. Umupo muna ako bago nagsalita.
"Oo. Close kami....dati." Sagot ko. Bigla naman akong nalungkot ng maalala yung huling pagkikita namin. Sobrang lungkot ng mata niya nung mga oras na yun. Sobra ko din siyang nasaktan. Kaya ewan ko kung lalapitan ko ba siya ngayon o hindi.
Kinuha ko nalang ang shots sa mesa at nilagok ulit ito. Medyo nahihilo nadin pero kaya pa naman.
Kinbahan ako bigla ng papalapit na sila Vonn dito sa table kasama si Charles.
Ng umupo sila ay binigyan agad ni Vonn si Charles ng shots at ininom naman niya ito.
Ng napansin ako ni Charles ay napatigil ito sandali bago nagsalita.
"Long time no see Vic." Sabi niya then he smirk.
"Uhmm..Hi. Kamusta na?" Awkward kong tanong sakanya.
"Okay lang." Sabi niya sabay kuha ulit ng shots sa mesa.
"V-Vic. Alis na ko, maaga pa ko bukas sa trabaho. Nice meeting you." Sabi ni Isabella.
"Okay. See you again." Sabi ko naman at ngumiti.
"Hatid ko lang." Sabi naman ni Sheldon at umalis na sila.
"Hanapin ko lang din muna si Marie at Leo." Sabi ni Vonn. Tinapik niya muna ang balikat ni Charles bago umalis.
Now, kaming dalawa nalang dito sa table. Ang awkward. Tinititigan niya lang kasi ako habang nakangiti at ako, di ko alam kung saan ifofocus ang mga tingin ko, sakanya ba o sa mga taong nasa dancefloor.
"So..Future nurse ka pala. Ang akala ko'y gusto mong maging abugado?" Tanong niya.
"A-ayaw kasi ni Daddy eh." Sagot ko habang nahihiyang nakatingin sakanya.
He chuckled, alam niyang nahihiya ako sakanya.
"Don't be shy Vic. As if namang wala tayong pinagsamahan a long long time ago." Sabi niya habang nakatitig padin sakin.
Para kasing may kakaiba na sakanya ngayon na di ko maipaliwanag. Ano naman kaya yun? Para akong na iintimidate sakanya.
Dumating si Sanford na pawis na pawis.
"Damn that girl! Ang sexy nga ang luwang naman. Tang ina." Sabi niya at halatang badtrip. Tinutukoy niya ata yung kalampungan niyang model ng FHM.
"Bro, di ka padin nagbabago." Sabi ni Charles sabay tawa.
"Ako pa." Tumawa rin si Sanford. "Nga pala, diba close kayo nitong si Victoria noon? Nagkita ba kayo nung Prom nung 3rdyear pa kami?" Tanong naman ni Sanford na siyang pinagtakahan ko. Nung prom? Andun siya?
"Huh? Diba nasa Germany ka na noon Charles?" Nagtataka ko namang tanong sakanya.
"Andun ako sa ball nun Vic. i even saw you." Sabi niya sabay titig padin sakin. Ayan nanaman siya. Ang lakas tuloy ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.
"And dance with you." Sabi niya gamit ang malamig na boses na nanuot sa katawan ko.
He what?! He dance with me? Imposible, wala akong pinaunlakan ng sayaw noon....No way!! Hindi kaya siya yung misteryosong nakasayaw ko noon? Yung humalik sa pisngi ko?
"I-ikaw yun Charles?" Tanong ko sakanya.
"Yes." Sabi niya sabay ngiti. "The one and only."
"B-bakit di mo sinabing ikaw yun?" Nagtataka kong tanong sakanya. Siya yun. Siya yung una at huling nakasayaw ko nung prom. Sht! Bat di ko manlang alam. Kaya pala ang gaan gaan ng loob ko sakanya nung kasayaw ko siya.
"Importante pa ba yun Vic? Masisiyahan ka ba pag nalaman mong ako yun?" Makahulugan niyang sabi.
"S-syempre naman Charles!"
"Really huh? But hayaan mo na yun. Tapos na." Sabi niya at nagpatuloy ulit sa pag inom.
"Uhm..Charles" tawag ko sakanya.
"Hmmm?"
"O-okay na ba kayo ni K-kris?" Awkward ko ulit na tanong sakanya.
Tumawa siya saglit bago magsalita. "Yup. Okay kami. Nagbobonding kami minsan. Pinapasyalan ko siya sa Greece at minsan pumupunta din siyang Germany kasama ni Violet"
"Ahh.. Uhmmm." Wala akong masabi. Nagkakasama pala sila at ang matindi, magkasama din sila ni Violet. Parang may kidlat na tumama sa dibdib ko. Yung sakit andun ulit. Bakit ganito? Siguro ay karaniwan lang ito pag ex mo yung pinag uusapan. Isinawalang bahala ko nalang ang sinabi niya.
"Tara Vic! Sayaw tayo." Hila niya sakin kaya napatayo din ako ay nagpahila sakanya sa dancefloor.
Sumasayaw siya sa harap ko. Ako naman ay di makagalaw dahil nahihiya ako. Di naman ako ganito sakanya noon ah. Anyare?
"Come on Vic! Dance!" Sabi niya habang tumatawa at hinawakan ang magkabilang bewang ko.
Nakuryente ako sa pag hawak niyang yun. Anong nangyayari sakin? Hmmm! Feeling ko namumula yung pisngi ko dahil sa paghaplos haplos niya dito. Sht naman Charles! May magic kaba? Bakit ganito.
He grinned at me, ako naman parang tuod lang na sumasayaw dito kasama siya. Parang nag iba siya. Hindi parang. Nag iba nga siya. At di ko alam kung anu-ano ang mga ipinagbago niya maliban sa physical looks niya.
"Vic! I missed you." Bulong ni Charles ng inilapit niya ang kanyang mukha sa aking tenga. Ramdam na ramdam ko ang kanyang hininga. Sht! Nakikiliti ako sa ginagawa niyang yun.
Napatulala ako sa sinabi niya at di makahanap ng isasagot sakanya.
"Don't you miss me?" Muling Sabi niya gamit ang kanyang husky voice. Hinawakan niya ang aking baba at itinaas ito, at unti unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin at saglit na inilapat ang kanyang labi.
Di ako umiwas! What! Bakit?! Shit! Di ko alam, basta pakiramdam ko gusto ko yung ginawa niya. Hindi ko maintindihan.
Anong meron ka ngayon Charles at bakit ganito ang epekto mo?

BINABASA MO ANG
Win Him Back
General Fiction"Lahat gagawin ko. Mapatawad at balikan mo lang ako." -Victoria Margaux Calibre "Lahat gagawin ko. Maipamukha ko lang sayo kung ano ang sinayang mo." -Jared Kristian De Lima