Warning: SPG
-----
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tatlong oras lang ata yung tulog ko sa kakaisip sa mga sinabing kondisyon ni Kris sakin.
Naglalakad akong parang zombie sa campus.
Pumunta ako sa 1st class ko. Sobrang sakit ng ulo ko.
Sana lang ay di ako mangamote sa mga quizzes ko this day.
Pagkatapos ng klase ko ay napagdesisyunan ko munang pumunta sa cafeteria para kumain at mag aral.
Nag order ako ng hamburger at soda at umupo sa paborito naming spot ng mga kaibigan ko.
"Oh Vic. Loner?" Si Vonn at umupo sa tabi ko.
"Di ko sila mahagilap eh. Nasan yung girlfriend mo?" Tanong ko.
"Di ko alam." Irita niyang sagot.
May nangyari nanaman ata sakanilang dalawa. Parang aso't pusa ang mga ito.
"Uhmmm..Vonn nakita mo na si Kris?" Tanong ko.
"Huh? Nasa Greece siya diba?"
So hindi pa pala nila alam na nandito na siya sa Pinas.
"Sabi ko nga." Sabi ko sabay inom sa soda ko.
"Tapos na klase mo? Tara shot?" Masigla niyang tanong.
"Nanaman? Di ka pa ba nag sasawa sa alak?" Irap ko..
"Sige na. Ngayon nalang ulit tayo magbobonding eh."
"Oo na. Sige na." Inayos ko ang mga gamit ko at nagsimula na kaming maglakad papunta sa car park.
"Bakit mo pala natanong kung nagkita na kami ni Kris?" Tanong niya habang nagdadrive.
"Uhmm...Wala lang naman. Di niyo ba alam kung kelan siya uuwi?" Patay malisya kong tanong sakanya.
"Di pa namin siya nakakausap eh. Tagal na din." Kibit balikat niyang sagot.
Pagkarating namin ng Dimensions at nagbukas muna kami ng mga de lata at nagsaing ng kanin dahil lunch time palang. Atat na ata siyang uminom kaya di na nagluto ng ulam.
Pagkatapos naming kumain ay naglabas na siya ng hard drinks sa mesa. Seriously? Tanghaling tapat.
"Sanmig. Nalang sakin." Sabi ko. Tamang chill lang ako ngayon dahil gusto kong pag isipang mabuti ang mga sinabi ni Kris sakin.
Nagsimula na kaming uminom. Siguro ay may problema tong isang to.
"Vonn. Pwede mag tanong?"
"Ano yun?" Sabi niya sabay lagok ng alak sa shot glass niya.
"For example, mahal mo pa yung Ex mo at gusto mo siyang bumalik sayo. Willing ka bang gawin lahat para lang bumalik siya?"
"Depende." Tanging sagot niya.
"Depende saan?" Tanong ko ulit.
"Depende kung may mapapala ka oh wala. Pano pag ginawa mo na ang lahat pero wala namang nangyari? Di siya bumalik? Sinong kawawa, ikaw din. Diba?" May point siya.
"Pero kung alam mo namang worth niya yun at kung talagang gustong gusto mo siyang bumalik sayo kahit malabo kahit mahirap gagawin mo. Kasi nga mahal mo diba? There are two kinds of love. The first one is the safe love and the second one is the dangerous love. Ikaw yung bahala kung ano ang pipiliin mong tahakin sa dalawa.
BINABASA MO ANG
Win Him Back
Aktuelle Literatur"Lahat gagawin ko. Mapatawad at balikan mo lang ako." -Victoria Margaux Calibre "Lahat gagawin ko. Maipamukha ko lang sayo kung ano ang sinayang mo." -Jared Kristian De Lima