Lunes ng umaga ay nag lalakad ako dito sa school na parang zombie. Ito nanaman yung pamilyar na pakiramdam tuwing nasasaktan ako. Yung pakiramdam na nilalagnat ka pero hindi naman?
Pagkadating ko sa room lahat sila nakatingin sakin. Yung iba malungkot yung iba naman nanlilisik yung mata lalo na yunh mga kaklase kong babaeng maarte. Syempre siguro dahil alam na nila yung dahilan. Tinanggal na kasi ni Kris sa facebook na nakainrelationship kami.
Umupo nalang ako. Wala akong panahong pansinin pa sila. Dahil kung naawawa sila kay Kris, naawawa din ako sa sarili ko. Kung wasak siya wasak din ako.
"Hay naku! Sinasabi ko na nga bang di ka magandang maging girlfriend ni Kris eh." Sabi ni Kath isang sosyalerang bata dito sa school.
"Oo nga eh. Sana naghanap nalang si Kris ng iba, hindi kagaya ng babaeng yan." Sabat naman ng isang kaibigan niya.
"Siguro ginamit niya lang si Kris para sumikat dito sa school." Nagpatantig ang tenga ko sa narinig. Ako? Ginamit ko si Kris?
Tumayo ako at hinarap sila.
"Pwede ba! Wala kayong alam! Wala kayong alam sa mga nangyayari sa buhay namin. Anong karapatan niyong mangjudge ha! Wala ako sa mood ngayon. Nangangati tong kamay ko parang gustong manapak kaya tumigil kayo!" Sigaw ko sakanila."Ah!!! Freak!" Tanging sabi nila sabay balik sa kanilanh upuan.
"Vic! Ano nangyari?" Tanong ni Marie ng pumasok ng room kasama si Lea.
"Wala. Hayaan niyo na." Sabi ko sabay tingin sa malayo.
"Hoy Kath! Pag inaway niyo pa ulit siya iuuntog kita sa muscle ko. Get it? Arte arte. Chaka naman. Tse!" Sigaw ni Lea sakanila.
Buti nalang at pumasok na ang adviser namin. Tumingin ako sa tabi ko pero wala siya. Aabsent kaya siya?
"Okay class. Next week na ang finals. Good luck sa inyong lahat. 1month nalang at summer break na."
Nagturo siya at at inireview kami ng pwedeng itanong sa exam at madami pa.
"At tyaka nga pala, si mr. De Lima ay di na papasok." Sabi Ma'am Dela Cruz na siyang nagpa gulat sakin. Napatunganga ako sakanya. What? Si Kris? Di na papasok?
"B-bakit p-po Ma'am?" Lakas loob kong tanong.
"Kagabi nagflight na siya papuntang Greece.Ipapadala nalang namin sakanya yung module ng mga subjects niyang di niya natapos then mageexam siya online. It was so sudden pero ganon talaga." Sabi niya.
Nalungkot yung mga babaeng kaklase ko at bumulong bulong pa ng.
"Kainis! Wala na siya. Dahil yan sa babaeng yan eh. Kaasar."
"Nakulangan nanaman sila. Dati pito sila. Pero ayun wala na yung dalawa dahil sakanya."
Pito? Anim lang sila diba? Ipinagsawalang bahaja ki nalang ang bulungan nila. Dahil inaalala ko si Kris.
"Ms. Calibre? Okay ka lang." Nag aalalang tanong sakin ni Ma'am ng nakitang dumadaloy na ang mga luha sa mga mata ko.
"Ma'am ma-masak-it p-po." Sabi ko. Habang nakayakap sa dibdib ko. Ang sakit, sobrang sakit. Umalis siya. Iniwan na niya ko. Para akong namatayan. Halos hindi na ko makahinga sa sobrang pag iiyak.
"A-anong masakit?" Tarantang tanong ni Ma'am.
"Ma'am may sakit po siya sa puso." Sabi ni Lea.
"Ma'am, dalhin po namin siya sa clinic." Sabat naman ni Marie. At hinila na ako palabas ng pinto.
Tumigil kami sa field. Walang tao kami lang dahil school hours na.
"Kainis! Kainis! Sobrang sakit!" Sigaw ko. Hindi nalang basta iyak yung ginagawa ko. May kasama pang sigaw.
Ganito na kasakit? Saglit lang naman kami. Hindi pa kami nagtatagal. Pano nalang kung nag tagal pa kami? Siguro mamamatay na ko sa sobrang kakaiyak madedehydrate ako. Sht! Parang may humahawak sa puso ko at pinipiga ito ng pinipiga. Yung tipong ayaw na niyang tumibok pa ito.
"Kaya mo pa ba Vic?" Tanong ni Marie ng makita akong nahihirapan sa kakaiyak. Sa totoo lang naninikip nadin talaga yung dibdib ko. Nahihilo nadin ako sa sobrang kakaiyak.
"K-Kris." Huling sabi ko, sabay nagblack out ang paningin ko.
Pagkamulat ko ng mata ko ay nakita kong puro puti ang nasa paligid. Nahihilo pa ko kaya medyo blurred. Patay na ba ko? Langit na ba to? Medyo natawa ako sa sinabi ko. Umiiyak lang ako kanina kaya imposibleng patay na ko..
"Gising na siya." Sabi ni Marie.
"Bespren. Okay ka lang?" Si Vonn.
"Vic, magsalita ka." Si Sheldon at Sanford.
Nakapalibot lahat silang sakin. Hinahanap ko sakanila si Kris pero naalala ko palang umalis na siya. Wala na siya dito. Kaya muli nanamang tumulo ang mga luha sa mga mata ko.
"Oh oh oh! Iiyak ka nanaman tama na yan." Sabi ni Allen.
"Alam mo bang kahit kaninang tulog ka umiiyak ka?" Sabi naman ni Chrissmon.
Ganon ba ko sobrang nasaktan? Kasi kahit tulog ako nararamdaman ko padin yung sakit? Kailangan ko pa atang mag paturok ng anesthesia oh baka pati yun di tumalab.
"A-anong oras na?" Tanong ko sakanila.
"6pm na." Sagot ni Sheldon.
"Bakit andito kayo sa school namin?" Ang alam ko bawal silang pumasok dito.
"Secret." Sabi naman nilang apat.
Okay what ever.
Hinatid nila ako sa bahay. Namamaga padin ang mga mata ko dahil sa matinding pag iyak.
Bago sila umalis ay sumigaw si loko lokong Vonn.
"Bespren! Wag kang magpapakamatay ha!"
"Tse! Alis na nga kayo. Marie yang boyfriend mo sasapakin ko na yan." Sabi ko. Tumawa lang sila at pinaharurot na ang sasakyan.
Ngayon mag isa ko nanaman. Ano nanamang gagawin ko? Iiyak nanaman? Kahit ayaw ko namang umiyak para namang walang stopper tong mga mata ko eh.
Umakyat ako sa kwarto ko, naligo at nagpalit ng pantulog. Pagkahiga ko sa kama ay kinuha ko ang Cellphone ko at naglog in sa Facebook ko. Agad kong nilagay sa profile ni Kris, Totoo nga nasa Greece siya.
Tinignan ko ang mga post niya.
Home now.
I miss Greece.
It was nice to be back.
Yeah. It was only infatuation.
One more time cupid! And I will hit you with a gun.
Yeah. Infatuation.
Di pa ba ubos tong mga luha ko? Kanina pa sila bumubuhos. Sht! Miss na miss na agad kita Kris! Mali ba? Mali ba yung desisyon ko? Nagpadalos dalos ba ako? I'm so wrecked because of my own decisions. Pero I know pagdating ng panahon magiging okay din ang lahat. Hindi man sa ngayon pero sa tamang panahon.
Sana maisip mo din Kris, kung bakit ko nagawa. Para satin din to. Para sa ikabubuti nating dalawa.
Till we meet again.
BINABASA MO ANG
Win Him Back
General Fiction"Lahat gagawin ko. Mapatawad at balikan mo lang ako." -Victoria Margaux Calibre "Lahat gagawin ko. Maipamukha ko lang sayo kung ano ang sinayang mo." -Jared Kristian De Lima