#3 The deal

874 53 6
                                    

"O lutang ka nanaman girl." Sabi in Lea sabay tapik sakin. Kanina pa kasi ako tulala. Iniisip ko yong sinasabi in Charles kahapon sakin. Ano kaya yong sinasabi niyang ayaw pang sabihin in Kris sakin? I want to ask him pero galit nga pala ako sa kanya.


"Don't mind me. Mag review ka nalang Jan no. May quiz tayo mamaya." Sagot ko naman sakanya. Di talaga ako mapakali. I want to talk to Charles again Pero do ko naman siya mahagilap. In fact kanina ko pa siya hinahanap sa room nila.



Class ended. 5pm nadin ng hapon Pero di ko padin makita si Charles. Kahit nga si Kris wala e.



"Girl, pupunta pa ako sa theatre ha? May practice kasi kami para sa Intrams e. Were going to present. Mag iingat ka ha?" Sabi ni Lea. "Sure. Ingat ka din pauwi." Sabi ko sakanya at ngumiti.




Naglalakad na ako papunta sa main gate ng may narinig akong sigawan sa may Gym. Nacurious naman ako at nagtungo sa mga babaeng tumitili then nakita ko ang ibang kaklase kong lalaki kasama na si Kris at Ang mga lalaki sa section ni Charles. Nag papractice pala sila ng basketball kaya pala di ko sila nakita.



Umupo ako sa isang bench malapit sa mga naglalaro para makita silang mabuti ng biglang "Hi Victoria!" Sigaw ni Charles habang nakangiti sakin. Bigla namang tumahimik ang mga babaeng tumitili kanina at tumitig sakin. Yung iba nagtataka yung iba matatalim ang tingin, nag lakbay ang paningin ko sa court at nakita ko si Kris na nakatitig sakin ng masama napuyuko nalang ako dahil di ko alam ang gagawin ko. Shit! Namumula ata tong mukha ko? Charles kasi e.



"Andito ka ba para panoorin ako?" Dugtong pa ulit ni Charles sabay takbo palapit sakin.




"Ano kaba Charles, nagagalit na mga fans mo sakin o. Baka akala nila...."



"Baka akala nila na girlfriend kita? Di maganda." Sagot niya na parang wala lang. Bigla ulit uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.



"A-ano ka ba Charles" sabi ki sabay hampas ng mahina sa braso niya na siyang nagpatawa sakanya.



"Ang cute mo talaga Vic." Sabi niya sabay pisil ng mahina sa ilong ko.



"Hindi to park para maglandian kayo. Nagpapractice tayo Charles." Sabi ni Kris na siyang nagpagulat sakin. Halata sa tono niya na galit siya. Bakit kaya? Siguro dahil itong si Charles lokoloko.




"Okay dude. Chill. Gusto ko lang kausapin yung nililigawan ko." Nagulat ako sa sinabi niya. Nililigawan? Ni hindi nga niya sinabi na liligawan niya ako. Tyaka kahapon ko lang ulit siya nakausap. Loko loko talaga tong lalaking to. Sasagot na sana ako ng bigla ulit siyang magsalita. "Hintayin mo ko. May sasabihin ako sayo mamaya." Sabay kindat at bumalik sa court. Nacucurious nanaman tuloy ako kung anong sasabihin niya.



After an hour natapos nadin yung practice nila thank God. Di naman kasi ako mahilig manood ng basketball e. Sadyang dinala lang ako ng paa ko dito kanina.



"Tara na." Sabi ni Charles habang nakangiti. Tumayo nadin ako at sumabay na sakanya sa paglalakad. Ng makarating kami sa bungad ng gym palabas ay lumingon pa ulit ako sa court at nakita si Kris na nakatingin nanaman sakin ng masama. What's wring with him. Di ko na ngalang pinapansin e. Tssk. Nuknukan talaga ng kasupladuhan.



"Nagutom ako sa practice a. Tara kain muna tayo bago umuwi?" Yaya sakin ni Charles. Tumango nalang ako sakanya dahil nagugutom nadin ako.


Pumunta kami sa isang fastfood para kumain. Habang nag oorder si Charles ay nagulat ako ng biglang nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko ito at agad tinignan kung sino ang nagtext.


From:Lea

Hi! Girl. Andito ako sa bahay nila Grace, isa sa mga friend ko sa kabilang section and guess what."

Tss. May pa guess what pang nalalaman ang isang to e. Di nalang sabihin.

To:Lea

WHAT!

O yan capslock para dama mo.

From:Lea

Galit? Hahaha! Andito si Kris. Kakarating lang niya.

So ano naman sakin?

Lea
Ampalaya? Haha! He's drinking. Mukhang badtrip.

Wala akong paki. Don't tell me umiinom kadin? Bata ka pa uyy!

Lea
Tinikman ko lang. Okay sige na nga bavooshh na daming boys e. Magpapapansin muna ako. Haha! Bye.



Hay nako. Eto talagang baklang to anlandi.



Ilang saglit lang ay dumating na si Charles kasama ang mga pagkaing inorder niya at nagsimula na kaming kumain.


"Bakit mo namang sinabing nililigawan mo ko? Loko loko ka talaga." Sabi ko sakanya habang panay subo ng malaki sa burger na hawak niya.



Nginuya niya muna ang nasa bibig niya at uminom ng tubig at nagsalita "You'll thank me for that. Promise." Sagot niya sabay ngiti at kumagat ulit sa kanyang burger. Papasalamatan ko siya? Pano naman? Kumunot ang noo ko sa kaiisip sa sinabi niya.



"How?" Nagtataka kong tanong sakanya.



"Osige na nga. Sasabihin ko na. Pinapagselos ko kasi si Kris. Para sabihin na niya sayo." Sagot naman niya.



"Selos? Nagpapatawa kaba? Wala namang gusto sakin yun pano siya magseselos." Sabi ko, and I fake laugh.



"Yan ang alam mo." Sabi niya sabay kindat sakin. Di na ako nagsalita pang muli dahil nababaliw na ako sa mga sinasabi niya.



"I have a deal." Seryosong sabi niya sakin, habang nakatitig ng malalim sakin. Napaayos naman ako ng upo sa binigay niyang ekspresyon sakin.


"What kind of deal?" Tanong ko naman sakanya.



"Magpanggap kang Gf ko." Sagot agad niya sakin na siyang nagpagulat sakin.




"Ha! Ano namang deal yan!" Di ko na namalayang napasigaw na pala ako sa gulat at pinagtitinginan na pala kami ng mga tao. Siguro aakalain nilang magkarelasyon kaming dalawa na nag aaway dahil narinig ko pa ang ibang nagbubulungan ng.


"Ang babata pa. Pag boboyfriend ang inaautag"



Oh yeah. We know that. Pero bakit? Pag bata ka ba di ka ba pwede mag mahal? Unfair yun diba? Di ko nalang sila pinansin at hinintay ang susunod na sasabihin ni Charles sakin.




"Patapusin mo kasi ako. Tss. Calm down Okay? Papaamin natin si Kris sa nararamdaman niya para sayo. Okay ba sayo yun?"



"Papaaminin sa nararamdaman niya para sakin? Wala siyang gusto sakin." Sagot ko naman sakanya.



"Are you that dense? Lalaki ako at alam ko. Basta hayaan mo nalang akong maghandle neto." Sabi naman niya sakin. At tumango nalang ako sakanya.



Aaminin ko namang parang nabuhayan ako sa sinabi ni Charles na may gusto sakin ni Kris. Nabuhay nanaman yung mga kumikiliti sa tyan ko but half of me said that wag masyado mag assume pano pag false alarm lang pala? Odi nasaktan nanaman ako? Pero ano man ang kahihinatnan ng deal nato. Okay na sakin. Pinaka last try ko na talaga to. Promise.

Win Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon