#53 Achilles/Aphrodite

752 20 0
                                    

Pagmulat ng mga mata ko ay nasa isang kwarto na ako. Naka dextrose ang aking kamay ng tignan ko to. Inilibot ko ang aking paningin ng makitang nakaupo at walang imik ang aking mga magulang sa sofa na tila malalim ang iniisip.

Ang mga kaibigan ko din ay nakatayo at tahimik lang din.

"M-mommy, D-daddy." Mahinang tawag ko. Nanghihina ako.

Napatayo silang dalawa at agad na lumapit saakin, kasunod din ng mga kaibigan ko.

"Are you okay baby?" Nag aalalang tanong sakin ni mommy. Hinahaplos haplos niya ang aking noo. Si daddy naman ay walang kibo sa tabi ni mommy.

"I..I'm fine." Mahina kong sabi. Pinilit kong bumangon pero pinigilan ako ni Mommy.

"No..You still can't. Muntik ka ng mapahamak..at...at ng baby mo." Suminghap si mommy. "Delikado ang pinagbubuntis mo. You should bestrest." Pagtutuloy niya.

Nakatingin lang ako sakanya. Palipat lipat sa kanilang lahat na nakapalibot sakin.

"Tita, tito.. Labas po muna kami." Pag papaalam ni Marie. Tinignan ako ni Marie at malungkot na ngumiti. Tinanguan naman sila ni Mommy bago umalis.

"Mo-mom...is my baby s-safe now?" Utal kong tanong.

Halata kay daddy ang pagka disappoint niya.

"Oo. But, kailangan mong mag ingat. Buti at makapit ang baby at naidala ka agad dito sa hospital." Sagot naman ni mommy.

"Who's the father?" Walang emosyong tanong ni Daddy.

Hindi ko masagot ang tanong ni Daddy. Bigla nalang tumulo ang mga luha ko.

"D-daddy..i'm s-sorry...sorry daddy sorry m-mommy." Napahagulgol ako sa iyak.

"Shhh... Makakasama yan sa baby mo." Malumanay sa sabi ni mommy habang pinupunasan ang mga luha ko. "You're 3months pregnant. It's miracle that you're baby is still there on your tummy..please don't cry." Sinusubukan akong pakalmahin ni mommy ngunit hindi ko padin mapigilan.

"You're only 19 for God's sake Victoria. You're just a kid! Are you ready to become a mother?! You're still studying!" Hindi na napigilan ni daddy at sumabog na siya.

"Virgelio! Pwede ba! Tyaka na muna yan!" Pag awat naman sakanya ni Mommy.

"I'm....so-sorry." Sabi ko habang umiiyak padin.

Nanatili ako sa hospital ng mahigit isang buwan para mamonitor ang kalagayan naming dalawa ni baby. Hanggang ngayon ay malamig padin ang turing sakin ni Daddy.

Dinadalaw dalaw ako ng mga kaibigan ko, nagdadala sila ng kung anu-ano, minsan ay tinatanong nila kung sino ang ama ng anak ko, sinasabi ko nalang na isang lalaking nakilala ko noon. Ayaw kong sabihin ang totoo sakanila dahil malalaman ito ni Kris. Mas lalong gugulo.

Ng makauwi kami sa bahay ay sinigurado naming ok na ulit ang anghel na nasa loob ng tyan ko. Patapos nadin ang 1stsem kaya hahabol nalang ako. Buti nalang at naiintindihan ng mga professors ko ang nangyari. Alam nilang buntis ako. Nagtataka pa ang mga studyante at professors sa Lux U. Dahil wala naman silang nakikitang may kasama akong lalaki, at alam nilang hindi ako nagkaboyfriend. Nginingitian ko nalang sila.

Siguro ay alam nadin ni Kris na buntis ako at sana wag siyang mag hinalang siya ang ama ng ipanagbubuntis ko.

Matapos ang 1stsem ay napagpasyahan ko munang tumigil sa pag aaral. Mag aaral ako ulit pag ka panganak ko.


Nakaraan ang ang isang buwan ay halata na ang umbok sa aking tyan. 5months na siya ngayon. Balita ko'y nanganak nadin si Celine at isa daw tong napakagandang bata. Lumipad nadin pala sila pabalik ng Greece. Pag iniisip ko sila ay nalulungkot ako, hindi na para sakin kundi para sa batang nasa sinapupunan ko. 'Sorry anak, nasa tyan ka palang ni Mama wala ka na agad Papa' Sabi ko habang hinahaplos haplos ang tyan ko..

Unti unti namang bumabalik ang loob sakin ni Daddy. Siguro ay natanggap na niya na ito talaga yung nangyari. Pag umuuwi siya galing sa trabaho ay palagi padin akong may pasalubong na pagkain. Nakakatawa lang na itinuturing parin niya akong baby kahit na magkakababy na ako.

"Oh, malapit na ulit ang check up mo. Ayaw mo ba talagang malaman kung lalaki o babae?" Tanong ni mommy sakin habang nanonood ako ng TV..

"Ayaw ko my. Gusto ko surprise." Naeexcite kong sabi.

"May naisip ka na bang pangalan?" Tanong niya habang hinahaplos ang aking tyan.

"Uhmm..Gusto ko ng Aphrodite pag babae para Goddess of love and beauty tapos pag lalaki gusto ko ng Achilles dahil matapang siya." Sabi ko habang nakahawak saking tyan.

Ilang buwan pa ang lumipas, lumalaki nadin ng lumalaki ang tyan ko. Habang isang araw ay dinalaw ako ng mga kaibigan ko para mag food trip dito sa bahay ay bigla bigla nalang sumakit ang tyan ko. Tinignan ko sa pagitan ng aking binti ang tubig na umaagos dito.

"Ahahhhhh.....m-manganganak n-na ako!" Sigaw ko. Nataranta ang mga tao sa paligid agad akong binuhat ni Kristoff at ipinasok sa kanyang sasakyan. Nasa tabi ko si Alli at Isabella. Wala ang mga parents ko kaya tinawagan nalang nila si Marie na sumunod sa hospital.

Ganito pala pag manganganak ka. Hindi mo alam kung saan banda ang masakit. Parang halos lahat sa katawan mo masakit.

Agad nila akong ipinasok sa paanakan. Pagkatapos ng ilang sandali ay sinimulan na ang pagpapaanak sakin.

Okay lang anak kahit masakit, basta kayanin mo din ha? Kaya natin to.

Ilang ire lang ay lumabas na ang isang napacute na anghel si Achilles ko. Nakahinga ako ng maluwag ng nailabas ko na siya pero ilang saglit lang ay bigla ulit sumakit ang tyan ko.

"Ahhh! Ang sakit." Sabi ko. "Relax lang. May isa pa." Nagulat akong saglit sa narinig ko. May isa pa? Ibig sabihin kambal ang anak ko?

Ilang saglit pa ay nakarinig na ulit ako ng isang iyak na musika sa tenga ko.

"It's a girl." Narinig kong sabi ng isang nurse.

Kambal ang anak ko. Sobrang saya ko. Magmula ngayon Achilles at Aphrodite. Magkakasama na tayong tatlo at magiging masaya tayo.

Win Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon