"Victoria Margaux!" Sigaw ni Daddy
God! I'm dead!
"D-dad!"
"Ano to ha? Anong ginagawa niyo? Ang babata niyo pa!" Sigaw ni daddy. Pulang pula ang kanyang mukha na tila'y sasabog na sa sobrang galit. Lagot!
"D-dad! Calm down please. Nasa labas tayo ng bahay baka may makakita sainyo." Sabi ko naman sabay lapit sakanya.
"Yun nga eh. Nasa labas kayo, pero ganyan yung ginagawa niyo!" Sabi naman ulit ni Daddy. Naku pano ba to ngayon. Tsk!
"Sir. I'm sorry. It's my fault." Malumay na sabi naman ni Kris. Ni hindi manlang ata siya nasindak kay Daddy.
"Yes it's your fault. Victoria! Pumasok ka na sa loob!" Sabi ulit ni Daddy.
Tinignan ko si Kris. Nag nod lang siya "Ako ng kakausap sa daddy mo. Don't worry. Pumasok kana."
Pumasok naman ako agad. Nagmadali akong pumunta sa kwarto ko para madungaw sila sa bintana. Nakita kong nag uusap sila at kinakabahan na ko. Ano kayang pinag uusapan nila?
Makalipas ang 30mins. Narinig ko na si Daddy sa harap ng kwarto ko. Kumakatok siya.
"Victoria. Can we talk?" Malumay na sabi ni daddy. Pinag buksan ko naman siya ng pinto at pumasok sa kwarto ko. Nakayuko lang ako sa harap niya.
"I'm sorry Dy." Tangi kong nasabi sakanya.
"Ang bata niyo pa Victoria." Sabi ni Daddy sakin.
"Alam ko naman po yun Daddy. Pero...Pero kasi hindi ko naman po mapigilan tong nararamdaman ko eh. I'm sorry po." Sabi ko naman sakanya.
"Nagkausap kami" Sabi naman niya.
"A-ano pong pinag usapan niyo Dad? Wag niyo naman po sana kaming ipag layo sa isa't isa Dad. Please?" Hindi ko kaya eh. Shizzz! Wag naman sana.'
"Hindi ako gaya ng iniisip mo anak. Hindi ko naman kayo ipaglalayo sa isa't isa eh. Ang gusto ko lang naman malaman mo kung ano yung mga limitasyon mo. Bata pa kayo Anak. Marami pang mangyayari sa inyo."
"Thanks Dad. Sorry po talaga di na po mauulit." Natuwa ako sa sinabi ni Daddy. Akala ko the end na kami ni Kris.
"Wag mo sanang ibuhos lahat ng pag mamahal mo sa kanya. Mag tira ka para sa sarili mo. Hindi mo alam kung anong mangyayari kinabukasan. Sabi ko nga madami pang mangyayari. Ayaw ko lang na masaktan ka. Kung masaya ka sakanya. Bakit ko ibabawal yun? Hindi ako ganon anak. Dumaan din ako sa edad niyo kaya naiintindihan ko. Ang sakin lang ayaw kong masaktan ka. Lahat ng mangyayari sa inyo, ikwento mo sakin. Okay ba yun Margaux?"
BINABASA MO ANG
Win Him Back
Aktuelle Literatur"Lahat gagawin ko. Mapatawad at balikan mo lang ako." -Victoria Margaux Calibre "Lahat gagawin ko. Maipamukha ko lang sayo kung ano ang sinayang mo." -Jared Kristian De Lima