#6 True feelings

681 56 5
                                    

"You."

Eto nanaman yung mabilis na tibok ng puso ko. Hindi ko mahanap yung mga salitang gusto kong sabihin sakanya. Namagnet lang talaga yung mga mata ko sa mga mata niya. anong ibig niyang sabihin? Na ako yun? I'm such a dense ba talaga?


"A-ako? Y-you mean me?" Sabi ko sabay turo sa sarili ko.


"Uhmm..Yeah" Sabi niya sabay yuko. Oh my God. Ako?


"You love me?" Tanong ko ulit sakanya.



"Yes." Maikling sagot niya. Bakit ngayon niya lang sinabi sakin? Bakit kailangan pa niyang patagalin?


"I thought you despise me......A lot" Sabi ko naman sakanya na siyang nagpaangat ng mukha niya at tumitig sakin.


"You know why? Because everytime I want to do a move palagi mo akong inuunahan. Everytime na gusto kong sabihin na gusto kita palagi kang nauuna. I want to do those efforts you've done before. I wanna make surprises, I want to court you pero inuulit mong sinisira yung mga gusto kong gawin kasi palagi kang nauuna. Ayaw ko ng ganon. Gusto ko akong gumagawa ng mga bagay na ginagawa mo. Kung alam mo lang."



Pagkatapos niyang sabihin yun ay para akong nanlambot. Yung tipong parang naging jelly ace yung mga tuhod mo. Yung pagtibok ng puso mo na tila parang may nagkakarerang kabayo sa sobrang bilis at lakas. Di ko nga alam kung naririnig niya e. Feeling ko ako na ang pinakamasayang nilalang sa mundo.

God I love him. Kahit na hindi pa ako ganon kamatured para malaman ang mga bagay bagay na to. Isa lang ang alam ko gusto ko siya, gustong gusto ko siya.


"Kris...." May sasabihin pa sana ako sakanya ng biglang bumukas ang pinto ng theater.



"My God! Are you alright?" Si Charles. Ng nilipat niya ang tingin sa taong katabi ko at napalitan ang mukha niya ng galit na ekspresyon.


"Anong ginawa mo sakanya!" Sabi nito at kinwelyuhan si Kris.



"Charles. Wala siyang ginagawa." Hinawakan ko ang kamay niya para kumalma siya.


"Lets go" Sabi niya at hinila na ako palabas. Until now shocked padin ako sa mga inamin sakin ni Kris. Matagala na pala niya akong gusto. At ako pala ang dahilan kung bakit di niya masabi sabi ito noon.



Nandito na pala kami sa shed. Di ko namalayan dahil sa nakatuon padin ang isip ko sakanya. Gosh! It was so sudden. Akala ko mapapatagal pa bago siya umamin.


"Vic! Vic!" Tawag sakin ni Charles na siyang nagpabalik sa ulirat ko.


"A-ah? Ano? B-bakit?" Tangi kong natanong sakanya.


"Earth to Vic." Sarkastiko pa niyang sabi. "Kanina pa kita tinatanong kung bakit dadalawa lang kayo ni Kris dun. At bakit nakalock? Gabi na baka pagalitan ka sainyo." Pag-alala niya.


"Nalock'an kasi kami. Di ata napansin ng mga guards na may tao pa sa loob ng theater." Sagot ko naman sakanya.


"Uhmm. Ihahatid na kita." Tangi niyang sabi.


Ng makasakay kami sa taxi ay hindi na siya nagsalita pa. Tinitignan ko ang ekspresyon ng kanyang mukha na tila'y may malalim itong iniisip. Ano naman kaya yun?


"Inamin na niya." Pagbasag ko sa katahimikang namamagitan saaming dalawa.


"So you don't need me anymore?" Seryosong tanong niya.

"Were friends Charles. Ano kaba." Irita kong sagot sakanya.



"Yun nga e Vic. Hanggang friends lang." Sabi niya. Malungkot ang ekspresyong pinakita niya sakin.


Hindi ako nakahanap ng salitang pwede kong sabihin sakanya. Kung sana di ako pumayag sa deal namin na magpanggap na girlfriend niya e. Di ako aware na baka masaktan ko siya. I'm not that dense alam kong may special na nararamdaman sakin si Charles at parang isinantabi ko lang yun at mas pinahalagahan ko yung nararamdaman ko. Di ako nag iisip. Ang tanga tanga ko. My God.


Di ko namalayan na andito na pala kami sa harap ng bahay. Napansin ko nalang ito ng binuksan ni Charles ang pinto. Ibang ibang Charles ang nasa harapan ko ngayon. Seryosong seryoso.


"Vic pumasok kana sa bahay niyo." Sabi niya pagkalabas ko sa taxi.

"Charles......." Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng nagsalita siya.

"Goodnight Victoria." Sabi niya sabay sakay sa taxi at umalis na. Naguiguilty ako. Bat di ko inisip yun? Na may masasaktan ako? Ang selfish ko. Hay..


Pagkadating ka sa bahay ay mga katulong nalang ang naabutan ko. As usual busy nanaman sila mommy at daddy. Hay parang di na nga kami nagkikita kahit na iisang bahay lang yung inuuwian namin e.


Dumaretso na agad ako sa kwarto nagshower at nagbihis. Pagkahiga ko sa kama ay inopen ko ang facebook ko. Pampaantok ko na kasi yung ganito.


Scroll lang ako ng scroll ng nabasa ko ulit ang post ni Jared.

Jared Kristian post a status 2minutes ago.

"I made it."
56likes 13comments


I think yung pag amin niya kanina yung tunutukoy niya sa post niya. Naiisipan ko din tuloy magpost.


"I was shocked."


Ilang minuto lang nilike agad ito ni Kris. First time.


Ilang sandali pay naalala ko ulit si Charles kaya naisipan kong itext siya.

Sent to:Poging Charles

Hi Charles. Nakauwi kana? Nagtatampo kaba sakin? Textback.


Ilang minuto pa akong naghintay ng nagreply na to.


From:Poging Charles

Hindi.


Ang dry naman magreply. Tsk.


Sent to:Poging Charles

Nakauwi kana? Thank you sa paghatid kanina ha? Di aki nakapagthank you sumakay ka agad sa taxi e.

From:Poging Charles

Oo.


Yun lang? Wow ha! Ang dry. Napagpasyan kong wag nalang siyang reply'an baka kasi sabihin niyang ang kulit ko e.


Akala ko ay nag text pa siya ng nagbeep ang phone ko pero mali ako.


From:Unknown

Hi. Magpapractice tayo sa bahay bukas if you like.


Alam kong si Kris to. Kaya nireplyan ko at sinave ko na yung number niya. First time again.

Sent to:Kris

Okay. See you at school. Doon nalang tayo magkita. 9am

From:Kris

Yea sure. Good night Vic. :)


Anong meron? With smiley talaga? Di ko maiitatangging ang saya ko. Dahil sa pag amin niya pero at the same time naguiguilty ako. Hay.. Ang hirap naman nito.


Napagpasyahan kong matulog na. Dahil nakakapagod talaga ng araw na to. Pahinga ka muna heart. Okay? Kalma muna. May bukas pa.

-------

So. What do you think? Boring ba? Hahahaha! See ya till next chappy.

Win Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon