9pm nadin pala ako nakauwi. Buti nalang at di ako pinagalitan ni Mommy. Busy kasi siya sa office niya.
Pagkaakyat ko sa kwarto ko, naghalfbath muna ako bago mahiga sa kama.This day is so tiring. Hayy! I want a deep sleep pero di naman makukumpleto ang gabi ko pag di ako nakakapagFB. Ng makahiga ako sa aking kama ay kinuha ko ang Itouch ko at humiga na sa kama ko. Ni-log in ko ang aking FB acc. At agad na bumungad sakin ang mga picture nila Lea na umiinom ng San Mig. Tong mga batang to. Ang babata pa ganyan na inaatupag. Tss! Makukutos ko talaga tong baklang to bukas I swear.
Scroll lang ako ng scroll ng biglang napatigil ako sa simpleng status na nakita ko sa newsfeed ko. Status ni Kris.
"I hate this feeling."
20mins. Ago 257likes 567comments
Ang famous nitong lalaking to a. Dahil sa chismosa ako ay tinignan ko ang mga nagcomment sa status na. Yes were friends. Sa facebook nga lang. Ang nice diba?
Charles Jacob Aguerre: Amin amin din kasi. Hahaha! Ayan tuloy mapupunta na sakin.
Vonn Jim Canlas: Torpe kasi e. Tss!
Jared Kristian De Lima: Fuck you! ./.
At madami pang comments. Totoo nga ba talagang may gusto siya sakin o assumerang di hamak lang talaga ako? Mapapaamin din kita Kris. Tignan lang natin.
Palapit na ng palapit ang Intrams kaya naghahanda na kami ngayon. May mga busy sa pag pa-practice ng kung anu-anong sports, nag pa-practice ng cheering squad, at sa pageant. Ako? Wala saling pusa. Di naman ako mahilig sa sports. Magaling ako sumayaw pero mahiyain ako (medyo) Hahaha! Pageant? Di naman ako maganda sa tingin ko.
Habang nagpapractice ang lahat ay ako naman ay gumagawa lang ng props mag-isa dito sa room.
Habang gumagawa ako ng pompoms ay biglang pumasok si Ma'am DelaCruz ang amin adviser.
"Hi po Ma'am." Bati ko habang nakangiti sakanya.
"Hi. Vic pumunta ka ngayon sa theatre para sa practice." Sabi niya na siyang nagpakunot ng noo ko. Wala naman akong sasalihan e.
"Taga gawa lang po ako ng props Ma'am." Sagot ko naman sakanya.
"May Chicken fox si Amy. Kaya hindi siya makakasali sa pageant. Walang representative ang section natin. So please?" Sabi niya sakin gamit ang kanyang malumanay na boses. Sinong di makakatanggi sa mabait na teacher na to. Hay.
"Uhmm...Try ko po Ma'am." Sagot ko naman sakanya.
"Thank you. Go. Punta ka na theatre." Sabi niya habang nakangiti. At sinunod ko na siya agad at pumunta na sa theatre.
Pag karating ko, agad nagtinginan ang mga kasali sa pageant at iba pang nanonood na mga estudyante na andun. Marami akong narinig na bulungbulungan sakanila pero di ko nalang pinansin. Talagang sasali padaw ako sa pageant para lang mapansin si Kris. Desperada nadaw talaga ako. Tss. Whatever. Di ko naman ginusto to e.
"Oh andito kana pala, Kris si Vic na yung makakapartner mo sa pageant. Okay?" Sabi ng isang subject teacher namin. Nagulat akong si Kris pala ang magiging kapareha ko. Shit naman. Kung tinanong ko sana kay Ma'am Dela Cruz edi wala sana ako ngayon dito. Ang shunga mo Victoria!
"Kay." Tanging sagot niya. Napaka suplado talaga. Yabang pa. :3
Nagsimula na kaming magpractice rumampa. Nakheels nadin ako. Dinala ito ng mga super bff's kong si Marie at Lea. Odiba? Supportive Best friends? Kaya love na love ko yang mga yan e. Buti naman daw at medyo magaling ako maglakad kahit daw hindi ako ganon katangkad, lumilitaw padin ako dahil sa aking pustura.
Ilang bese lang ay nagsimula na kaming magpractice ng aming i-prepresent na sayaw. Okay mapapakita ko dito yung dancing skills ko. Hehe!
Nagsimula ng magturo ang bading na choreo namin.
"Okay sa likod ng mga lalaki ang mga babae!" "Humawak kayo boys sa bewang ng mga babae!" Oh no! Ano daw? Baka mahimatay ako dito. Shit naman God. Di ako nakapagprepared. Ganito pala yung sayaw. Gigiling kami habang nakawahak yung mga lalaki sa bewang namin. Simpleng kendeng lang naman hindi naman mukhang bastos kahit papano. Meron pa kaming step na may E-eye to eye kami. Buti naman at nakakasurvive ako sa titig niya. Pag nga tinititigan ko yung mga mata niya hindi na galit ang nakikita ko, May something sa mata niya ngayon na hindi ko maexplain yung tipong gusto mo nalang itong tignan dahil napapaisip ka kung anong tumatakbo sa utak niya sa mga minutong yun. First ko lang siyang nadikitan ng ganito. Achievement ba to?
Pagkatapos ng practice ay nagsimula ng mag alisan ang mga nasa Theatre. Habang pababa ako sa hagdan ay di ko na napansin na may bagay pala akong natapakan sa may hagdan kaya na-out of balance ako, Napapikit nalang ako at hinihintay na bumagsak sa sahig pero sa di inaasahan, Nasalo ako ni Kris. (Dubdubdubdubdbudbudbudbud) Slowmotion mode. Yung buhat niya sakin ay parang yung pang bagong kasal. Nung napatitig ako sa mga mata niya ay bigla nalang bumagal ang lahat ng nasa paligid, yung tipong parang ang hirap huminga. I love this feeling.
"Minsan try mo din mag ingat." Biglang sabi niya na siyang nagpabalik sa aking ulirat.
"I'm so-sorry. Ibaba mo na ako." Tanging nasabi ko sakanya.
Ng ibaba niya ko ay sinubukan kong maglakad pero natumba lang ako. Di ko napansing namamaga na pala ang isang paa ko dahil sa natapakan ko. Naku pano na yan. 1week nalang intrams na.
"Careless. Tss!" Sabi niya sabay buhat ulit sakin.
"I think you can't walk. Ihahatid na kita sainyo." Oo na sana ako ng maalala kong si Charles nga pala ang mag hahatid sakin at malamang naghihintay na yun.
"A-ahh. Si Charles ang maghahatid sakin. Thank you nalang." Sabi ko naman pabalik sakanya.
"Anong meron sa inyo ni Charles?" Tanong niya na siyang nagpagulat sakin. Why? Bakit mo tinatanong yan. Nagseselos kana ba? I can't help not to smile.
"Oh? Bat ngumingiti ka jan?" Iritang tanong ulit niya sakin.
"E bakit gusto mong malaman?" Tanong ko naman pabalik sakanya.
Matagal niya akong tinitigan na parang nag aalinlangan sakanyang sasabin. Kris sabihin mo lang na gusto mo ako. Sayo na ako.
Ang landi ko na ata. Haha! But I can't help it. Pwede naman yun diba? Yung makaramdam ka ng love kahit bata kapa? Si Romeo at Juliet nga 12years old lang sila e. E ako 15 na.
"Because I want you......."
"H-ha? A-no?" Excited na tanong ko sakanya.
"Because I want you to tell me what's going on between you two. Kung ayaw mo di wag. I'm just askin' any way." Mabilis na sagot niya sakin.
It hurts. Okay na yung 'I want you' e. Dinagdagan pa niya. Hay nako. I'm so disappointed. Di naman ata siya nag seselos e. Di naman ata effective yung sinasabi ni Charles.
"Ibaba mo na ko jan sa upuan. Nangangawit ka na ata. Hihintayin ko nalang yung boyfriend ko." Sabi ko sakanya na nagpatigil sakanya sa pag lalakad.
"B-boyfriend? Si C-charles?" Utal niyang sabi sakin.
"Uhmm...Yup." Tignan natin yang hangganan mo.
"O-okay." Yun nalang ang tangi niyang sinabi sakin at nilapag na nga ako sa upuan malapit sa pintuan ng Theatre at agad na siyang umalis ng walang pasabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/46191550-288-k634071.jpg)
BINABASA MO ANG
Win Him Back
Ficción General"Lahat gagawin ko. Mapatawad at balikan mo lang ako." -Victoria Margaux Calibre "Lahat gagawin ko. Maipamukha ko lang sayo kung ano ang sinayang mo." -Jared Kristian De Lima