#44 Sinaktan Ulit

673 37 0
                                    

Pagkagising ko ay mukha agad ni Kris ang nakita ko. Kompleto na araw ko. Payapa siyang natutulog sa tabi ko at medyo nakabuka ang bibig. Siguro ay pagod na pagod siya kagabi.

Ipagluluto ko siya ng breakfast ngayon. Siguro naman ay kakainin na niya ito.

Dahan dahan akong tumayo sa aking kama, pumunta ako sa banyo para maligo.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay dumeretso na ako sa kusina para magluto. Hotdog, Bacon at Sunnyside up egg. Ang iluluto ko para saming dalawa.

Habang nagpiprito ay may mga brasong pumulupot sa katawan ko.

"Ano yang niluluto mo? Hmmmm...Bago naman." Sabi niya. Sa boses niya ay halatang kagigising palang niya.

"Tapos na to. Tara na sa table?" Pagyaya ko sakanya.

Ngumiti ito sakin at tinulungan akong dalhin ang iba pang plato na may ulam sa mesa.

"Kamusta ang tulog mo?" Tanong niya habang tumutusok ng hotdog.

"Okay lang. Mahimbing ang tulog ko." Sabi ko. "Ano palang nangyari kay Gavin kagabi?" Paghabol ko.

"Pinadampot ko sa guards. Sabihin mo sa Daddy mo yun."

"Uhmm..Wag na. Mag aalala lang sakin sila Mommy tyaka siguro he learned his lesson na." Sabi ko.

"Ano ka ba Vic. Paano kung narape ka kagabi! Fvck." Irita niyang sabi.

"Eh dumating ka naman eh." Sabi ko sakanya. Hinawakan ko ang kamay niya. "Kalimutan mo na yun." Sabi ko at nginitian siya para ipakita sakanyang okay lang ako.

"Pano pag natyempuhang wala ako?" Bakas sa boses niya ang pag aalala.

"Kakayanin ko. Kakayanin ko ulit pag wala ka." Makahulugang sabi ko.

"Hindi mo naman ulit ako iiwan diba?" Tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko.

"Kris.....Paano si Celine?" Sabi ko.

"I knew it. Iiwan mo din ulit ako."

"Hindi ganon Kris. Iniisip ko pano si Celine? Mahal na mahal ka niya."

"Ikaw? Mahal na mahal mo din naman ako diba?" Sagot niya.

"Oo. Mahal na mahal." Sagot ko.

"Ayun naman pala eh. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal mo ako. Pero bakit parang sinasabi mong hindi tayo pwede?" Tumayo siya, tumalikod siya sakin at tumingala.

"Kris, ayaw kong may iba pang masaktan ng dahil saakin. Ayaw kong may umiyak pa ng dahil sakin." Tumayo ako at Lumapit sakanya.

"Nitong nakaraan lang pinipilit mo ako. Tapos ngayong andito ako, andito sa harap mo babawiin mo?"

"Dahil hindi ko alam na may Celine. Please Kris make your life happy. Don't close your door. Celine is a good lady. She's good for you." Hinawakan ko ang braso niya.

"Ngayon naman pinapamigay mo ako?" Sabi niya. Humarap siya sakin.

"Pinapamigay kita kasi mas karapat dapat siya sayo kesa sakin." Lumandas ang mga luha sa mga mata ko. Ang sakit sabihin ng mga to sakanya. Pero kailangan eh. Ayaw kong maging unfair

Alam kong matutunan din ni Kris si Celine na mahalin. Siguro it takes time lang talaga. Kay Celine safe siya hindi siya masasaktan.

"Ang daya." Sabi niya. Nanggigilid ang mga luha sa mga mata niya.

"Please Kris. Just try. Try to love her. Give her a chance." Sabi ko habang patuloy pading dumadaloy ang mga luha sa mga mata ko.

"Okay. I will..for you I will." Sabi niya at niyakap ako.

Win Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon