#14Tears of Sadness&Happiness

567 48 8
                                    

"Uyyy ah! Bati na sila. Aruuuuuyyy!" Tili ni Lea. Nakita niya kaming naglalakad na magkahawak kamay papunta sa room. Monday na at tapos na ang Intrams. Naging okay na kami ni Kris. Mas naging sweet na kami sa isa't isa ngayon matapos naming mag usap sa room nung last day ng intrams. Pinapakita niya sakin kung gano niya ko kamahal at kung gano niya ayaw akong mawala sa kanya. Thank you po papa God, sa edad kong to binigyan mo na ko ng napakagwapo, napakabait, napakasweet na boyfriend. Yeeee! Kinikilig talaga ako.


"Syempre. Girl. Inggit much?" Biro ko naman kay Lea.

"Tse manahimik ka nga Vic. Makabalik na nga sa upuan ko." Sabay irap sakin. Haha! Ano ka ngayon bakla? Kahit ginaganyan ko yan mahal ko yan.

Magkatabi na kami ng upuan ni Kris ngayon. Dahil sa nak a alphabetical kami. Letter D siya Letter C ako. O diba? Destiny? Di ko nga alam eh. Bat ngayon pa  inarranged yung seat seat plan eh 2months nalang summer break na namin.

"Gf bat ka nakangiti?" Tanong sakin ng boyfriend kong pogi. Nakaupo na kami ngayon sa upuan namin.

"May iniisip lang ako bf." Sagot ko naman sakanya.

"Sus. Ano ba naman yan gf. Kasama mo na nga ako iniisip mo padin ako. Magpahinga ka naman muna." Sabi niya sabay kindat sakin. Naku,ang yabang talaga ng boyfriend ko.

Pagkatapos ng klase namin ay dumiretso na ko sa cafeteria para kumain. As usual mag isa ko ulit. Busy si Lea para sa dance troop niya. Isa kasi siya sa mga magagaling dun. Si boyfriend naman nasa gym. May meeting daw ang varsity ng basketball. Si Marie kaya nasaan?

Ay teka,nakalimutan ko yung book ko sa susunod na subject kaya imbes nasa cafeteria ang punta ko dumaan muna ako sa locker para sana kunin yung book.

Ng makarating ako sa may narinig akong nag uusap ayaw ko sanang mag eavesdrop kaso di ko napigilan. Bakit sila nag uusap close ba sila? Kumunot ang noo ko. Lumapit pa ko ng konti para marinig silang dalawa. Ang tsismosa ko ba? Haha!

"Marie naman eh. Bakit ba ayaw mo nalang sabihin sa kanilang tayo na?" Oh my God! Sila ni Vonn?

"Na-nahihiya kasi ako eh." Sagot naman ni Marie habang nakayuko at pinaglalaruan ang mga daliri.

"Bakit kinakahiya mo ko ha! Ano ba yan! Si Kris at Vic. Lantaran na nilang pinapakita sa lahat na sila na. Pero bakit ikaw! 6months na tayo!" Halata sa mukha ni Vonn.

6months? Bakit di manlang sinabi samin ni Lea?

"Ka-kasi, ang alam nila good boy yung mga tipo ko. At natatakot ako sa mga nagkakagusto sayo. Magagalit sila. Alam mo namang ayaw ko ng atensyon diba?" Sabi naman ni Marie.

Yun lang kinakatakot niya? Si Marie kasi yung tipong tahimik lang sa isang tabi. Samin lang talaga siya maingay. Palagi din niyang sinasabi na hinding hindi daw siya mag kakagusto sa mga bad boy. Eto kasing si Vonn. Malala eh. Ang bata pa pero kung mag bisyo sobra. Laman din siya ng guidance office dahil sa mga rumble na sinasalihan niya. So nakakapagtakang nagkagusto ang kaibigan ko sakanya.Pero matagal na din niyang tinigil yung mga bisyo niya. Yun ang alam ko. Puro kalokohan nalang yung ginagawa niya pero di na siya nakikipag away. Kaya siguro tinigil niya na dahil sila na noon. Mas nauna pa sila samin ni Kris. So totoo nga na Good girls falls to a Bad boy?

"Naman eh! Ayan ba! Yang lang yung dahilan mo! God Damnit! Nagbago na ko! Hindi mo padin makita?! Ang gusto ko lang naman sana yung kahit konti lang, konti lang na ipakita mong proud ka ng boyfriend mo ako. Pero wala eh! Naghintay lang ako sa wala! Inaalala mo yung mararamdaman ng ibang tao! Pero pano ako? Pano naman ako? Ginawa ko na lahat Marie. Siguro hanggang dito nalang to. Mahal kita. Pero nasasaktan din ako. Nasasaktan akong isipin na itinatago mo ko sa ibang tao. Kahit kila Vic at Leo lang eh. Okay na ako. Kahit papano masaya na ko. Pero wala eh. Wala! Tama na siguro. I'll set you free." Halata sa mukha ni Vonn ang kalungkutan, galit at pag kakadismaya. Sinuntok niya ang isa sa mga locker. Tinalikuran niya si Marie at umalis.

Umiiyak lang si Marie. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya oh hindi. Napagpasyahan kong pumunta nalang muna sa cafeteria. Siguro kailangan niya munang mag isa.

Umorder lang ako ng shake. Di na tuloy ako nakakain dahil sa dalawang yun. Ang di ko maintindihan bakit di samin sinabi ni Marie. Kaibigan niya kami at kung san siya sasaya dun din kami. Ayaw ko siyang kausapin tungkol dun. Mas maganda na yung siya mismo ang magsabi samin. Kaya hihintayin ko nalang yung araw na sasabihin niya samin.

Boyfriend<3

Where are you Gf?


Nagtext si Bf. Kilig ako agad doon. Haha! Grabe yan lang sinabi niya pero kinikilig na ako.

Me:

Cafeteria. Pupunta ka dito?

Boyfriend<3

Hindi eh. Hintayin nalang kita dito room. Wala si Ma'am Alacon. So wala tayong last subject. Matagal kapa?

Ayy. Di siya pupunta? Tskk. Hindi ko na siya nireplyan. Tumayo na ko at naglakad na pabalik sa room. Ng malapit na ako sa room ay nakita ko ang isa sa mga kaklase ko sa labas na tumakbo agad sa loob ng room at sumigaw ng

"Andyan na siya! Dali!"

Tumingin ako sa likod ko. Akala ko nasa likod ko si Ma'am Alacon. Kaso wala. Linya yun ng mga kaklase ko pag padating na ang teacher.

Ng nasa pinto na ko ng classroom ay blinind fold nila ako.

"Hoy! Ano to!" Sigaw ko sa nagblind fold sakin dahil sa gulat ko. Hindi sila nag salita. Tumatawa lang sila. Yung tawang kinikilig. Anong meron?

Pinaupo nila ako sa isang upuan. Ang alam ko sa teacher's chair to. Sa harap. Ilang sandali lang ay tinanggal nila ang panyo sa mga mata ko. Nagulat ako sa nakita ko.

I LOVE YOU SO MUCH GF!

Hawak ng mga kaklase ko ang isang malaking tarpaulin. Pagkatapos ay may nag patugtog ng Crazy. Yung kinanta namin ni Kris nung pageant. Isa isa nila akong binigyan ng roses.


Napaiyak naman ako dahil sa sayang nararamdaman ko. Mahal na mahal ako ng taong mahal ko. Alam ko yun. Sa mga ginagawa palang niyang efforts ay napatunayan ko ng mahal niya talaga ako. Sinong mag aakala na magiging Boyfriend ko yung dating crush ko na ni hindi manlang ako pinapansin? Feeling ko ako na ang pinakamasayang babae sa mundo.

Unti unting lumapit sakin si Kris. Nakangiti lang siya sakin. Ng makarting siya sa harap ko ay ibinigay niya sakin ang isang napakagandang bouquet at isang napakalaking teddy bear. Okay heart kalma lang. Pero di kaya eh. Mas lalo nanaman akong naiyak dahil sa ginawa niya.


Itinayo niya ako at niyakap. Nag "ayiiiih" naman yung mga kaklase ko saming dalawa.

"Gustong gusto kitang nakikitang nakikitang umiiyak dahil masaya ka." Sabi niya sakin habang nakayakap padin sakin.

"Th-thankyou boyfriend." Tangi kong nasabi sakanya. Sa sitwasyong ganito mas gusto ko nalang wag magsalita at damahin nalang yung mga nangyayari ngayon. Kaya pala di siya pumunta ng cafeteria pagkatapos ng meeting nila dahil dito. Ano kayang ginawang kabutihan nung past life ko at nangyayari ito sakin.


"Finally. Nagawa ko din lahat ng to. Alam mo bang noon pa gusto ko ng gawin sayo ang mga bagay na to? Inuunahan mo kasi ako eh." Sabi niya sabay tawa ng mahina. "Mahal na mahal kita Victoria. Lahat gagawin ko para sayo. Lahat ng iuutos mo gagawin ko. Sayo lang talaga ako nag kaganito. I love you so much Gf"

"I love you so much Bf. Wag mo akong iiwan Kris ha?" Sabi ko sakanya.


"Iiwan? Di ko magagawa yun. Para nadin akong nag suicide pag ginawa ko yun."

Hinalikan niya ako sa aking noo. At sumayaw sa saliw ng musikang pinapatugtog nila.

I'm doing everything that I can.

---

Yeeehhh! Kinilig ako dito. Haha! Please vote and comment.

Win Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon