Maaga akong pumasok sa school. Last day na ng intrams ngayon. Di ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Para akong natalo sa isang laro kahit di naman ako naglaro, para akong nilalagnat pero wala naman akong lagnat. Parang di ko na nararamdaman yung mga kabayo sa dibdib ko. Feeling ko namatay na sila.
Ng makarating ako sa room ay walang tao ni isa. Ito naman yung gusto ko yung walang tao para makapag isip isip ako kung ano ba dapat yung gawin ko. Kung papakinggan ko ba yung explanations niya. Kung maniniwala ba ako sa mga sasabihin niya.
Kagabi pa siya kahapon pa siya tawag nag tawag pero di ko ito pinapansin. Naka 134 messages din siya. At ngayon ko palang binuksan.
Girlfriend! Please talk to me.
Please! We need to talk.
I love you so damn much. I'm sorry.
Kahapon lang ulit ako uminom, kasi nasaktan ako. But I guess mas nasaktan kita.
Wala kaming something ni Violet she's just a friend. Please talk to me.
Wag namang ganito oh. Mawawala ka ba agad sakin?
Are you still mine girlfriend?
Di ko na binuksan ang iba pa niyang messages. Eh kasi paano, nabuhay ulit yung mga kabayong nasa dibdib ko. Para ulit silang nagkakarera sa loob ko. Di ko namalayang may butil ng luha na pumatak na pala sa mga mata ko ng di ko namamalayan.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang lalaking mahal ko? Oo siguro pag-ibig na talaga to.
Nakita ko ang kanyang mukha na may malungkot na expression. Halata ko din sakanya na tila pagod na pagod siya dahil sa pawis sa kanyang noo.
"P-please. Let us t-talk." Naghahabol ng hininga niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Win Him Back
General Fiction"Lahat gagawin ko. Mapatawad at balikan mo lang ako." -Victoria Margaux Calibre "Lahat gagawin ko. Maipamukha ko lang sayo kung ano ang sinayang mo." -Jared Kristian De Lima