Matapos ang blood transfusion ay nakahinga ako ng maluwag. Hindi padin nagsisink in sakin ang lahat lahat. Parehas kami ng dugo ni Achi. Ibig sabihin anak ko nga talaga. Una ko palang siyang nakita sa grocery sa mall ay iba na ang pakiramdam ko sakanya. Yun naman pala ay dahil Anak ko siya.
Naisip ko nadin noon yun. Baka ako ang Tatay ng anak ni Vic. Dahil noong mga panahong yun ay ako ang kasama niya. Hindi ko lang alam kung bakit hindi niya sinabi sakin. May lungkot ay galit akong naramdaman. 7 years. 7 years akong nag alaga ng batang hindi ko naman anak samantalang ang mga tunay kong anak ay nangungulila sa pag aaruga ng isang ama. And I hate Victoria for doing that.
Pumasok ako sa kwarto ng anak ko. Payapa siyang natutulog. Sana maging Okay na siya. Si Victoria at si Aphy naman natutulog sa sofa. I sighed.
Unti unti ay nagising si Victoria. "K-Kris." Mahinang tawag niya. "Mag usap tayo sa labas." Malamig kong tugon sakanya at nauna ng lumabas. Ilang saglit pa ay sumunod na din siya sakin.
"K-Kris. I...I'm sorry." Nakayuko siya habang sinasabi ang mga to. "Bakit mo nagawa yun sakin Vic?" Tanong ko. "Tumingin sa sakin!" Sigaw ko. I don't want to hate her pero pag naiisip ko ang ginawa niya ay hindi ko mapigilan ang sarili ko.
"Because that time you have Celine. At mag kakaanak kayo." Sagot niya. "Ayaw kong masira ang pamilya niyo." Paghabol niya. "Kaya yung satin ang sinira mo! Hindi mo ba nakita kung pano nangulila yang mga bata sa ginawa mo! Bakit hindi mo sinabi noon!" Sigaw ko ulit. Ang sakit sobra. "I'm s-sorry." Nag simula na siyang umiyak. "Mababalik ba ng sorry mo ang pitong taong ninakaw mo sakin ha! Bakit mo ginawa yun!" Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya bumuhos nadin ang kaninang luhang pinipigilan ko.
Pumasok ako sa loob at pumunta sa tabi ng anak kong si Aphy na natutulog. Unti unti ay iminulat niya ang kanyang mga mata at ngumiti sakin. "Can you be my Papa?" Tanong niya.
"He is your Papa." Sagot naman ni Vic ng makapasok sa loob. "Talaga Mama? Siya ang Papa namin ni Achi? You mean he's the one who planted seed on your tummy?" Natawa ako sa sinabi niya. Ang tatalino talaga ng mga batang to. "Yes. Ako ang nagtamin sa tummy ng Mama niyo. I planted Achi and Aphy." Kiniliti ko siya. Now my life is complete.
Ilang saglit pa ay dumating ang mga kaibigan namin. Halata sa mukha nila ang gulat. Siguro ay nagtataka sila kung bakit andito ako ngayon.
"Mga Ninong ko!" Tumakbo si Aphy papunta sa kanila. "Alam niyo...meron na akong Daddy!" Pumapalakpak siya. "Ha? Nasaan baby?" Tanong naman ni Vonn. "Ayun oh." Turo niya sakin. "He's more handsome than you all." Sabi niya.
Napatitig silang lahat sakin at tila ay nagtatanong. "You heard my daughter. I'm the Papa." Sinagot ko sila. "Pucha! Ano? Di kita maintindihan...Bakit...Paano?" Si Sanford. Nakatingin naman sila kay Vic na nasa tabi ngayon ni Achi. "Just like my daughter said. I'm the one who planted seed on Vic's tummy."
Parang hindi sila makapanila sa kanilang narinig. Kahit naman ako ay hindi padin ako makapaniwala na tatay na pala talaga ako at totoo na talaga to.
Ang dami nilang tanong saaming dalawa ni Vic. Tulad ng magkakabalikan paba kami oh kung anu-ano pa. Ngayon ay ang priority ko ay ang mga anak ko. Wala ng iba.
Makalipas ng ilang linggo ay pwede ng iuwi si Achi. Napagdesisyunan kong sa bahay muna sila titira at pumayag si Vic doon. Gusto ko din ipakilala sila kay Mommy at Daddy.
Ng makarating kami sa bahay ay agad hinanap ng mga mata ko ang mga magulang ko. Nasa dinning room pala sila at kumakain na ng pananghalian.
"Kris...Anak! Buti naman at naisipan mo ng umuwi." Niyakap ako ni Mommy at hinalikan sa pisngi. Si Daddy naman ay yumakap din sakin.
"Papa! Your house is so big!" Tumakbo si Aphy saakin. "Aphy! You're so malikot." Si Achi naman na sumunod sakanya.
"Hi po." They greeted their lola and lolo ng makita nila silang nasa hapag. Nakakunot ang noo ni Mommy habang palipat lipat ang tingin sa mga bata. "Si Aphrodite at si Achilles. My twins."
"Totoo ba to? Pero...Papaano? Nagkaroon ka ba ng babae noong nasa Greece ka?" Tanong ni mommy. Lumapit siya sa mga bata at hinahaplos haplos niya ang kinalang mga braso. "Oh. They are so cute." Sabi ulit ni mommy. Teka. They are Vic's twin." Mom exclaimed.
"Mom. Also my twin." I corrected. Bigla ay lumitaw si Vic sa likuran ko. "H-hello po." Awkward niyang bati. Walang ibang sinabi si mommy kundi ang yakapin siya. Si daddy naman ay nakangiti lang habang tinitignan sila.
"Oh my God hija. I knew it." Mom said. "S-sorry po kung h-hindi ko sinabi." Sabi ni Vic. "Nung isinilang ang kambal mo, my kutob na ako. Pero hinayaan ko lang muna ito dahil alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon kaya hindi mo sinabi. Hayaan na natin yun. Kailan kayo ikakasal?" Tanong ni mommy.
"Mom! Hindi kami nagkabalikan." Mabilis na sagot ko. "What Papa?! Paano ka namin magiging Papa kung hindi kayo bati ni Mama!" Sabi ni Achi sa tonong galit. "Achi.. Kahit anong mangyari Papa niyo padin siya." Sabi naman ni Vic sakanya. "No!" Sigaw niya sabay takbo. May magiging problema ata kami. "S-saglit po. Kakausapin ko." Sinundan ni Vic si Achi.
-----
Natagpuan ko si Achi na nakaupo sa malaking bato sa may garden nila. "Achi." Tawag ko sakanya. He is crying. "M-mama. Bakit hindi kayo bati ni Papa?" Tanong niya. Pinahid ko ang luha sa mga pisngi niya. "Because, I did something bad to him baby." I sighed. "Do you love Papa?" Tanong niya. "Yes I love him." Sagot ko. "But hindi kayo bati. B-bakit Mama?" Tanong ulit niya. "Kasi galit siya sakin at hindi na ako mahal ng Papa mo. Pero mahal niya kayo ni Aphy." Sagot ko.
"Hindi ko sinabing hindi na kita Mahal Vic." Biglang sabat ni Kris. Napatalon ako sa gulat ng dahil sakanya. "Papa, you love Mama?" Tanong ni Achi sakanya. "Yes I love her." Sagot niya. Parang may humaplos sa puso ko ng marinig ko yun. Ang lakas ng tibok ng puso ko. "Pero bakit hindi kayo bati?" Tanong ulit ng anak ko. "She just needs to earn my trust." Sagot ulit niya.
"Gusto mo pa bang magkabalikan tayo? Gusto mo ba ng masayang pamilya?" Tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko. "Yes." Tangi kong sagot. Ayaw ko ng pahabain. Ayaw ko ng magpaliguy-ligoy pa. Gustong gusto kong magkabalikan kami ulit kahit noon pa.
"Ayaw ko lang kasi ng isang araw mag babago nanaman yang isip mo." He sighed. "I'm scared. Na baka isang araw aayaw ka nanaman." Paghabol niya.
"Not now Kris. Madami na akong sakit na naranasan. Nasaktan kita noon at nag sisisi ako ng dahil doon. Just give me one last chance to make everything's right. I will win your trust back, I will win your love back. I will win you back."
Now, I'm very sure of my self I can Win him back.
BINABASA MO ANG
Win Him Back
General Fiction"Lahat gagawin ko. Mapatawad at balikan mo lang ako." -Victoria Margaux Calibre "Lahat gagawin ko. Maipamukha ko lang sayo kung ano ang sinayang mo." -Jared Kristian De Lima