#33 Ang boses na yun

465 40 1
                                    

Nakapasok ako sa kwarto ko ng iniisip yung mga narinig ko kanina.

Hay nako! Ano ba Vic. Si Kris nasa Greece yun. Tyaka madaming Kris ang pangalan. Tyaka ano ngayon kung siya nga yun? Ano ka ba niya?

Mas lalo akong nafrustrate sa mga iniisip ko. Kaya umaga na ko nakatulog yung may liwanag na. Magkakaeyebags ako nito eh. Hayyy!

Nagising ako ng 3pm ng hapon. Kumakalam nadin pala yung sikmura ko. Kaya naisipan kong mag order nalang ng pagkain sa Jollibee. Wala na kong panahon magluto, tinatamad ako at masakit ang ulo ko.

Nagring ang cellphone ko sa may table at nakitang si Marie ang tumatawag kaya sinagot ko ito.

"Oh bakit?" Tamad na tanong ko.

"Di talaga uso hello sayo no?" Sabi niya.

"Ano nga girl?" Kakairita ah.

"Sungit. Labas ulit tayo mamaya sa ibang bar naman. Sige na. Sulitin natin week end." Nagmamakaawa niyang sabi. Sabi na eh.

Ewan ko lang kung pagkagraduate niya ng education ang maituro niya sa mga estudyante niya ay 'how to get drunk.' Tss. Palibhasa nahawaan ng boyfriend

"Ewan ko. Masakit pa ulo ko eh. Kakagising ko lang." Sagot ko naman..

"Ayy to naman. Sige na. Mamayang 8pm pa naman eh." Siguro nagpupuppy eyes na to ngayon kahit di ko nakikita.

"Oo na. Sige na. Papasundo nalang ako kay Allen." Sabi ko naman.

Kay Allen ako palaging nagpapasundo, pag yung ibang kulokoy kasi magagalit yung mga babae nila tong isang to kasi hindi mahilig sa babae eh. Ewan ko kung bakit. Si Sheldon naman akala mo palaging galit napakatahimik.

"Yeyyyy! See ya girl!" She ended the call.

Ng sumapit ang 8:30 ay nagpasundo na ko kay Allen para pumunta sa sinasabi nilang Bar.

Kompleto ang lahat andito si Marie, Lea at ang anim. Kompleto nga ba? Parang may kulang..

"Oh! Shot na!" Sigaw ni Sanford ng makaupo na kami ni Allen.

"Oh himala atang wala babaeng nakalambitin sa braso mo ngayon Sanford?" Natatawa kong sabi sakanya.

"Wala akong makitang interesting ngayong gabi eh." Sagot niya sabay lagok ng alak.

Napansin ko naman si Charles na nakatitig lamang sa kanyang baso, mukhang may malalim na iniisip. Ayaw ko namang mangialam kaya hinayaan ko nalang.

Si Sheldon naman ay busy sakanyang cellphone.

Si Lea, Marie at Vonn naman ay naguusap. OP lang? Tsss

"Hayyyyyy! Ang boring!" Singhap ni Sanford.

"Gusto mong challenging Ford?" Makahulugang tanong sakanya ni Allen.

"Pano?" Nagtatakang tanong naman ni Sanford.

"Mamimili ako ng babaeng aakitin mo, then pag nakuha mo siya within 10mins. Ibibigay ko yung number ni Gracia yung malaking boobs na model din ng FHM?" Sabi ni Allen sabay ngiti, well pinamimigay niya lang ang mga babae dahil nga di siya mahilig sa babae.

"Tangina! Yung hot? Sige sige call!" Excited na sabi ni Sanford.

Ang ganda din ng mga trip ng magkakaibigan na to ah. Kaya nakisali ako sakanila.

"Sanford ayun oh!" Turo ko sa babaeng nakaup magisa sa isang sulok. Maganda siya, pero hindi ganito ang type ni Sanford. Ang mga tipo kasi niya ay yung mga babaeng mala model ang katawan at pwedeng pwedeng ikama kahit anong oras.

"Ayun bro!" Turo ni Allen sa babae.

"Fuck you! Yan? E mukhang mas barako pa sakin yan eh." Pagtutol ni Sanford.

Well, pano niya nasabi yun? Dahil ang babaeng tinuro namin ni Allen ay naka jeans, naka tshirt ng malaki, naka cap at naka Vans shoes. Pero maganda siya, makinis ang balat matangos ang ilong mabilog na mata yun nga lang sa upo palang niya halatang may pagkatomboy na.

"Challenging nga diba?" Sabi ko sakanya.

"Wala ka pala!" Kantyaw ni Allen sakanya sabay tawa.

"Watch and learn." Sabi niya sabay tayo at naglakad papalapit sa babae.

Kami naman ni Allen ay nakatingin lang sa kung anong deskarte ang gagawin niya.

Ng nasa harapan na ng babae si Sanford, ay may sinabi sakanya si ang babae. Di namin maintindihan dahil medyo malayo basta ang alam ko ay nag uusap na sila.

Pero ilang sandali lang ay bigla siyang sinutok ng babae ay dali daling umalis. OMG! Mas barako nga sakanya.

Napatingin sa kanya ang madaming tao, halatang madaming nagulat lalo na ang mga babae sa dance floor dahil napasigaw pa sila.

Badtrip na bumalik sa spot namin si Sanford na nakahawak sa gilid ng kanyang labi.

"Shit! Fuck! Fuck that girl!" Inis niyang sabi.

Kaming lahat ay natawa sakanya dahil nakita din pala nila ang nangyari.

"Karma na yan!" Sigaw ni Vonn

"Tang ina! Sayo na yung number ni Gracia! Tang ina nung babaeng yun! Pag nakita ko pa ulit yun gaganti ako ng suntok... damn that girl!" Sabi niya. At malakas na hinampas ang aming mesa.

"Ano ba kasing sinabi mo sakanya?" Tanong ko.

"Sabi ko lang naman ang dry niyang kausap, tinanong ko lang naman kung gusto niyang maging wet. Ayun sinapak ako. Tang ina talaga. Nakakahiya." Sagot niya. Aba! Kung akong sinabihan baka hindi lang yun ang inabot niya.

Nagtawanan ulit kami sa sinabi niya. Epic talaga ang isang to.

"Buti sayo yan bro. Para malaman mong di lahat ng babae nakukuha mo. Panget mo kasi eh." Kantyaw naman sakanya ni Chrissmon.

"Shot up! Chrissmon!" Sigaw niya. Talagang badtrip na siya. At buong gabi ay yung babaeng yun lang ang binabanggit niya.

Ng 12am na ay napagpasyahan na naming umuwi. Nagpahatid ako kay Allen. Nakapagtataka ding di ako pinansin ngayon ni Charles. Pero mas okay na yun dahil baka mautal-utal nanaman ako pag kakausapin niya ko.

"Oh Vic. Alis na ko. Good night." Sabi ni Allen ng nakalabas akong pinto.

"Sige. Thank you." Sabi ko at pumasok na king tower.

Ng makarating ako sa floor kung saan ang aking unit ay nagmadali ulit akong naglakad dahil antok na antok na ko ng di sinasadyang mapansin ko ulit na bukas ang pinto ng kapit bahay ko. Tss! Dapat di na siya nag pinto.

"Yup mom. Andito na ko."

Napahinto ako sa boses na narinig ko. Parang may kakaiba sa boses na yun, at parang gustong gusto ko na ulit marinig. Kumalabog ang puso ko, yung kalabog na matagal ko ng di naramdaman. Sino ba ang lalaking to.

"Yes mom...Bukas siguro pupunta ako sa mga kaibigan ko..No..Di nila alam na nandito na ko...Okay....Okay mom...Take care...Bye."

Hindi ako pwedeng magkamali. Alam na alam ko kung kaninong boses to. Is he back? Siya ba talaga to? Boses niya ba to? Siya ba yung kapit bahay ko? Sht!

Nagmadali akong pumasok sa unit ko ng marinig ko ang kanyang yapak papalabas sa kanyang unit.

Hindi talaga ako pwedeng magkamali. Boses niya yun. Sakanya yun. Boses talaga yun at ibig sabihin siya yun yung may kaanuhan kagabi. Si Violet kaya yun? Damn! Bakit parang kumikirot yung puso ko?

Win Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon