"Be my girlfriend."
Nanlaki ang mga mata ko sa sa sinabi niya. Di ko alam kung anong isasagot ko. Isasagot? Ni hindi nga ata tanong yun kundi nag cocomand siya. Shizz yung mga kabayo nagsimula nanamang mangarera sa puso ko. Yung mga butterfly sa tyan ko nagwawala na. I'm so inlove to guy in front of me.
"I'm s-sorry. If you don't want. It's okay. Lets go." Sabi niya sa ekspresyong bigo. Bigla nalang itong tumalikod at lumabas. Ano kaba Vic! Ito na yun e. Bat di ka sumagot!
Lumabas ako sa room kung saan kami nagpractice at nagmadaling naglakad papunta sa sasakyang maghahatid sakin. Nakita ko si Kris na nakasandal sa kotse nila at nakalagay ang kanyang mga kamay sa bulsa ng pants niya. Tinitigan niya lang ako habang naglalakad papalapit sakanya. Nagsimula nanamang ulit yung mga kabayo sa dibdib ko. Nakita ko sa kanyang mga titig ang pagkabigo. Dahil siguro sa hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya kanina. Hay nako! Di naman kasi marunog maghintay eh.
Hinatid niya ako sa bahay ng di manlang siya kumikibo. Ayaw ko din magsalita kasi nakakatakot siya. Hayy. Pano na to? Ang shunga shunga ko naman kasi e.
Ng makapasok ako sa bahay ay nadatnan ko si Daddy sa sala nakaupo sa sofa. Mukhang kararating lang din niya dahil naka pang office attire pa siya. Mukha siyang stressed. Dumeretso ako kay Daddy at nag mano.
"O Victoria. Anjan kana pala. Kamusta ang school?"
"Nagpractice po kami kasama ng partner ko. I'm going to join a pageant dy. Where's mom"
"Oh nice. Kelan to gaganapin? I hope I could watch you hija. Wala siya may business meeting."
"It's okay daddy. I understand Dad. Alam ko pong busy kayo. "
"I'll try. Promise."
Kahit na busy si Daddy sa Politica ay di padin naman siya nawawalan ng oras sakin. Yun nga lang ay konting oras lang talaga ang nailalaan niya para sakin. Even mommy is busy that's why mga maids ang palagi kong nakakasalamuha dito bahay. Nasanay nadin naman ako sa ganitong set up kaya okay lang.
Pagkatapos naming mag usap ni Daddy at kumain ay pumanhik na ko paakyat ng hagdan at pumasok na ko sa kwarto ko. It's almost 8pm na pala.
Ginawa ko na ang mga bagay na palagi kong ginagawa bago mahiga sa kama. Kinuha ko ang ipad kong nakapatong sa table ng aking lampshade at agad na nag log in sa FB. Agad na bumungad sakin ang post ni Charles.
Charles Jacob Aguerre
Palagi nalang bang ako yung nag gigive way? Buhay nga naman oh..
20mins. Ago 580Likes 574comments
Kung di pa siguro bumungad ang kanyang pangalan dito sa newsfeed ko ay di ko pa siya maaalala. Nakakaguilty. I'm sorry Charles.
Nakita ko ang pangalan niya sa messenger. Naka online ito kaya nag send ako ng message sakanya.Victoria Margaux Calibre: Hi Charles! How are you? Di ka nagpaparamdam.
Charles Jacob Aguerre: Pag ba nagparamdam ako matutuwa kaba?
Victoria Margaux Calibre: Anong sinasabi mo Charles? Galit kaba sakin?
Charles Jacob Aguerre: Sino ba ko para magalit? Eh wala naman akong karapatan.
Victoria Margaux Calibre: Magusap tayo bukas. Please?
Seen √Seenzoned ganon? Di ako ganon katanga. Alam kong galit siya dahil samin ni Kris. Ang di ko maintindihan ay bakit? At the first place plinano niya to. Hay ang gulo gulo niya grabe. Bahala ka nga Charles!
Matutulog na sana ako ng biglang nagring ang phone ko.
Kris....Calling.
Yan nanaman yung mga kabayo o. Tsskk. Bakit kaya si tumatawag? Sinagot ko din naman ang kanyang tawag.
"H-hello?"
"I'm sorry." Tangi niyang nasabi.
"Okay lang Kris."
"Hindi ko dapat sinabi yun. Kayo nga pala ni Charles."
"No! Hindi kami!" Mabilis na sagot ko sakanya.
"A-kala ko....Uhmm Really?" Sabi niya na tila'y naging masaya siya sa narinig ko.
"It was just a show. Para paaminin ka." Pag amin ko naman sakanya. Di agad siya naka pagsalita.
"i'm sorry" Dugtong ko sakanya.
"It's okay. Maybe if you did'nt do that hanggang ngayon tikom padin tong bibig ko. Siguro hanggang ngayon di ko padin inaamin yung nararamdaman ko para sayo." Malumamay niyang sabi.
Nagkwentuhan pa kami ng mga bagay bagay. Hindi naman pala talaga siya yung ganon kasuplado at kasungit e. Napag alaman kong kaya pala siya masungit sa mga babae ay dahil din sa mga ginagawa ng mga ito. Para daw kasing di na nila nirerespeto ang sarili nila dahil lang sakanya. Kaya di nalang daw niya pinapansin. Tinanong ko din sakanya yung tungkol sa love letter na pinunit niya. Nabasa na pala niya to. Kinalkal pala niya sa bag ko nung oras na Vacant at iniwan ko ang bag ko sa school. Kinikilig padaw siya. At dahil tinatago nga niya yung feelings niya para sakin, nahirapan daw siyang wag magpakita ng emosyon. Tyaka nung time na pinunit na niya yung sulat alam niyang nasa likuran niya lang ako at sumusunod. Sinadya niya yun para lang tumigil na ko. At siya naman ang mag eeffort. May pagka engot ata tong lalaking to e. Yung tipong nasa harapan na niya lumalayo pa siya. Dapat daw pala aaminin niya nung natalisod ako sa theater room nun kaso sinabi kong boyfriend ko na si Charles noon. Yun daw yung unang nabrokenhearted siya kaya pumunta siya kila Grace at uminom. Grabe. Kung alam ko lang sana lahat ng ito noon pa. Pakipot pa kasi e. Ako na nag eeffort noon ayaw pa. Gusto niya pang siya. Kung ibang lalaki lang siguro siya ay grinab niya na ang opurtunidad na yun kaso iba siya. At yanh siguro ang dahilan kung bakit ako na in love sakanya.
Marami pa siyang kinwento tungkol nung bata siya tungkol sa pamilya niya at kung anu-ano pang bagay. Feeling ko magaan na talaga ang loob niya sakin dahil sa pagkukwento niya. Ngayon ko lang din siya narinig na tumawa. Para akong masa heaven habang kausap siya. Ayaw ko pa sanang putulin ang tawag pero antok na antok na talaga ako.
"3am na pala." I yawn
"Already sleepy?"
"Yup" Sabi ko habang nakapikit. Konti nalang makakatulog na ko.
"So Yes or No?"
Napamulat naman ako sa tanong niya. Nagtataka kung ano yun.
"Be my girlfriend??????" Ngayon patanong na ang pagkasabi niya nito.
Walang alinlangan kong sinagot ang tanong niya.
"Yes."
"Ohhh! Thank you! My God! Thank you." Sabi niya at halatang tuwang tuwa eto. Kaya napatawa ako reaksyon niya.
"I love you Victoria." He said with his husky voice.
This is it pancit.
"I love you too Kris."
BINABASA MO ANG
Win Him Back
General Fiction"Lahat gagawin ko. Mapatawad at balikan mo lang ako." -Victoria Margaux Calibre "Lahat gagawin ko. Maipamukha ko lang sayo kung ano ang sinayang mo." -Jared Kristian De Lima