Niyaya ako ng mga kaibigan kong pumunta sa Dimensions ngayon.
Summer na, at nagtop ako sa klase. Buti naman at kahit iniisip ko si Kris ay nakalapagaral padin ako. Ayaw ko din biguin sila Mommy at Daddy.
Ayaw ko man sanang pumunta, kaso pinilit nila ako. Alam ko namang gusto lang nila akong pasiyahin dahil nga broken hearted ako kaya sumama nalang din ako sakanila.
"Ano bang gagawin natin dito? Iinom nanaman kayo?" Tamad kong tanong sakanila ng makarating kami sa Dimensions.
"Ganyang nalang ba tingin mo samin? Lasenggo?" Sabi ni Allen sabay tawa.
"Eh ano pa nga ba? Bakit hindi?"
"Nakakahurt ka naman ng feelings. Mag siswimming tayo ngayon. Monthsary nila Vonn at Marie." Sabi naman ni Sanford.
Buti pa sila, Buti pa silang dalawa masaya eh ako? Walang pinagbago. Ganon padin 1month na siyang wala pero gabi-gabi padin akong umiiyak.
Kamusta na kaya siya ngayon? Nakalimutan na kaya niya ako agad? Nag sawa na kaya agad siya sa kakaisip sakin. Funny Vic. Ito naman yung gusto mo diba? Ang mabura lahat agad? Mabura ang pagmamahal niyo agad sa isa't isa? Naninikip nanaman ang dibdib ko sa tuwing naiisip kong kakalimutan na niya ako pero wala akong magagawa. Desisyon ko naman to eh.
"Oh oh oh! Iiyak nanaman. Naku naman." Sabi ni Allen ng makitang may pumatak nanamang luha sa mga mata ko.
"Halika na nga sabay hila sakin papasok ng Dimensions.
"Aayosin lang namin ni Lea yung mga Pagkain ha? Stay foot ka nalang muna jan." Sabi ni Marie habang nangangalkal ng mga pagkain sa plastic kasama si Lea.
Nakaupo lang ako sa sofa ng biglang mapansin ko ang mga pictures na nakadisplay sa dividers.
Nilapitan ko ito, at nakita kong picture nilang ani--...Wait Pito sila? Si Charles? Bat andito siya? Kaibigan nila si Charles? Kasama siya sa grupo?
Nakita kong naglakad si Sheldon papunta sa ref. Kaya tinawag ko siya.
"Shel!"
"Hmm?"
"Kilala niyo ba si Charles?" Tanong ko. Obviously Vic. Pero ang gusto kong malaman kung kaibigan nila si Charles bakit di sila close ni Kris sa school? Naiinis sila sa isa't isa. Pero dito sa picture na to, magkatabi silang dalawa. At magkaakbay sa litrato. Mukhang mga totoy pa sila ng kinuhanan to.
Allen, Sheldon, Kris, Charles, Vonn, Sanford, Chrissmon
Ganyang yung arrangement nila sa picture.
"Kasali siya sa grupo." Sagot niya at lumapit sakin kung saan hawak ko ang picture frame sa harap ng divider
"Pero di ko sila napapansin ni Kris na close sa school." Nagtataka kong sabi sakanya.
"Dati, close na close yang mga yan. Pero 1time nung 1styear highschool kami nagbago silang dalawa. Palagi silang mag kaaway dahil lang sa iisang babae...Dahil sayo." Seryosong sabi niya.
"Huh?" Di ko magets kung bakit dahil sakin.
"First year highschool palang gustong gusto kana ni Kris. Pero inilihim lang niya ito. Isang araw nalaman niyang nagustuhan ka din ni Charles. Nag away silang dalawa doon. Sinabi ni Kris na layuan kana ni Charles dahil tatanggalin siya sa grupo namin. Kaso di nakinig si Charles, pinagpatuloy lang niya yung panliligaw sayo yun, kaya magmula nun lumayo na ang loob ni Charles kay Kris at ganon din si Kris. Nakakapanghinayang lang kasi watak watak na kami."
BINABASA MO ANG
Win Him Back
General Fiction"Lahat gagawin ko. Mapatawad at balikan mo lang ako." -Victoria Margaux Calibre "Lahat gagawin ko. Maipamukha ko lang sayo kung ano ang sinayang mo." -Jared Kristian De Lima