#32 Ang dugo sa kamao

492 39 1
                                    

"Charles! May tawag ka." Kinlabit siya ni Sanford, hay niligtas mo ko Ford. Maraming salamat.

"Huh? Sino yun?" Takang tanong niya."Tara Vic? Upo na?" Sabi niya sabay hawak sa kamay ko at naglakad na papunta sa table namin ng magkahawak padin ang kamay. Sht! Pulang pula na talaga ako. I swear.

Tinignan ni Charles ang cellphone niya at mukhang nairita ng mabasa ang pangalan ng caller.

"Tsss! Pathetic." Sabi niya sabay lapag ulit ng cellphone sa mesa.

Chandria...Calling.

Nabasa ko sa screen ng cellphone niya.

Uminom nalang siya ng uminom at halatang nabadtrip. Dahil sa tumawag? Well halata naman sakanya.

Di padin tumitigil sa pag riring ang kanyang cellphone.

"Uhmm..wala kang balak sagutin?" Tanong ko sakanya.

"Pakisagot nga Vic." Sabi niya sabay abot sakin.

"Huh?" Naguguluhan kong tanong.

"Sabihin mong ikaw si Victoria. Please?" Nagmamakaawa niyang sabi. Kaya kinuha ko sa kamay niya ang kanyang Cellphone at sinagot ang call.

Hindi ko lam kung bakit kailangang ako pa ang sumagot at kung bakit magpapakilala pa ko, pero hinayaan ko nalang. Simpleng pabor lang naman to kesa sa ginawa niya noon.

"C-charles. Please? Kau-usapin m-mo naman a-ako? I'm s-sorry." Sabi ng babae sa kabilang linya at umiiyak.

"He-hello. Si Victoria to." Mahinahon kong sabi.

At agad agad naputol ang linya.

"Charles, sino yun? Umiiyak siya." Tanong ko.

Medyo pumungay ang kanyang mga mata sa pagkasabi ko nun.

"W-wala. Just...just one of my girls." Sagot niya sabay lagok ulit ng alak.

Hindi ko nalang ito pinansin. Privacy. Nakipag usap nalang ako kila Lea at sa iba pa. Pero di ko padin matanggal sa isip ko. Bakit niya ko hinalikan? Gusto kong itanong sakanya pero nahihiya ako. At ako pa talaga ang nahihiya. Maybe siguro lasing lang siya kaya nagawa niya yun.

Ilang sandali pa'y naiihi na ko dahil siguro sa mga alak na nainom ko kaya napagpasyahan kong magCr.

Papunta ako ng cr ng nakita si Charles sa may daanan papuntang na may kausap sa kanyang cellphone. Mukha siyang naiinis. Hindi ako tsismosa pero curious lang ako kaya nagtago ako sa isang cabinet na pinaglalagyanan ng mga liquors.

"Oh bakit!" Sigaw niyang sabi.

"Tapos na tayo diba? Tinapos mo na! Tapos ngayon nandito ka sa Pilipinas para kausapin ako? Gusto mong lauyan na kita diba? Ano pang gusto mong malaman?! Kahit naman nagsasabi ako ng totoo naniniwala kaba! Hindi naman diba? Pagod na pagod na ko Chandria! Pagod na ko sa mga insecurities na pinapakita mo! Pinapakita ko sayong ikaw na yung mahal ko at hindi siya! Pero ano ha! Naniwala ka sa mga pagdududa mo!....Ayaw ko! Kung sasaktan mo lang din ulit ako...Wag na! Bye!" Binagsak niya ang kanyang cellphone at pinagsusuntok ang pader.

Umurong ang ihi ko. Di na ko naiihi kaya nag madali nalang ulit akong pumunta sa table namin.

Ano yung narinig ko? Dapat pala di nalang ako nakinig. Mas lalo tuloy dumadami yung iniisip ko. Damn!

Umupo nalang ulit ako sa spot namin na kinakabahan. Di naman niya ko nakita diba? Di niya alam na narinig ko siya. Omg!

Umupo ulit si Charles sa kanyang lugar at bakas sa mata niyang umiyak siya. Tinignan ko din ang kanyang kamao at nakita ko itong dumudugo.

Win Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon