#27 Killing/Breaking

470 44 4
                                    

Sakit ng ulo ko. Kakainis. Pagkagising ko ay kumalam agad ang sikmura ko dahil sa sobrang gutom. Bumaba ako sa hagdan ng makita si Lea at Marie na nasa sala.

"Omg! Alam mo bang nag alala kami ng dahil sayo? Bat kaba umalis!" Sigaw ni Lea.

"Ang ingay mo. Masakit ulo ko." Sabi ko sabay pabagsak na umupo sa tabi niya at kinuha ang throw pillow at niyakap.

"Saan ka ba pumunta?" Tanong naman ni Marie habang nakatingin sakanyang cellphone at nagtetext.

"Wala umuwi lang talaga ako. Yung phone ko dala niyo?" Tanong sakanila.

"Na kay Kris. Siya nadaw magbabalik sayo." Sagot ni Marie.

Marinig ko palang yung pangalan niya nasasaktan na ko. Nasasaktan ako dahil sa napagtanto ko nung hinatid ako ni Kristoff kaninang madaling araw dito sa bahay.

Siguro nga mababaw lang yun. Siguro nga infatuation lang to. Siguro nga may iba pa. Siguro hindi naman talaga kami para sa isa't isa. Sabi nga nila walang nag lalast ang isang relasyon na nagsimula ng highschool. Naalala ko yung kwento ni mommy sakin nun. Nagmahal na siya noon pero di din sila nag katuluyan. At ngayon nakikita ko siyang masaya sa daddy ko. Siguro ganon din yung mangyayari sakin. Mag sasawa at iiwanan din niya ako. Kaya habang maaga palang ako na yung unang aayaw bago siya.

"Text mo nga siya kung nasan siya." Utos ko kay Marie.

"Ya! Ano pong breakfast? Gutom na ko." Tanong ko kay yaya habang nag pupunas ng mga pinggan sa may kusina.

"Merong bacon, itlog tyaka hotdog jan sa lamesa kumain kana. Yayain mo na yang mga kaibigan mo."

"Tara! I'm hungry na e." Sabi ni Lea at nauna ng umupo sa hapag.

Habang kumakain kami, ay nakatitig ang dalawa sakin habang sumusubo, nailang naman ako agad sa ginagawa nilang paninitig.

"Bakit!" Sigaw ko. Nagulat sila. Ayan kasi eh. Kung makatitig sila akala mo may ginawa akong mali. Tsk!

"Namagaga yang mata mo. Umiyak ka nanaman?" Tanong ni Lea habang nilalantakan ang paborito niyang hotdog.

"Ano nangyari sainyo ni Kris?" Tanong din ni Marie.

"W-wala. Makikipaghiwalay na ko sakanya." Sabi ko at biglang tumulo ang isang butil ng luha galing sa mga mata ko.

"Ano!" Sabay nilang sabi. "Nahihibang kana ba? Sasaktan mo lang yang sarili mo." Habol ni Lea.

"Ngayon din naman nasasaktan ako eh. Anong pinagkaiba nung wala na kami sa ngayon na kami pa. Iiyak ako? Oo. Kahit naman ngayon umiiyak padin ako nasasaktan padin ako." Sabi ko sakanila at tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. Buti nalang at pumunta sa bakuran si yaya para magwalis.

"Hindi mo alam yang sinasabi mo Vic!" Napataas na ang boses ni Marie sakin.

"Alam ko to. Kaya nga gagawin ko eh diba? Mas makabubuti to para samin. Bata pa kami at madami pang dadating. Sure ba kayo na hindi niya ko iiwan? Sure ba kayong hindi siya magsasawa sakin? Hindi naman diba? Ngayon palang naglilihim na siya. Pano pa kaya sa darating na mga araw? Kaya ako umalis kaninang madaling araw dahil di niya sinabi sakin kung saan siya pumunta. Bakit di niya masabi? Simple kasi may tinatago siya. Di niya ako sinipot sa ball kagabi dahilas importante yun kesa sakin." Hingal kong sabi sakanila.

"Ikaw ang bahala Vic. Sana lang ay di ka magsisi sa gawin mong yan." Dismayadong sabi ni Lea sakin.

Maiintindihan din nila, maiintindihan din nila kung bakit ko gagawin to. Isasalba ko lang yung puso namin Kris na pareho ng lunod. Masakit? Oo. Pero darating ding ang panahon na yung sakit na mararamdaman namin, mawawala nalang ng hindi namin namamalayan. Time heals. Sabi nga nila.

Win Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon