#40 The Real Rival

516 36 0
                                    

"Try then. Good luck." Pagkatapos niyang sabihin ito ay umalis na siya dito sa unit niya. Iniwan akong mag isa.

"Di ako susuko. Di ako susuko hangga't di ka bumabalik." Sabi ko sa sarili ko.

Niligpit ko ang mga pinggan habang umiiyak. Hihintayin ko siya. Buti nalang at hapon ang pasok ko bukas.

12am na at wala pa siya nagtimpla ako ng kape para di antukin. Sinindi ko din ang TV para di ako mainip ka kakahintay.

3am na at wala pa siya. Antok na antok na din ako. Ng biglang narinig ko ang pintuan niyang bumukas. Dumating na siya.......at di siya nag iisa.

May kasama siya babae. Sumakit ulit ang puso ko. Kailangan ko ayang maging immune sa scene na ganito.

Halata sa dalawang lasing na lasing sila, nakaakbay si Kris sakanya at pagewang gewang silang dalawa habang tumatawa.

Ng makita ako ni Kris ay nginitian ako. Yung tipong niloloko ako.

"Ohh....Andito ka pa pala." Sabi niya sabay tawa.

"Sino siya?" Tanong ng babaeng kita ang boobs na kasama niya.

"She's my Ex." Sabi niya habang tintuturo turo ako.

"Eh bat andito? How can we do it if she's here." Iritang sabi ng babae.

"Don't worry Mia, excited babe?" Sabi ni Kris sabay halik sa leeg ng babae.

Kailangan ko talagang sanayin ang sarili ko sa sakit magmula ngayon.

"I'm not Mia. I'm Kara." Irap ng babae.

"I'm sorry Kara. Go to that room. Susunod ako." At hinawakan ang pwet nito bago tinulak.

"Make it fast. Aright?" Sabi ng babae sabay kindat at pumasok na sa isang pang kwarto.

"Bakit andito kapa?" Lumapit siya sakin at naamoy ko ang alak sa kanyang hininga.

"H-hinihintay ka..Uhmm pero aalis nadin ako." Sabi ko sakanya. Habang pinipigilan ang aking mga luha.

"No. Wait me in my room." Marahan niyang sabi.

Nag nod nalang ako sakanya at pumasok na sa kwarto niya.

Kumuha ako ng Tshirt sa closet niya at pumasok sa banyo para mag half bath.

Pagkatapos kongag shower ay nagbihis na ako at humiga. Wala akong magawa kaya umiyak nanaman ako. Sobrang sakit na kailangan kong tiisin to para lang maipakita ko sakanya na mahal na mahal ko padin siya.

Ilang sandali lang ay bumukas ang pintuan. Kahit madilim ay naaninag ko padin si Kris dahil sa ilaw ng lampshade.

"Gising kapa?" Tanong niya habang nakaupo sa paanan ng kama at nagtatanggal ng sapatos

"Oo." Mahinahon kong tanong. "Uhmm asan na yung babaeng kasama mo?" Tanong ko sakanya.

"Umuwi na." Maikling sagot niya.

Wala pa atang 40 minutes simula nung dumating sila. At nagtatanggal palang si Kris ng sapatos. So ibig sabihin hindi sila natuloy? My God! Willing akong maghintay dito gabi gabi.

"Ano mo siya?" Tanong ko ulit.

"Wala. Nakilala ko lang kanina. Nalimutan ko na nga kung anong pangalan niya eh." Sabi niya habang nag huhubad ng damit.

Pagkatapos niyang hubarin ang kanyang damit ay tanging boxer shorts nalang niya ang natira.

Humiga sa sa tabi ko. "Hayyy...Nakakapagod pala uminom." Sabi niya habang nakapikit.

Win Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon