Di ko namalayang isang oras na pala ang nakalipas pagkatapos naming mag usap ni Kris kanina. Hanggang ngayon ay nakatayo padin ako dito at iniisip kung bakit ganon nalang siya kung mag alala kay Violet. Halata sa itsura niya kanina ang matinding takot. Ni hindi niya nagawang mag paalam at dun ako ulit matinding nasaktan. Bakit feeling ko mas mahalag si Violet kesa sakin? Bakit ganon? Kanina ang saya na namin eh. Okay na ko kanina eh. Pero bakit nasasaktan nanaman ako ngayon?
"Vic! Anong ginagawa mo jan?" Nagtatakang tanong ni Vonn.
"Ah...ehh..wala napadaan lang." Sagot ko naman sakanya.
"Ganon?" Parang di makapaniwalang tanong niya. "Umiyak ka ata eh?" Sabi niya sabay kuha ng sigarilyo sa bulsa niya at sinindihan ito.
"H-hindi ah! Hoy! Bawala yan. Bat ka di dito naninigarilyo?" Ayy! Bad talaga ang isang to. Manigarilyo ba naman sa loob ng campus.
"Okay lang yan. School ours naman eh. Walang tao." Sabi niya sabay tawa.
"Gosh! Di ko na napasukan yung last subject ko!" Taranta kong sabi. Sa tanan ng buhay ko di ko pa nasubukang mag ditch ng klase ngayon palang ata. Wala nadin kasi akong ganang pumasok ngayong hapon eh.
"Hahaha! Ngayon mo lang napansin? Okay yan para di puro aral inaautapag mo." Sabi niya sabay tapon ng sigarilyo niya sa tabi.
"Okay lang kayo ni Kris?" Naging seryoso ang tono ng boses niya.
"B-bakit? Oo naman." Utal kong sabi sakanya. Bakit feeling ko may something. May something akong di nalalaman.
"Ganon? Dipa ba niya sinabi sayo?" Tanong ulit niya. Anong dipa niya sinasabi? Kinabahan ulit ako sa sinabi niya.
"Anong dapat niyang sabihin?" Kinakabahan kong tanong sakanya.
"Nakakaawa ka naman. Wala kang kaalam alam. Bahala kayo sa love life niyo. May sarili din akong problema." Nagsimula na siyang maglakad,kaya wala na kong ibang maisip na pwedeng gawin kaya.
"Nakita kitang kanina sa Car Park. Kasama mo si Nikka gusto mong isumbong kita kay Marie?" Napatigil siya sa paglalakad. At unti unting humarap sakin? Ayan, ayaw mong sabihin kung ano yun eh.
Halata sa ekspresyon ng mukha niyang nagulat siya sa sinabi ko. Mukha atang natakot. San siya natakot? Sa baka isumbong ko siya kay Marie na kasama si Nikka o yung alam kong sila ni Marie?
Unti unti siyang naglakad papunta sakin huminto siya sa harap ko at nag salita.
"A-alam mo yung tungkol samin ni Marie?"
"Oo. Sorry. Narinig ko kayong nag uusap sa locker eh. Di naman talaga kita isusumbong eh. Joke lang yun." Sabay awkward na nag peace sign at ngumiti.
"Kahit naman mag sumbong ka. Wala namang siyang pakialam eh." Bigla siyang nalungkot habang sinasabi ang mga ito.
"Bakit niyo ba kasi sinesekreto?" Nagtataka kong tanong sakanya. Alam ko yung dahilan gusto ko lang marinig ulit sakanya.
"Ayaw niya sa mga Bad boy. Ewan ko dun. Nag bago naman ako pero parang ikinakahiya padin niya ako. Nakipag cool off siya sakin. Ayaw niyang makipag kita sakin. Nilalayuan na niya ako. Tang ina eh. Pinaalala mo pa. Halika nga gusto kong uminom. Inom tayo." Sabay hila niya sakin.
"S-saan tayo pupunta Vonn! May pasok pa tayo mamayang hapon. At di ako umiinom! Sabihin mo nga sakin kung ano yung dapat sabihin ni Kris sakin. Uyy!!..Ano ba!"
"Lika na KJ mo! Wala. Binibiro lang kita. Naniwala ka naman agad. Duhhhh!" Ang sarap suntukin ng isang to promise.
Ng makarating kami dito sa Dimension agad siyang nagtungo sa malaking refrigerator at kumuha ng redhorse at sanmig light. Umupo ako sa sofa kung san ko sila nakitang umiinom nung pumunta kami dito para hanapin si Kris. Ayaw ko na sanang pumunta dito kasi naaalala ko yung view dito noon kaso tong kumag na to eh bad influence. Bad boy talaga. Tsk..
BINABASA MO ANG
Win Him Back
General Fiction"Lahat gagawin ko. Mapatawad at balikan mo lang ako." -Victoria Margaux Calibre "Lahat gagawin ko. Maipamukha ko lang sayo kung ano ang sinayang mo." -Jared Kristian De Lima