#11 Dimensions

530 45 3
                                    

Papasok ako sa school ng walang buhay. Inaalala ko padin si Charles. Di na ba kaya siya papasok ngayon?


Habang naglalakad ay tinawag ako ni Marie at Lea.



"Hoyyy babae! Bakit wala ka kagabi! Di mo kami pinanood!" Halata sa boses ni Lea na nagtatampo siya.



Nawala na sa isip ko yung tungkolsa cheerings squad. Di ako nagbukas ng phone kagabi. Kaninang umaga ko nalang nabasa ang mga text nila. Akala ko nga madami ding text si Kris pero wala ni isa.



"Sorry. Sumama kasi yung pakiramdam ko. Babawi nalang ako ngayon." Sabi ko gamit padin ang matamlay ma boses ko.



"Talaga lang ha?" Sabi ni Marie habang nakataas ang kanang kilay na tila'y hindi naniniwala sa mga sinasabi ko.



"Magsorry ka dapat kay Kris. Alam mo bang badtrip na badtrip kagabi yan?"


At bumalik lahat ng senses ko ng marinig ang pangalan ni Kris sa mga kaibigan ko.



"A-andito siya?" Utal kong tanong.


"Oo malamang! Diba dapat ay kasama mo siyang manunuod? Alam mo bang lahat ng makasalubong niyan dito kagabi halos suntukin niya."



"B-bakit? Dapat sinundo niya ko sa bahay. Oh kaya tumawag siya."




"Ayy ewan ko sayo girl. Game na nila Marie. Mauna na kami. Kung ako sayo. Hahanapanin ko siya."



"O-okay. Sunod ako sa gym"

"Goodluck."



O geezz! I'm dead. Nakalimutan ko kasi kagabi na dapat pala na kasama ko siya. Na preoccupied kasi ako dahil sa nalamang aalis na si Charles e. Hahanapin ko nalang siya. Nagsend ako ng text sakanya at nagsimula ng maglakad.


Me:

Where are you?

Kris:

Why?

Me:

Can we talk? I'm sorry kagabi. Masama kasi yung pakiramdam ko. Asan ka?

Kris:

No thanks


Buti nalang at nahanap ko siya. Andito siya sa room sa upuan niya at nakayuko. Wala yung mga classmates namin dahil busy sila sa labas na nanunuod ng mga games.



"Kris" Tawag ko sakanya. At ng iangat niya ang kanyang mukha ay alam mo na agad na galing ito sa pag iyak. Anong problema niya? Di niya lang ako nakasama kagabi ganyan na kung magalit?



"Why you're here?!" Mahina pero madiin ang pagtatanong niya.


"I'm sorry. Please."

"You hurt me. Thanks."


"Why? Dahil lang ba di tayo magkasama kagabi? Yun lang!?" Di ko na napigilang mapasigaw.


"Yes! Yun lang! Yun lang! Galit ako kasi di tayo magkasama kagabi. Galit ako sayo! Di ka nakapunta dahil? Ano? Anong dahilan mo?!"


"M-masama pakiramdam ko. Nakatulog ako agad." I lied. Ayaw kong sabihin yung totoo. Magagalit siya alam ko.



Win Him BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon