"Jan yung kitchen oh." Turo na sa daan papunta sa kitchen niya. "Hay nakakapagod." Habol niya sabay bagsak ng katawan niya sa kanyang sofa.
Ngayon ko lang napagmasdan ang kabuuan ng kanyang unit. Ang kulay ng kanyang dingding ay kulay puti, karamihan sa mga gamit niya ay kulay grey o kaya black. Walang masyadong mga nakadisplay. Mahahalata mo talagang lalaki ang nakatira dito.
"A-ano bang gusto mo?" Tanong ko sakanya.
"Kahit ano." Sabi niya habang nakatingala.
Pumunta ako sa kanyang kusina at binuksan ang kanyang refrigerator at naghanap ng pwedeng lutuin.
Napagdesisyunan kong magluto ng beefsteak. Buti nalang at tinuruan ako ni Mommy magluto nito.
Habang tinitignan ko ang cooking pan ay biglang may mga brasong pumulupot sa katawan ko.
Nagulat ako sa ginawa niya, tumibok ng malakas ang puso ko pero hindi gaya nung nakaraang araw ay ang sarap ng tibok nito. Para akong nasa langit.
Nararamdaman ko ang kanyang hininga sa aking leeg dahil nakapatong ang kanyang baba sa aking balikat. My God! Ano ba to.
"Hmmmmm...Ang bango." Sabi niya pero alam kong nakatingin naman siya sa leeg ko. Ewan ko tuloy kung yung niluluto ko ang tinitukoy niya o ako. Agad akong namula sa sinabi niya.
"Uhmmm....T-t-tapos na to. Iseserve ko nalang." Utal kong sabi.
"You're stuttering." Tumawa siya. In seductive tone.
Kumalas siya sa pagkakayakap sakin.
"Do I still have an effect on you?" Tanong niya.
Ni minsan di natanggal ang epekto niya sakin. Kahit sa mga panahong wala siya. Ilang taon nga ba yun? Almost 4 years. Pero yung epekto niya ganon padin. Mahal ko siya mas grumabe pa.
"Yes." Simpleng sagot ko. Dahil no words can express how much I love him. Kung may mas grabe pa sa salitang 'love' yun na yun.
Tumawa siya. Yung tawang parang galit. Tumindig ang balahibo ko sa tawa niya..
Linapit niya ang mukha niya sa mukha ko.
"Liar." Mahina pero madiin niyang sabi tyaka siya tumalikod at naglakad papasok sa kwartong sa pag kakaalam ko ay ang kanyang kwarto.
Paano? Paano niya ko papaniwalaan? Pano siya maniniwalang mahal ko padin siya. Na hindi nawala yung pag mamahal ko sakanya. Ang sakit. Sobra. Pero I need to earn him again kaya kahit masaktan ako. Okay lang.
Pinahid ko ang mga luhang nagbabadyang kumawala sa mga mata ko.
Sinerve ko ang niluto ko sa table. 5pm na pala ng hapon. Antagal niya namang lumabas sa kwarto niya. Isang oras na siya doon.
Pagkatapos ng magatagal na paghihintay ay lumabas din siya. Naka aviator siya naka sumbrero ng patalikod naka leather jacket. Mukha siyang may lakad.
"Kain kana." Sabi ko.
Di siya sumagot. Umupo siya.
"Saan ka pupunta?" Sabi ko habang pinagsasandok siya ng ulam at kanin.
"Magbabar." Malamig niyang sabi.
"Sinong kasama mo?" Tanong ko ulit.
"Ano bang pakialam mo? O may pakialam ka nga ba sakin?! Diba wala naman!" Padabog niyang sabi.
"Kung ginagawa mo to at kung bumalik ka para saktan ulit ako at iwan, pwes! Di ka magtatagumpay. Tandaan mo yan!" Pasigaw niyang sabi.
Tinanggal niya ang kanyang aviator at hinagis.
Pulang pula ang kanyang mga matang nakatitig sakin. Ramdam ko dito yung sakit, lungkot at galit sakin.
Napaiyak ako sa mga sinabi niya. Ang hirap talagang pigilan eh. Sobrang sakit. Parang paulit ulit na pinipigilan ang pagtibok ng puso ko.
"Oh! Bakit! Bakit ka umiiyak! Alam mo bang ang galing mo?! Ng dahil sa pag iyak mong yan noon naniwala akong mahal mo ko. Pero hindi. Magaling ka lang magpanggap. Magaling kang umarte. Napaniwala mo nga ako noon diba?!" Tumawa siya pero halata sa tawa niyang galit siya.
"A-ano bang pwede kong gawin Kris ha! Para patawarin mo ko! Para maniwala kang totoong mahal padin kita! Ni hindi nagbago. Ganon padin. Lumala pa nga ata eh. Please naman!" Hagulgol ko sakanya. Di ko na nakayanan, nanlambot ang mga tuhod ko kaya ako napaupo.
"Kahit anong gawin mo. Wala na. Sasaktan kita, sasaktan kita kagaya ng pananakit mo sakin noon. Wawasakin kita gaya ng pagkawasak ko noon. Ni hindi mo alam kung anong ginawa ko para lang matanggal ka sa sistema ko. Hindi mo yun alam Vic." Sabi niya. Walang tumutulong luha sa mga mata niya pero pulang pula ito.
"I'm s-sorry K-Kris. Natakot lang ako. Natakot akong baka sa huli iwan mo lang ako. Baka masaktan lang ako ng sobra." Sabi ko habang umiiyak padin.
"Kaya ako ang iniwan mo! Kaya ako ang sinaktan mo ha! That's bullshit Vic! Fuck!" Napasabunot siya sa buhok niya. Halayang nagpipigil ng galit.
"N-natakot lang a-ako."
"Ako ba hindi! Lahat ng iniisip mo naiisip ko din! Pero ano ha! Kumapit padin ako! Kasi alam kong ganon din ang gagawin mo! Nagkamali pala ako." Sumsigaw padin siya.
"S-sorry!" Sabi ko. Niyakap ko ang kanyang mga tuhod.
Hindi siya gumagalaw. Hinayaan niya lang akong yakapin siya.
"Mahirap. Mahirap mag patawad. Nasaktan ako eh." Mahina niyang sagot.
"Nasaktan din ako." Sagot ko.
"Yun pala eh. Yun pala eh Vic. Nasaktan ako nasaktan ka. Alam mo kung bakit? Kasi bumitaw ka.."
Wala na kong mahanap ma pwede kong sabihin sakanya. Basag na basag na ang puso ko.
"Ayaw ko ng makita ka ulit. Ayaw ko ng malapit ka sakin. Kasi bumabalik lang yung sakit. Wag na nating ituloy yung napag usapan natin." Sabu niya sabay tanggal ng mga braso kong naka pulupot sa mga binti niya.
Niyakap ko ulit to. "No....No...Kris! Please no..please! Kahit wag mo na kong mahalin ulit. Basta hayaan mo lang akong mahalin ka ulit. Please!...I'm so willing to be your bed warmer, kahit hindi lang ako. Kahit madami pang ibang babae kung yan lang ang paraan para makasama ka ulit..."
"You're desperate." Sabi niya.
"Oo. Magpapakadesperada ulit ako. Para sayo. Gagawin ko ang lahat, mapatawad at maalis lang yang sakit na binigay ko. Gagawin ko lahat para lang bumalik ka. At sisiguraduhin kong babalik ka.
"I will win you back. I know. I will."
![](https://img.wattpad.com/cover/46191550-288-k634071.jpg)
BINABASA MO ANG
Win Him Back
General Fiction"Lahat gagawin ko. Mapatawad at balikan mo lang ako." -Victoria Margaux Calibre "Lahat gagawin ko. Maipamukha ko lang sayo kung ano ang sinayang mo." -Jared Kristian De Lima