Umuwi ang mga kaibigan ko ng di ko na muling kinausap si Charles. Bakit ba naman kasi niya ginawa yun? Bakit niya ko hinalikan.
Napagpasyahan kong pumunta sa unit ni Kris at magpaliwanag. Magpapaliwanag? Di na dapag kailangan diba? Kasi hindi naman kami? Pero bakit kailangan ko padin? Siguro dahil ang akala niya ay sinaktan ko siya muli.
Nagdoor bell ako ng tatlong beses hanggang sa binuksan ito.
"Kri--...Celine?" Nagulat ako sakanya.
"Uhmm...Victoria bakit?" Mahinahong tanong niya.
Bakit kaya pag tinitignan ko ang isang ito ay parang napakahina niya, she looks so fragile parang she needs Kris on her life. Mas kailangan niya si Kris kesa sakin.
Tyaka magkaka baby na nga pala sila. So kailangan ko na talagang layuan si Kris. Masakit na masakit pero ano ba dapat kong gawin? Diba ang layuan siya?
Ang mahirap kasi sa lahat, yung sakit niya lang yung nakikita niya eh. Pano naman yung sakit na nararamdaman ko?
"K-Kamusta yung b-baby niyo?" Utal na tanong ko. Pinipigilan ang mga luha kong kanina pa gustong kumawala.
"O-okay na yung baby ko." Ngumiti siya habang hinihimas ang kanyang hindi pa halatang tyan. "Buti nalang kumapit siya." Pahabol niya.
"B-buti naman k-kung ganon." I managed to smile at her. Masaya ako para sakanya at sa baby niya. May kung ano lang na kumukurot sa puso ko ngayon.
Naiinggit ako sakanya. Naiinggit ako dahil sila pwede. Kami ni Kris hindi na. Magkakababy na sila. Yung pinapangarap ko noon pa hindi na mangyayari pa.
"Tara pasok ka. Nagsashower si Kris eh." Sabi niya.
"Ah. No...Di na...Magpapahinga nadin ako...C-congrats nga pala." Sabi ko at tumalikod na sakanya, pagkatalikod ko ay siyang pagbuhos ng mga luha ko.
Ito na yung sagot, nasagot na. Huli na yun ang sagot, tama na kasi talo na ako. Kasi kahit anong laban ko wala ng pag asa, kahit gusto ko pa sanang lumaban kahit sugatan na ko hindi na pwede, kasi wala na yung pinaglalaban ko.
Pagkasara ko ng pinto ng aking unit ay pumunta agad ako sa kwarto ko.
Kailan kaya ako titigil sa kakaiyak? Kailan kaya maghihilom tong sugat na to. Sana paggising ko kinabukasan wala na. Limot ko na siya. Pero hindi eh. Kahit anong mangyari andito padin siya. Andito padin siya sa puso ko.
Nakatulog pala ulit ako sa kakaiyak. Pagkagising ko'y ang sakit sakit ulit ng mata ko. Ang laki na siguro ng eyebags ko.
Naligo ako at nagpalit ng damit para pumasok. Kailangan kong kausapin ang mga kaklase ko kung anong ginawa nila kahapon.
Habang naglalakad ako papunta sa school ay may nakita akong dalawang highschool student na naglalakad din papasok. Nalaholding hands sila at mukhang masayang masaya sila.
Hindi ko namalayang napaluha na pala ako habang nakangiting tumititig sa kanila.
"Uyyyy!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat.
"Ay sorry. Nagulat ata kita." Si Kristoff pala.
"Oo. Ginulat mo ako." Sabi ko sabay singhot.
"Teka umiiyak ka nanaman? Grabe ah. Kailan kaya kita makikitang yung nakangiti naman." Sabi niya.
Pinunasan ko ang mga luha ko at ngumiti sakanya.
"Saan ang punta mo?" Tanong ko sakanya para maiba ang usapan.
"Jan sa may restaurant. May kameeting kasi ako eh. Papasok kana?" Tanong niya.
"Oo eh. Papasok na ako." Sagot ko.
"Ahh..oh sige..Anjan nadin ata yung kameeting ko..Next time labas tayo ha? Text text." Sabi niya habang nakangiti.
"Ohh..Sige..Text mo ko." Sabi ko at nagpaalam na sakanya.
Naglakad ako papasok ng Lux. Huminga ako ng malalim. "Okay Vic. Gawin mong productive ang araw na to." Bulong ko sa sarili ko, ngumiti at naglakad na papunta sa first class ko.
Matapos ang klase ko, ay napagpasyahan kong pumunta muna sa ice cream shop. Naalala ko tuloy si Violet. Hindi ko na siya napuntahan kahapon kaya itetext ko nalang siya ngayon.
Me:
Violet, I'm sorry kung di kita natext kahapon. I have problems to solve kasi. Can we meet today? Andito ako sa Ice cream shop.
Agad naman siyang nag reply.
Violet:
Sure. Actually I'm here.
Agad akong naglakad papunta doon. At natanaw ko na siya mula sa labas.
Umupo ako sa harap niya at nagorder muna ako ng ice cream.
Pagkadating ng order ko ay agad ko siyang tinanong.
"Anong pag uusapan natin?"
Ngumiti siya sakin, pero bakas sa mga mata niya ang lungkot.
"Mahal mo pa siya?" Tanong niya. Wala siyang sinabing pangalan pero alam ko na kung sino ang tinutukoy niya.
"Anong pupuntahan ng usapang ito?" Seryoso kong tanong sakanya.
"Well. Sa tingin ko'y mahal mo padin siya. Alam mo nung iniwan mo siya sobrang nasaktan siya. Ni hindi nga niya magawang ngumiti eh. He's wrecked. Ilang beses din niyang sinubukang magpakamatay. Uminom ng bleach, mag over dose, magpakalunod pero di siya mamamatay matay dahil siguro hindi pa niya oras." Nakatingin siya sa mga mata ko.
Napahawak ako sa bibig ko. Kusa nading tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam na ganon pala katindi yung sakit na naibigay ko sakanya. Hindi ko alam na babagsak siya ng ganon kalalim. Mas naguilty pa ako ngayon. Bakit? Bakit ang sama sama ko na kahit ako'y galit na galit sa sarili ko.
"Pero, magmula nung dumating si ate Celine sa buhay niya unti unti siyang naging okay. Si Celine yung umalalay sakanya noon. Kahit na hirap na hirap na siya kinakaya niya. Ganon niya kamahal si Kris. Handa siyang masaktan para lang kay Kris. Salungat ng ginawa mo noon. Imbis na ikaw yung huling taong di siya iiwan, pero hindi. Nauna ka. Iniwan mo siya ng biglaan. Iniwan mo siya sa ere ng biglaan. Kaya biglaan din yung sakit na naramdaman niya."
Sobrang sakit na ng dibdib ko sa mga naririnig ko.
"T-tama na Violet...T-tama na." Hagulgol ko. Di ko na kayang pakinggan pa siya.
"Hindi. Kailangan mong marinig lahat ng to Victoria." Suminghap siya bago niya ulit pinagpatuloy ang sasabihin niya.
"Nakakasama ka lang sakanya Victoria. At siguro aware ka doon. Alam kong matalino ka kaya alam kong naiintindihan mo. You're not good for Kris. He deserves someone better. Nakikiusap ako, hayaan mo na siya. Hayaan mo siyang maging masaya. Hayaan mo sila ni Celine."
Durog na durog na ako.
"Oo na! Alam ko yan! Alam ko..
Kaya bago mo pa sinabi ang lahat ng to. Naisip ko ng gawin yang mga yan....Masaya kana?!" Di ko na napigilan ang sarili ko. Sumabog ako sa harap niya.Dahil di ko kinaya. Tumayo na ako at naglakad na palabas ng Ice cream shop. Pinagtitinginan ako ng mga taong nandun pero wala na akong pakialam.
Aalis na ko, aalis na ko ulit sa buhay ni Kris dahil ito anh tamang gawin. Sobrang sakit, pero kailangan kong kayanin.
BINABASA MO ANG
Win Him Back
General Fiction"Lahat gagawin ko. Mapatawad at balikan mo lang ako." -Victoria Margaux Calibre "Lahat gagawin ko. Maipamukha ko lang sayo kung ano ang sinayang mo." -Jared Kristian De Lima