Prologue
"Stop touching your pimples, Reina." Saway ni Noah sakin.
Bumuntong-hininga ako sa tapat ng salamin habang hinahawakan yung tatlong pimples ko sa kaliwang pisngi. Pinagmamasdan ako ni Rozen at Noah. Kanina pa sila natapos sa pagbibihis. Hinihintay nila akong matapos sa pag-aayos dito sa kwarto ko.
Naiirita akong tinititigan ni Noah. Nakangisi namang nakatingin sa cellphone si Rozen.
"Bakit kaya ampanget ko?" Tanong ko.
Tumayo si Noah at inayos ang gitara sa likod niya.
"Tayo na..." Aniya.
Sinuklay ko ang buhok ko at hinawi ang bangs na sagabal sa mukha ko. Pero gusto kong may bangs ako... tinatakpan kasi nito ang mukha kong daig pa ang rice terraces kung magkakapimples.
"Nininerbyos ka na naman ba?" Tumawa si Rozen at tinapik ako.
Umiling ako at lumunok.
"Nininerbyos ka nga... Don't worry Reina." Kumindat siya at tinalikuran ako.
Napilitan akong tumayo at sumunod sa kanila palabas ng kwarto ko.
Pangalawang linggo ko na sa college ngayon. Kumpara sa Grade 12, mas mahirap pala ang college. Mahirap kasi kailangan mong makihalubilo ng iba't-ibang tao. Kada subject, iba ang mga kaklase mo. Mabuti na lang at kasama ko parin ang iilan sa mga kaibigan ko noong highschool kaya hindi ako masyadong out of place.
Kaya lang, napepressure ako. Kilala ang mga kapatid kong gwapo at mayayabang sa school na pinapasukan ko. Buti nga at noon pa gumraduate si Kuya Dashiel, pero ito naman si Rozen at Noah, nasa college pa kaya di ko parin maiiwasan ang pagkukumpara ng mga estudyante.
"Yung mga lalaking Elizalde ang gu-guwapo... Pero si... uhm... Bakit kaya?"
Napapayuko na lang ako tuwing may naririnig akong ganyan. Syempre, walang may kayang sabihin iyan sa harapan ko o kaya iparinig sa mga kuya ko. Patay sila kung mangyari. Nakakawala o bawas tuloy ng self-esteem (kung meron man ako ng ganun).
Hindi ko na nga tinatawag si Rozen at Noah na 'Kuya' simula nung nag college ako. Ayoko kasing ikumpara sa kanila. Pareho silang gwapo at overconfident. Ako ang kabaliktaran nila sa lahat ng bagay.
"Rei-na!" Sabay yakap ng malambing kong bestfriend na si Coreen.
Mas mukha pa nga itong Elizalde sa akin. Naiisip ko tuloy minsan kung ampon ba ako. Pero lagi naman nila akong sinasabihan na hawig ko ang mommy ko. Mejo maitim lang daw ako ng konti tsaka tadtad sa pimples ang mukha.
"Totoo ba yun? Maraming nagtatanong sakin, e?" Tumaas ang kilay niya.
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
Roman d'amourIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...