Kabanata 3
Gwapo Pero Suplado
Nagdaan ang mga pareparehong araw. Araw-araw kong nararamdaman ang pagtusok ng matutulis niyang tingin sa likod ko. Alam mo yung feeling na ayaw mong gumalaw sa kinauupuan mo? At yung feeling na nahihiya ka pag tinatawag ka ni Mr. Dimaano para sagutin yung pointless niyang tanong? Ultimo pag tayo mo para sumagot, nanginginig ka na kasi pakiramdam mo panay ang titig niya sayo.
Bakit ba kasi sa likuran ko siya nakaupo?
"Yes, Mr. Rivas." Tinuro siya ni Mr. Dimaano nang nakangiti.
"I guess it's St. Thomas Aquinas' first principles of action, Sir."
Nakapangalumbaba ako at naninigas na naman sa upuan ko. Soothing ang boses niya pero tuwing naiisip kong masahol ang ugali niya, bumabalik ang stress ko.
"Exactly." Nakangiting tumango si Mr. Dimaano.
Pumalakpak ang mga kaklase ko. Napaupo ako ng maayos. Humalakhak si Wade at nakipag-high five sa mga lalaking kaklase ko.
Ang galing niya rin. Marami siyang alam at mukhang studious. Madalang ito sa mayayaman pero siguro dahil na rin laking probinsya niya, alam niya ang kahalagahan ng pag-aaral.
Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko 'to para tignan kung sino ang nagtext.
Noah:
Reina, classmate kayo ni Wade right now, diba? Pls tell him may practice kami ngayon. 5PM, gym.
Nanlaki ang mga mata ko. Mabilis kong ni-type sa cellphone ko ang reply.
Me:
Tanggap na siya?
Agad nagreply si Noah.
Noah:
Yup, baby.
At ako ang magbabalita sa kanya? Sakin manggagaling ang balitang ito? Perks of being an Elizalde. Sinakluban ako ng langit at lupa nang narealize kong kakailanganin kong mag aksaya ng laway para magsalita sa kanya. Paniguradong susungitan niya na naman ako.
"REINA CARMELA ELIZALDE! ILANG BESES KO NA BANG SINABI SAYO NA BAWAL ANG CELLPHONE DITO SA CLASSROOM?" Sigaw ni Mr. Dimaano.
Takte! Napatayo ako sa sigaw niya.
"Sorry po, Sir!" Uminit ang pisngi ko.
Natahimik ang mga kaklase ko. Yung iba ay nagkunwaring walang naririnig, yung iba naman ay painosente effect. Hindi lang naman ako yung nagti-text dito pero talagang maswerte ako kay Mr. Dimaano.
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...