Kabanata 43
Bagay Sa Buhay Mo
"Uh! Shot?" Sabay wagayway ni Warren sa isang bote ng beer.
Binigyan niya sina Wade at Joey. Thank you so much, Warren! Nabaling sa ibang subject ang atensyon nila.
Unti-unti akong bumalik sa pagkain ko. Pero habang sinusubo ko yung pagkain ay sumulyap ako kay Wade. Nakita kong palihim din siyang tumitingin sakin kaya agad akong nag iwas ng tingin.
"Hindi ko alam na madalas ka pala kina Wade, Reina." Pabulong na sinabi ni Liam sakin.
Namutla ako.
Narinig ko rin ang, "Tsss!" Ni Wade kaya napatingin ako sa kanya at naabutan kong umiinom siya ng beer at tumatawa sa sinasabi ng dalawang babae sa tabi niya. Bumaling ulit ako kay Liam.
"Nagre-review kami noon para sa subject namin. Weak talaga kasi ako pagdating sa acads."
Tumango siya pero nakita ko parin ang pagtataka sa mukha niya. "Close pala kayo? Di ko alam yun. Mukhang di mo naman siya nabanggit, ah? Akala ko ako lang yung lalaking close mo."
Umiling ako, "H-Hindi. Uhm, hindi naman talaga close." Napatingin ako kay Wade at nakita kong tulala siyang nakatitig sa beer niya kahit nagsasalita ng nakakatuwa yung isang babae.
"So? Ako lang yung close mong lalaki?" Ngumisi si Liam at inakbayan ulit ako.
Lumayo ako ng konti at nginitian siya, "Syempre, ano ka ba!" Tumawa ako sa reaksyon niyang pag pu-puppy eyes sakin.
"Huy, Liam. Ano na yan? Pinopormahan mo na ba si Reina?" Saway ni Rozen sa paakbay-akbay ni Liam sakin.
"Haha! Dude, matagal na! Hindi mo ba alam?" Tumawa si Liam.
Uminit ang pisngi ko, "Ikaw talaga! Bolero!"
"Totoo ba yan, Reina?" Tumaas ang kilay ni Rozen sakin.
Mas lalong uminit ang pisngi ko gayung nakabaling na silang lahat sakin, "Heh! Ewan ko sayo!" Sabay sapak ko kay Liam.
"Uy! Noon ko pa kaya sinabi sayong manliligaw ako! Ayaw mo lang maniwala! Ito talaga! Sa sobrang close namin, di na siya naniniwala sakin. Akala niya nagbibiro ako!"
Humagalpak sa tawa sina Warren at Joey. At oo, 2 years ago, sinabi ni Liam sakin na gusto niya raw ako. Nagpaalam siyang manliligaw sakin pero hindi ako naniniwala. Masyadong imposible. Alam kong nadala lang siya sa mga magulang namin. Kung iniendorse ng mga magulang ko si Liam sakin, mas lalo naman akong iniendorse ng mga magulang niya sa kanya. Siguro ay nadala lang siya doon. Wala din siyang gaanong close sa Paris, ako lang ang laging nakakasama niya.
"Nakoo... Ganyan talaga si Reina, hindi yan madaling nag titiwala." Singit ni Wade sabay inom ng beer.
"Alam ko yun, Wade." Sabi ni Liam. "Kaya nga naghihintay parin ako ngayon hanggang sa maniwala siya."
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...