Kabanata 55

1.6M 37.2K 20.6K
                                    

Kabanata 55

Sore

Tanghali na nang nagising ako sa sarili kong kama. Kinapa ko ang mga damit kong in place naman. Walang nawala. Buo parin naman ako.

Ang tanging naalala ko lang kasi ay nasa bar ako at umiinom. Agad akong bumangon para tignan kung anong oras na pero nahilo ako. Napahawak ako sa ulo ko at naramdaman kong bumabaliktad ang sikmura ko.

OH NO! I'm gonna vomit?

Tumakbo agad ako sa CR at naghintay kung kelan ko feel magbalabas ng lahat. Mabuti na lang at mejo nawala at humupa ang pagbaliktad ng sikmura ko.

Humarap ako sa salamin at inayos ang buhok ko.

"Nasusuka ako?" Napahawak ako sa tiyan ko.

Inalala ko lahat yung nangyari kagabi. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang naalala ko yung mga nakakahiyang sinabi ko kay Wade. Napapikit ako at napapukpok sa ulo!

"OH MY GOD! OH MY GOD! OH MY GOD!"

Napatalon-talon ako. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon. My goodness! Ang kapal ng mukha ko! Teka? May nangyari ba samin? Kinapa ko ulit ang tiyan ko. Nasusuka ako kanina.

"AM I PREGNANT?"

Tumakbo ako papasok ulit sa kwarto ko para hanapin ang cellphone.

Maraming messages doon.

"Liam, Liam, Coreen, Rozen, Liam, Kuya Dash, Mommy, Mommy, Dad-"

Wala akong numero ni Wade! Pero may nakita ako doong unknown number na nagtext! Nanginig ang kamay ko nang pinindot ko para tignan kung sino at anong sinabi.

Hindi niya sinabi kung sino, pero alam ko na agad.

Text:

Inom ka ng malamig na tubig pag gising mo at kumain ka ng maayos.

Agad ko iyong ni-dial yung number na iyon. Bumungad sakin ang isang malamig at pamilyar na boses.

"Reina," Untag ni Wade.

Napapikit ako at naramdaman ko ang irregular na pag pintig ng puso ko. "Wade... Uhmmm."

"Kakagising mo pa lang ba?" Tanong niya.

May narinig akong ingay sa background niya.

"Wade, hindi mo ba sasagutin ang tanong ko?" Si Zac iyon, tono pa lang ng pananalita at accent ay alam kong siya na agad.

"Zac, ang clingy mo talaga! Kitang may kausap ang tao." Sabi ni Adam.

And I'm sure tahimik si Austin na ngumingisi sa kanila. Sa iksi ng panahon ay nakilala ko na ang mga kabanda ni Wade.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon