Kabanata 26
Bakit Kaya?
Binalot kami ng katahimikan. Hindi siya gumalaw. Nakatalikod lang siya sakin.
"A-Anong sabi mo, Wade?" Tanong ko, kahit nauutal at nanginginig na sa saya.
"Don't make me say that again, Reina." Mariin niyang sinabi sakin.
Bumuntong hininga siya at kumuha ng mga plato.
Tumayo ako para tulungan siya sa mga plato.
"Ako na..." Untag ko.
Hinawakan ko yung platong hinahawakan niya kaya nahawakan ko rin yung kamay niya. Uminit agad ang pisngi ko. Tinitigan niya ako. Ako naman ngayon ang hindi makatingin sa mga mata niya. Parang sasabog ako sa kilig dahil sa sinabi niya at nangyayari ngayon.
"Wade!" Sigaw ko nang tinalikuran niya ako.
Natigilan siya.
"Ako rin naman, b-baliw na baliw sayo."
Nabigla ako nang hinila niyang bigla ang dalawang braso ko. Ikinulong niya ako sa bisig niya saka marahang hinalikan ang mga labi ko. Dilat na dilat ang mga mata ko at nakapikit naman ang mga mata niya at nakakunot ang noo. Ramdam na ramdam ko rin ang init ng katawan niya dahil topless siya. Nalasing ako sa halik niya. Ganito pala ang feeling. Yung hindi mo mapigilan ang unti-unting pagpikit ng mga mata mo at panghihina mo. Nakahawak yung kamay niya sa braso ko, pero dahil sa unti-unting panghihina niya at panghihina ko ay nahawakan ko na rin ang braso niya para suporta sa sarili ko.
Baka bumigay pati yung nangangatog kong binti.
Marahan at malalim siyang humalik. Hindi ito tulad nung una na smack... Ito na yung tinutukoy ni Coreen.
"Ugh!" Marahan niya akong itinulak.
Nakaawang ang bibig ko at mainit pa ang pisngi ko sa nangyari.
Nilagay niya ang kamay niya sa noo at ginulo niya ang buhok niya.
"B-Bakit?" Tanong ko.
Sumulyap siya sakin. Suminghap agad siya nang makita ang nagtataka kong ekspresyon.
"Langya, Reina. Wa'g kang masyadong..."
Kumunot ang noo ko.
"That was my first kiss, Wade. And I don't mind giving it to you..."
Kahit may takot ako sa puso ko dahil sa pagiging playboy niya, nangunguna parin yung pananalig kong hindi yun magagawa ni Wade Rivas. Kasi kung sana ay gagawin niya akong 'biktima' sa pagiging playboy niya, dapat simula palang ay pinormahan niya na ako. Pero, hindi, diba? Lahat ng tao ay nginitian niya, ako lang yung sinungitan niya.
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...