Kabanata 23
Simula Ngayon
Dahil tahimik si Wade, natahimik na rin ako. Kumain kami ng lunch doon sa ilalim ng puno. Kumain din kami ng snacks. Kahit na tinitignan lang naman namin ang paligid.
Hinawakan ko ang labi ko at tinignan ang nakapikit na Wade sa mat. Orange na ang kulay ng langit, malapit na ang sunset. Pero ayaw ko pang bumalik sa bahay. Gusto ko pa dito. Gusto ko pang kasama siya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko. I think I'm in love with him.
Yung halik niya, yung mga sinasabi niya, yung actions niya... lahat... In love na yata ako sa buong pagkatao niya. Alam kong noon ko pa naideklara na in love ako sa kanya pero mukhang ngayon ko lang naramdaman na totohanan na ito.
"Wade." Niyugyog ko ang matigas niyang braso.
"Hmmm?" Dinilat niya ang isang mata niya.
"Laro tayo. Habulan."
"HUH?" Dalawang mata na ang nakadilat sa kanya ngayon.
"TAYA!" Sabay tapik ko sa braso niya at tumakbo na ako sa malayo.
Unti-unti siyang bumangon. Magulo ang buhok niya habang tinitignan ako.
"Ayoko, Reina." Sigaw niya sakin.
"Huh? Bakit? Sus! Sige na! KJ ka naman." Sabi ko.
Huminga siya ng malalim at tinignan akong tumatakbo-takbo sa damuhan.
"Reina, ayoko." Masungit niyang sinabi.
Nanliit ang mga mata ko. Ang KJ naman ng lolo niyo. Nilapitan ko si Wade. Dahan-dahan. Pa unti-unti. Baka kasi bigla akong maging taya sa laro namin.
Tumawa siya sa ginagawa ko.
"Ayoko, Reina." Ngumisi siya.
"Ba't naman?" Tanong ko.
Tumayo siya at nabigla ako kaya tumakbo ako ng kaonti.
"Wade! Habulin mo ako!"
Nalaglag ang panga niya at napakunot ang noo niya sakin. Tumawa ako sa reaksyon niya. Ayaw niya paring gumalaw kaya nilapitan ko siya ng bahagya. Natatawa pa ako sa reaksyon niya.
"Reina... wa'g." Simpleng sinabi niya.
"Bakit? Kasi di mo ako mahabol? Haha!" Lumapit-lapit pa ako sa kanya.
Nang isang metro na lang ang lapit ko ay tumawa na siya at sinubukang abutin ako.
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...