Kabanata 32
Kalesa
"Kuya," Sabi ko sa driver.
Yung isa kasi ay tulog pa.
"Po?" Sumulyap siya sakin sa salamin.
"Pwedeng dito muna ako?" Tanong ko.
"Po? Bakit?"
"Gusto ko pong mamasyal dun." Sabay turo ko sa papalapit na plaza at soccer field.
Dito kasi kami nagkasundong magtagpo ni Wade.
"Anong oras po namin kayong susunduin? Tsaka, hindi ka pa nag aalmusal. Paano kung tumawag sina Sir sa resthouse-"
"Sabihin mo namasyal lang saglit."
"Pero, ma'am, hindi pa po ito Camino Real."
"Alam ko... I-I mean, pagkatapos nito Camino Real na naman, diba? Manong, itetext na lang kita kung magpapasundo ako. O di kaya ako na lang ang uuwi."
"Mas mabuti pong itext niyo na lang kami."
Tumango ako at agad niya namang itinigil ang sasakyan sa tapat ng soccerfield.
Tumindig ang balahibo ko nang nakita kong may mga naglalaro. Grupo iyon ng mga lalaking malamang ay taga rito. May nakita nga akong tatlo sa kanila na nakatopless. Ganito ba talaga sa probinsyang ito?
"Ma'am, hindi ka ba lowbat?"
Umiling ako ng wala sa sarili sa driver namin.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Ang sarap ng feeling na nakaapak ka ulit sa lupa pagkatapos ng 9 hours na byahe.
Nakatingin ako sa mga naglalaro nang biglang may tumili sa pagkaka goal ng isa.
"AAAAAAAAGH! WADE! ARGHHH" Seriously, hindi yun tili, ungol yun.
Sumimangot ako at tinignan kung sino yung mga tumili. Nalaglag ang panga ko nang nakita kong isang batalyon lang naman ng babae na halos maiyak sa pagkakagoal ni Wade. Hindi ko pa mahanap si Wade, pero ngayong sigurado akong nandito siya, natoon ang pansin ko sa dose-dosenang fanatics niya.
Yung iba my dala pang banner. What's with Wade Rivas and banners? Ganun ba talaga ka baliw ang mga tao sa kanya?
"WADE RIVAAAAAAAS!"
"KYAAAA! GO WADE!"
"OMG! NAKATINGIN SATIN! OMG!" Ayan! Nagkasabunutan na sila sa sobrang kilig.
Napatingin ako sa tinitignan nilang si Wade. Naabutan ko siyang nakatitig sakin at napaawang ang bibig. Mejo hinihingal pa siya at napag iwanan na ng bola at ng ibang players. Tumayo lang siya dun at naliligo ng pawis dahil sa paglalaro ng soccer.
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...