Kabanata 2
Mga Lihim na Galit
"Reina..." Sabay kalabit ni Coreen sakin.
Nagsasalita pa ang professor namin. Kakarating lang niya at seryoso siya sa mga pinagsasabi niya tungkol sa subject namin. Nakakainis si Coreen, mamaya mapapagalitan ako dito. Hindi pa naman ako magaling magtago ng nararamdaman, si Coreen naman bihasa sa ninja moves kaya ako lang napapagalitan pag nakikipag-usap siya sakin sa gitna ng klase.
"Anu na naman ba?" Bulong ko sa kanya.
"Ang bait pala ng Wade Rivas na yun." Humalakhak siya.
Are you freaking kidding me? Napatingin ako sa kanya. Diretso ang tingin niya sa professor namin habang nagsasalita.
"Oo. Kilala mo si Roxanne? Aniya, tinuruan daw siya ni Wade sa isang assignment niya. Talagang tinuruan niya lang daw bigla. Nakita niya kasing hindi marunong si Roxanne-"
"Nagpapasikat lang yun. Siguro sinabi niya kay Roxanne, 'Ikaw kasi di ka marunong, bobo!'" Humalakhak ako.
"Loka! Bakit mo nasabi? Akala ko ba crush mo siya?"
"Oo! Kasi gwapo. Pero ngayon, nalaman kong suplado pala. Ayoko na."
Tumaas ang kilay niya, "Sigurado ka bang si Wade freaking Rivas yung sinasabi mo dito? My God! Maraming testimonya na mabait siya. Ikaw lang yung nagsasabing suplado."
"Mabait siya. Yun ang mga sinasabi nila kasi gwapo siya. Naiimpress lang sila sa mukha niya pero ang totoo, suplado siya. Tsss." Umirap ako at tinignan ang ekspresyon ni Coreen.
Hindi ko alam kung bakit laglag ang panga niya habang nakatingin sa pintuan.
"Coreen?" Sambit ko sabay kalabit sa kanya.
"REINA CARMELA ELIZALDE!" Sigaw ng professor namin.
Sa sobrang lakas ng sigaw niya, napatalon ako at napatingin sa harap. Parang tumatakbong kabayo ang kabog ng puso ko sa kaba.
"MANANG-MANA KA TALAGA SA MGA KAPATID MO! I'M TALKING HERE, STOP MURMURING! GET ONE WHOLE SHEET OF PAPER! KAYONG LAHAT!" Sigaw ng shet naming professor.
"Ugh! Reina naman!" Sabi ng mga kaklase ko sa likuran.
"What do you want, boy!" May isa pang sinigawan si Mr. Dimaano - yung matandang propesor namin na hobby ang pagsigaw sakin at ikumpara ako sa mga kapatid kong puro balahura.
Natahimik ang lahat habang pinagmamasdan naming humahakbang papunta kay Mr. Dimaano si Wade Rivas.
"Late enrolee po ako. Sorry." Binigay niya ang isang kulay asul na papel kay Mr. Dimaano.
"Hmm. Sige! Di ka exempted, ah? Get one whole sheet of paper."
Hindi na kumuha ng one whole sheet of paper ang mga kaklase ko kasi panay na ang daldalan nila tungkol kay Wade. Kumuha ako ng papel at sumulyap sa kanya habang sinusuyod ang classroom para sa mauupuan niya. Wala pa namang nakaupo sa likuran ko, malamang dito siya uupo.
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...