Kabanata 56

1.6M 31.9K 7.5K
                                    

Kabanata 56

Tanggap na!



Naging busy ako sa pag gawa ng mga designs. Sineryoso ko yung suit ni Wade. Kagit jacket lang naman talaga yung gusto niya, mas matagal ko iyong ginawa kesa dun kay Adam. Sinumulan ko na rin yung kay Shan.

Design pa lang ang gagawin ko kasi di ko pa siya nakukunan ng sukat.

"Eto ba yung kay Wade?" Tanong ni Liam habang pinapanood akong ginagawan ng design yung kay Shan.

"Uhm, oo."

Pinagmasdan ko siya. Hinawakan niya iyon. Naaasiwa ako habang hinahawakan niya yun, para bang hindi ako kumportable.

Sinoot niya yun at nabigla ako nang  kasya pala iyon sa kanya.

"Pareho pala kami ng sukat ni Wade." Ngumisi siya at pinagmasdan ang sarili niya sa salamin.

Tama si Liam, halos magkapareha lang sila ng frame sa katawan ni Wade. Magkasingtangkad lang din sila. Halos magkapareha talaga ang dalawa.

"So? Anong oras tayong pupunta kay Shan?" Tanong ni Liam sakin at hinuhubad yung suit ni Wade.

Tinulungan ko siya sa paghubad para maayos ko at maligay sa tamang lalagyan.

"Bait talaga ng Reina ko." Sabay kurot niya sa pisngi ko.

Ngumisi ako, "Tumigil ka nga, Liam."

Kinurot niya naman ang ilong ko, "At dahil diyan, ihahatid kita doon sa office ng manager ni Shan. Saang building nga iyon?"

"Naku! Wa'g na!" Sabi ko. "Kaya ko namang mag drive."

"Live up to your name, Reina. You're a REYNA, dapat kang tinatratong ganun. So let me drive, alright?"

Nagpuppy eyes si Liam sakin. Umiling ako at ngumisi. Ang kulit talaga ng isang ito.

"O sige."

Hindi kami laging nagkikita ni Wade dahil busy siya sa recording para sa lalabas na album. Ang alam ko, sa awards pa ang susunod naming pagtatrabaho. O di kaya sa photoshoot ng album cover nila. Busy siya, at okay lang din sakin kasi busy din ako. Minsan, hindi ako mapakali at iniisip ko kung anong ginagawa niya pero hindi niya ako binibigo. Palagi siyang may text sakin, madalas din siyang tumawag. Bumibisita din siya sa labas ng bahay. Oo, hindi ko siya pinapapasok dahil ayokong may kabalbalang gawin si Rozen saming dalawa. Pwera na lang kung hinahalungkat ni Rozen yung CCTV namin sa may gate, baka alam niya ng may katagpuan ako sa labas ng bahay namin gabi-gabi.

"Wala ka na bang naiwan?" Tanong ni Liam sakin nang pumasok ako sa sasakyan niya.

"Wala na."

Tambak na sa kwarto ko yung mga bulaklak at gifts na binibigay ni Wade. Hindi na nga ako nagpapapasok dahil ayaw kong may gumulo sa mga ito.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon