Kabanata 47
Mapansin Kaya
"Paano ba yan, choosy si Wade Rivas. Ikaw daw dapat."
Umiling ako.
Palibot-libot si Hugo sa paglalakad sa sofa na inuupuan ko.
"Ba't ayaw mo? Hindi ba break mo na iyan. I'm sure gusto rin ito ni Dashiel para sayo."
"A-Ayoko, Hugo. Pwedeng ibang artista or something?"
"My God! Anong ibang artista? Going South is practically the most amazing band right now and Wade Rivas is the hottest male artist of all time. Bakit mo aayawan at ipagpapalit sa iba."
Kung pwede ko lang ihayag sayo kung bakit ayaw ko, matagal ko ng sinabi.
"Think about it, Reina. Signing a contract from his manager can take you real far sa fashion industry. It's the biggest break. Even bigger than a chance to show off for the Fashion Week."
Yumuko ako at tinitigan ang mga kuko ko.
"Bakit, Reina?" Tumigil siya sa likuran ko. "May something ba kayo ni Wade Rivas?"
Napaupo ako ng maayos sa tanong niya.
"A-Anong something? W-Wala ah!"
"Bakit nauutal ka?"
Umiling ako, "Hindi! Wala!"
Nagngising-aso siya sakin, "There's something. Tell me about it, Reina. Sakaling meron, hati tayo sa kikitain mo pag naibenta ko sa Yes! o sa Buzz! Ano?" Humalakhak siya.
"Hugo! Walang something samin! He's a... a family friend. Vocalist siya dati nina Noah."
Tumango siya pero di parin natatanggal ang ngising-aso niya.
"Kung ganun, bakit ganyan ka makareact? Kung family friend naman pala... edi okay. Tsaka narinig mo ba yung sinabi ni Wade?" Tumaas ang kilay niya at mas lumaki ang pagngingiting-aso niya, "I want her mine."
Napalunok ako, "Whatever, Hugo. He-He's just... a-ah ano kasi kaibigan ko siya..."
Naks! Tumindig ang balahibo ko pagkakasabi ko noon.
"Tapos-"
Narealize kong ngising-aso lang talaga ang maibibigay na reaksyon ng juding na ito. Mukhang hindi yata maniniwala sa lahat ng sasabihin ko unless kung sabihin kong may relasyon kami ni Wade.
"Tapos... ayun, gusto nga niya ako. Kaso ayoko naman kasi baka sabihin niyang ano... ginagamit ko lang siya."
"Ahh... Really?" Tinaas-taas niya ang isang kilay.
I sighed. I give up.
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...