Kabanata 31
Clean and Green
Hindi matanggal ang ngiti ko buong weekend. Hindi parin kasi talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari. Kami na ni Wade! Hindi ko alam kung pagsasabihan ko ba si Coreen gayung mukha atang busy siya.
Mataas pa naman ang panahon. Pwede ko pa siyang kwentuhan sa susunod na araw. Mas naging maalaga ako sa katawan. Hindi ko na nga mabilang kung pang ilang session ko na ngayon ito sa derma. Mas naging conscious ako sa buhok ko. Mejo humaba na ang bangs ko kaya hindi na kailangang matabunan ang mukha. Hindi narin ako tinutubuan ng tigyawat.
Napapangiti ako tuwing nag ti-text si Wade. Madalas siyang mag text. Wala na siyang sakit nang umalis ako sa apartment niya sa araw na iyon. Kaya ang ginagawa niya ngayon ay naghahabol ng mga huling lessons. Studious si Wade. Kahit na matalino na siya at mas mukhang ako pa yug kailangang mag-aral.
Nakakapanghinayang nga dahil isang subject lang kaming magkaklase.
"Iba yung kay Aquinas, iba yung kay Augustine. Tignan mo sa hand-out, may nilagay akong table ng similarities and differences ng dalawa." Sabay turo niya sa mga handout.
Tumango ako. I feel so hopeless. Hinayupak! Ako na nga itong panget ako pa itong bobita! Ba't si Wade nasa kanya lahat? Akala ko ba all is fair in love and war? Bakit hindi naging fair ang panginoon sa pagbibigay ng magandang traits? Bakit sinalo niya ang lahat?
Tumango ulit ako at nagsimulang magbasa sa mga isinulat niya.
Nakapangalumbaba siya at tinitignan akong nagbabasa. Sumulyap ako sa kanya sa taas ng papel. Nakita kong seryoso ang mukha niya.
Kinabahan ako sa titig niya. Ayan na naman kasi... nakakapanindig balahibo. Kahit wala naman siyang ginagawa at nakapangalumbaba lang siya sa tabing pinagmamasdan ako, parang kabayong tumatakbo ang puso ko. Unti-unti pa akong lumulutang sa kinauupuan ko. Naka indian-sit kasi siya sa sahig. Ako naman ay parang palakang nakaupo. Pinapalibutan kami ng mga unan. Study session kuno.
"Tapos, Wade, paano itong-"
Hinawi niya ang hand-out sa kamay ko. Hinila niya ang kamay ko palapit sa kanya. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang kaba. Shiz!
"A-Akala ko ba mag aaral tayo?" Sabi ko nang naramdaman ko na ang kamay niyang pumulupot sa baywang ko.
"Anong gusto mong pag aralan?" Bulong niya sa tainga ko.
Naglakbay ang pag tindig ng balahibo ko galing sa likuran hanggang sa leeg.
Para akong unan na hinagkan niya na lang ng basta-basta at pinwesto sa gitna ng mga hita niya. Hindi siya nakatopless ngayon pero bakit damang-dama ko parin ang kainitan ng abs niya? Kaya nga heat-inducing, diba? Kasi mainit talaga. Shiz! Namamanyak na naman yata ako.
"Ano... Syempre itong Philo." Sabi ko.
"Ah! Tama na muna yang pag-aaral. Kanina pa nga ako hindi nakakapag concentrate dito dahil sayo."
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...