Kabanata 38

1.3M 32.2K 11.6K
                                    

Kabanata 38

Bibigay Ka Rin Pala

Dahil wala naman akong kakilala dito sa Paris bukod sa ilang hindi ko ka close na relatives tsaka ang dalawa kong kapatid, si Liam ang laging kasama ko.

Nandito siya para mag aral din sa Paris, yun nga lang sa isang music school. Dalawang taon siya dito, ako naman, siguro mahigit apat na taon pa ako dito. Yun ay kung makakaya ko.

Milya-milya na ang layo ko. Halos light years na nga, pero bakit walang pumapasok sa utak ko kundi yung lahat ng nangyari? Mali ba yung desisyon ko? Iniwan ko ba talaga si Wade na warak warak ang puso? Ano? Kasi sa ngayon, yun lang ang laging laman ng utak ko.

"It's been two weeks, Reina. Wala ka paring ma isketch?" Umupo si Liam sa damong inuupuan ko rin.

Kaharap ko yung mga batang naglalaro at mga patong tumutuka ng bread crumbs.

That duck... tumutuka-tuka siya at kumikislot. Naaalala ko tuloy yung native chicken na dala ni Wade sa gym noon. Buhay pa kaya iyon? Nakalimutan kong itanong sa kanya kung anong ginawa niya sa kawawang manok. Wala naman siyang manok sa loob ng apartment niya. Naisip ko din ang kabuuan ng apartment niya. It was so bare... Walang arte. Simpleng simple. Nilagyan ko nga ng bulaklak isang araw habang nag rereview kami para sa finals...

"Hey! Reina!" Kumaway si Liam sa harap ng mga mata ko.

Nabunutan ako ng tinik at bumaling sa kanya.

"W-What?"

"Ang sarbi ko, araw-araw tayong nandito, pero wala ka paring nai-isketch. Hindi ka ba mahuhuli sa klase niyan?"

Napalunok ako. Shiz! Naapektuhan pa yata ang passion ko sa mga iniisip ko. Sinubukan kong mag sketch ng isang tao.

"Better." Ngumisi si Liam nang nakita ang pag sisimula ko.

Ilang sandali pa ang nakalipas, nilagyan ko ng buhok yung outline ng lalaking nida-drawing ko.

"Hmmm."

Nanginig ang kamay ko nang narealize ko kung kaninong buhok ang nilalagay ko. It was his dark messy hair... His perfectly shaped and angled jaw...

Huminga ako ng malalim at tumigil sa pag s-sketch.

"Clothes for men?" Tumawa si Liam. "Type mo rin yun? Pwede ka bang stylist ko?"

Ngumisi ako pero naasiwa ako sa ginawang sketch. Sa oras na malagyan ko ito ng kahit mata man lang, alam ko na agad na mamumukhaan ito ni Rozen.

Pero bago ko ito iwan, nilagyan ko muna ng isang permanenteng bagay na nakakapagpaalala sa kanya hanggang dito.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon