Kabanata 44
Sukatan
Nakatingala ako sa ilaw sa kwarto ko pagkagising ko sa sumunod na araw. Namumugto ang mga mata ko sa pag iyak kagabi. Puyat ako kasi hindi ako agad nakatulog sa kakaisip sa mga sinabi ni Wade sakin. He's so hurt. Nasaktan din naman ako pero mas nasaktan ko siya dahil sa mga sinabi ko sa kanya at sa pag iwan ko sa kanya.
Mapapatawad niya pa kaya ako? Sa mga sinabi niya sakin kagabi, mukhang hindi eh. Para siyang sumabog na bulkan sa galit niyang ipinakita kagabi. Maibabalik pa ba namin yung dati? At kung hindi man, sana mapatawad niya na lang ako.
May lumandas na luha na naman sa mata ko. Ang hapdi-hapdi na nito sa kakaiyak ko kagabi.
"Ma'am." Sigaw ni manang at kumatok sa kwarto ko.
Madali kong pinunasan ang luha ko at inayos ang sarili.
"Po?"
Binuksan ko ang pintuan para salubungin si Manang. Nakita kong may bitbit siyang telepono.
"Tumawag yung manager ni Mr. Rivas. Ang sabi puntahan mo raw si Wade sa kanyang condo para masukatan ng suit niya."
Nalaglag ang panga ko at kinuha agad ang telepono sa kamay niya.
"Hello?"
Pero walang sumagot.
"Wala na po... Kanina pa siya tumawag. Binaba niya na. Ngayon lang kasi kita nagising."
Lumingon-lingon ako sa pag-aakalang nasa Paris pa ako at condo ko pa ito. Walang wall clock sa tapat ko, Oo nga pala, nasa bahay na ako!
"Anong oras ako pupunta at anong oras na?"
"Ang sabi eh mamaya pang alas tres. Alas dose pa lang ngayon."
"Okay po, salamat. May address ba ng condo ni Wade, manang."
Inabot ni manang ang address ng condo ni Wade. Nanlaki ang mga mata ko nang nakitang sa last floor ito ng isang sikat na pangmayamang condo. Dinaig pa si kuya Dashiel!
"Sige po, thank you!"
Nagmadali akong maligo at magbihis. Kaya't eto, 1:30PM pa lang ay ready na ako. Naaasiwa naman ako sa damit ko ngayon. Mejo nakalimutan kong nasa Manila na nga pala ako. Pero sige na nga, pagbigyan, since sa fashion industry naman ako papasok, mas mabuti kung mejo nasa trend yung soot ko.
Nagdala ako ng mga designs, portfolio, measuring tape at kung anu-ano pa. Siguro, pagkatapos kung pumunta sa condo ni Wade, ibibigay ko itong portfolio kay Hugo para masali ako sa Fashion Week.
Nilagay ko ang mga iyon sa front seat ng BMW ko. Yes, after four years, buhay pa itong sasakyan ko. Inalagaang mabuti ni Noah kahit hindi niya naman ito ginagamit ay parating chinicheck at minimaintain ang makina.
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...