Kabanata 11

1.5M 39K 24.6K
                                    

Kabanata 11

Pinaglalaruan

Pagkatapos ng mga klase ko ay dumiretso na ako sa parking lot.

Ah! The feeling na may sasakyan ka na? BONGGA!

Pinindot ko ulit yung alarm at binuksan ang pintuan. Ni-dial ko agad ang numero ni Coreen.

"Hello, Coreen? Uuwi na ako. Nandun si Noah sa bahay, practice nila ngayon."

"OO NGA PALA!" Sigaw ni Coreen. "OMG! HUHUHU."

"O bakit?" Natigilan ako at pumasok na sa loob ng sasakyan.

"Hindi ako pwede ngayon. May meeting pa kami ng group ko tsaka susunduin ako ni daddy dahil may dinner kami kasama ang kasosyo nila. Sheeet!" Nabasag ang boses niya.

"Talaga? Naku! Sayang naman!"

"Wait... ibig sabihin nandoon din si Wade?" Tanong niya.

Napabuntong-hininga ako pagkasabi ni Coreen sa pangalan ni Wade.

Kung alam niya lang kung anong nangyari kanina.

"Oo." Sabi ko sabay face-palm.

Alam kong hindi ako mapapansin ni Wade dahil kay Zoey lang nakabaling ang atensyon niya. Pero nakaya ko paring magtapat sa kanya at kaya ko ring tulungan siya kay Zoey.

"O... Sige na... Naku! Goodluck! Nandito na kasi yung mga ka-group ko. Next time na lang. Magkwento ka mamaya, ah?" Aniya.

"Oo. Sige. Bye."

Pinaandar ko agad ang sasakyan ko. Dinadalaw na naman ako ng kaba. Naiisip ko pa lang na nandoon si Wade sa bahay ay nanginginig na ang tuhod ko. Umalis kasi siya kanina pagkatapos ko sabihin sa kanya yun.

Bumukas ang gate namin, pumasok na ako sa loob at pinark sa garahe ang sasakyan.

Pinagbuksan ako ng katulong namin.

"Salamat po. Nandito naba sina Noah?"

Tumango ang katulong.

"May kasama silang mga taga recording ba yun. Tsaka yung ibang kaklase din."

"Ah? Talaga?" Sabi ko at tuluyan ng pumasok.

Kahit nasa living room pa lang ako, dinig na dinig ko na ang sigawan at pagtutugtog nila sa taas. Siguro ay di nila sinarado yung pintuan. Soundproof yung music room ni Noah, eh.

"Nga pala... manang, si Rozen?" Tanong ko.

"Hindi pa umuuwi."

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon